Chapter 01: Baby

1.3K 236 198
                                    

CHAPTER 01
BABY

Akala ko si Kuya na sisigawan ako para gisingin upang 'di malate sa school ang bubungad sa akin sa umaga, pero nakapagtatakang sobrang tahimik ng buong bahay pagmulat pa lang ng aking mga mata.

Hinanap ko si Kuya pero hindi ko siya mahanap sa buong bahay. Halos akyat-baba ako sa pangalawang palapag ng aming bahay para lang mahanap siya, pero wala talaga. Naisip ko na baka umalis siya. Kaya nandito ako sa kuwarto ko, hinihintay ang pagbalik niya.

Pero sa'n naman kaya nagpunta 'yong bubuyog na 'yon?

Ang hirap 'pag isa lang ang kasama mo sa buhay tapos iniwan ka pa. Ang hirap maiwan. Lalo na ang maiwang mag-isa.

Sobrang mahal na mahal ko si Kuya dahil siya lang naman 'yong laging nand'yan para sa akin. 'Di lang talaga maiwasan minsan na mainis sa kanya kasi ang kulit niya na sobrang daldal pa, pero sobrang maalalahanin n'on lalo na 'pag dating sa akin.

Halos kanina pa ako naghihintay. Naiinip na rin ako, pero buti na lang nakita ko na siya sa may pinto ng kuwarto ko. Finally Kuya!

"Kuya Honey sa'n ka galing? Hinahanap kita kanina pa," bungad kong sabi pagpasok niya.

"Oh, Baby nagluto muna kasi ako ng hapunan natin, eh," sagot niya.

Ha? Ang tanong ko saan siya galing? Tapos sagot niya naman nagluto muna raw siya. Wait, what? Anong connect?

"May sasabihin pala ako sa 'yo," muling tugon niya then suddenly, he smiled.

"Wow Kuya bakit ka nakangiti d'yan? Nababaliw ka na naman 'no?" sabi ko at bigla niya na lang akong sinamaan ng tingin. "Ahh, so alam ko na, I smell something... good news?"

"Aba, oo naman Baby damulag ko, good news talaga 'yon. Mag-impake ka ng mga damit mo mga good for 2 weeks," nakangiting saad niya at ako naman napatikom ng bibig.

"Eh good news ba 'yon Kuya? P-Papalayasin mo ba ako?" Bigla akong napasinghap.

Grabe! Babawiin ko na ba 'yong sinabi kong mahal ko si Kuya? Gusto kong umiyak sa ideyang papalayasin niya ako.

"Hahahaha ikaw talaga! Hindi hindi, may pupuntahan tayo."

"Saan naman tayo pupunta Kuya? At bakit naman gano'n katagal?" I asked him again. I'm really confused.

"Punta tayo sa Palawan para makagala at makapagrelax tayo," aniya.

"Ay, akala ko may pasok. Hinintay pa naman kita Kuya dahil 'kala ko male-late na ako dahil 'di mo 'ko ginising."

Natawa na naman siya. "Bakasyon ngayon. Nakalimutan mo na agad, ayaw mo bang magpahinga muna sa lahat?"

"S-Syempre gusto Kuya." Gustong-gusto. Nakakapagod kayang umasa na lang lagi sa mga bagay-bagay na sinasaktan ka lang.

"Oh, edi tara sa Palawan!" nakangiting anito at doon niya napagdesisyunang tumabi sa akin sa may side ng kama kung saan ay naroroon ako.

Palawan? Parang may naalala ako do'n. Napangiti ako kahit nakakalungkot talaga 'yon. Hanggang sa napangiti na lang ako nang mapait.

Bata pa ako nagpunta kami nila Mom, Dad at Kuya ro'n. Isa 'yon sa hindi ko makakalimutang memories namin. Buo at masaya kaming sama-sama at puno ng pagmama---Wait tama na ang reminiscing. I should look forward.

It Really Hurts, DestinyWhere stories live. Discover now