Chapter 04: 3 F's

781 193 65
                                    

CHAPTER 03
3 F'S

Siguro... may mga bagay talaga na kahit matagal na, lumipas na at nasa nakaraan na, 'yong isip at puso natin ay pilit pa rin itong inaalala. Laging nakatatak sa puso't isip natin na tila hindi na ata mabubura.

Na kahit gustuhin mo mang kalimutan, pilit pa rin sa 'yo nitong pinapaalala.

Hindi makamove-on? Hays... parang gano'n na nga.

Kagaya na lang no'ng first day ng second year high school ko. Ang first F.

"Baby damulag, gising na! First day of school ngayon male-late ka!" sigaw ni Kuya na siyang gumising sa mahimbing kong pagtulog.

"5 minutes Kuya," maikling tugon ko sa kanya.

"Ikaw talagang Baby damulag ka hindi ka na naman nakikinig!" sigaw niya ulit.

Sinamaan ko siya ng tingin, dahil sa ikalawang pagkakataon tinawag niya na naman akong damulag. Kagigising ko lang at bad mood na talaga ako. Kasalanan ko ba na Baby pinangalan sa akin?

"Oo na po kuya Honey bee," bawing asar ko rin sa kanya.

Ngayon siya naman masama ang tingin sa akin. Paano ba naman? Eh bagay na bagay talaga kay Kuya Honey 'yong asar ko.

Kuya Honey, honey bee.

Madaldal siya at bagay na bagay ihambing sa isang bubuyog, kaya pikon lagi. Bubuyog siyang tunay dahil laging daldal dito, daldal doon. Ewan ko ba kung kapatid ko ba 'yan. Eh hindi kasi ako maingay, eh.

Tumayo na ako at nagtungo sa CR upang maligo na. Para naman magising na 'yong buong katawang lupa ko.

Natapos akong maligo at pagdating ko sa kusina nakita kong nilalapag na ni Kuya 'yong niluto niya. Nakabihis na rin siya ng kanyang uniform. Ang bilis talaga niya dahil na rin siguro sanay na siya, simula noong nangyari ang pinakamalungkot na araw sa amin.

"Oh, good morning Baby! Upo ka na. Katatapos ko lang magluto," bungad na bati niya sa akin pagdating ko.

"Morning," maikling bati ko rin.

"Ito talaga si Baby damulag ko, ang sungit. Ito oh bacon paborito mo. Basta huwag ka na masungit ha?" kunwaring paglalambing niya sabay pakita n'ong bacon.

Tinanguan ko siya at ngumiti nang kaunti. Andami pang sinasabi ni Kuya. Kahit naman inaasar niya ako, mahal na mahal ko siya.

Umupo agad ako dahil nakita ko na may bacon talaga, ang paborito kong ulam! Nagdasal kami at nagsimula nang kumain.

Kahit ganyan si Kuya ramdam ko pa rin na malungkot siya. Hays, sino nga bang hindi malulungkot sa sitwasyong ito?

Habang iniisip ko 'yong sitwasyon namin, hindi ko maiwasang malungkot na naman. Hanggang sa tumulo na lang bigla ang luha ko sa mga mata. Buti na lang napunasan ko kaagad bago pa mapansin ni Kuya 'yon.

Sabay kaming pumasok ni Kuya sa bagong school ko. Dito nag-aaral si Kuya, Grade 10 na siya at ako naman Grade 8 pa lang. Sa totoo niyan nag-transferred ako dito dahil ayaw ko sa dati kong school.

Hello High School (HHS) 'yong pangalan ng school. Ewan ko ba kung mabait lang ba talaga 'yong school o ano? Corny siya, hindi talaga ako natatawa.

Hindi ko na lang pinansin, sinundan ko na lang si Kuya sa bulletin board para tignan kung ano ang section ko. Doon ko nakita na Section A ako. Hindi naman ako sobrang talino, pero masasabi ko na deserve ko naman talaga sa mataas na section.

"Baby, Section A ka pala hatid na kita doon. Hindi pa naman siguro ako male-late, mga 30 minutes pa." Pagkasabi n'on ni Kuya maraming bumubulong-bulong na mga estudyante at pinagtitinginan ako.

It Really Hurts, DestinyWhere stories live. Discover now