Maling akala

633 28 5
                                    

Si Thobee at Cedric ay matagal ng mag bestfriend. Magkababata at araw-araw silang magkasama. Kagaya ng mga bata naghahabulan at nagtataguan sila ng elementary times pa pero nung pumasok na sila sa buhay high school ay dun na nagsimula ang pagiging awkward nila sa isa’t isa.

Ang cute nga ng tawagan nila dahil Bah at Popoy. Si Thobee ay si Bah at si Cedric ay si Popoy.Mahal na mahal ni Thobee si Cedric nun pa at gayun na man kay Cedric. Hindi nga lang nila inaamin sa isa’t isa kaya pinapakita nalang nila ito sa turingan nilang magbestfriends.

Kaso lang gaya nga ng mga issue sa mga kabataan ay may nagsabi kay Thobee na may gusto si Cedric sa isang babae na kasama niya sa ginagawa nilang  palabas.

Si Cedric naman na walang kaalam-alam ay binisita si Thobee sa kanilang classroom. Araw-araw niya kasing binibisita si Thobee at araw-araw siya binabagabag ng damdamin niya. Nalilito siya sa gagawin niya. Aaminin ba nya kay Thobee o panatilihin nalang ang pagiging magbestfriend nila. Natatakot kasi si Cedric na baka yun ang pagmulan ng pagkasira ng friendship nila.

Hindi na siya umabot sa classroom ni Thobee dahil nagkatagpo na sila. Agad namang bumati si Cedric kay Thobee. Ngayon lang siya natauhan na kapag huli na niya itong aminin kay Thobee baka magsisi lang siya.

Hi Bah, musta? Pupuntahan na sana kita sa classroom niyo buti nalang nagtagpo tayo. Gusto ko sanang mag-usap tayo.

Masayang-masaya si Cedric dahil nakita niya si Thobee pero bakas sa mukha ni Thobee ang may problemang dinadala. Malungkot na malungkot ang mukha ngayon ni Thobee at todo iwas ng tingin kay Cedric.

Lalapitan sana ni Cedric si Thobee pero umatras ito. Nagtaka naman si Cedric dahil ngayon lang nagkaganyan si Thobee simula nung nagkakilala sila.

Cedric, masama kasi pakiramdam ko ngayon. Bukas nalang tayo mag-usap.  

Tumalikod na si Thobee at tumakbo papalayo. Gusto sanang habulin ni Cedric si Thobee pero baka magalit ito.

Sinunod naman ni Cedric ang sinabi ni Thobee kaya pumunta siya ulit sa classroom nila. Hindi niya nakita si Thobee at nagtanong na rin siya sa mga ka klase niya pero ang sabi lang nila ay lumabas ito. Patuloy pa rin siyang pumupunta pero hindi niya pa rin mahagilap si Thobee.

Pumunta din siya sa bahay nila Thobee pero hindi niya pa rin nakita.

Naisip tuloy ni Cedric na iniiwasan siya ni Thobee sa hindi malaman na kadahilanan. Napaisip siya na kung hindi niya maamin kay Thobee dahil sa iniiwasan siya nito ay gagawin niya ito sa ibang paraan.

Thobee, may ipapakita ako sayo. Sabi ng kaklase ni Thobee sa kanya. Si Thobee lang kasi ang naiwan sa room nila dahil pumunta na ang lahat sa gymnasium kung saan magaganap yung drama na pinaghahandaan ni Cedric.

Ano? Pagtatakang tanong ni Thobee. Matagal na rin siyang nagtatago at iniiwasan si Cedric. Kapag nalaman niyang pupunta si Cedric sa classroom nila ay agad siyang magtatago sa sulok o di kayay sa comfort room.

Basta sumama ka nalang sa akin. Sabi ng kaklase niya at hinila siya.

Oh ito, suutin mo. Takpan mo yung mata mo. Sabay abot kay Thobee ng panyo.

Bakit ko naman to susuutin? San ba tayo pupunta? Baka naman pagti-tripan mo lang ako.  Panay ang pagtanggi ni Thobee.

Tsk. Huwag na nga lang. Punta nalang tayo ng gym. Yaya ng kaklase niya.

Nabigla naman si Thobee sa sinabi niya at nanginig ang tuhod nito. Ayaw niya kasing pumunta sa gym. Ayaw niyang makita si Cedric. Ayaw niyang makita si Cedric na masayang kasama yung babae sa harap niya.

One Shot Stories by hopelessgirl11 ❄Where stories live. Discover now