025

2.9K 158 28
                                    

Kim Mingyu
• Active Now

12:57AM

Mingyu: Hoy

Vanilla: . . .

Vanilla: Madaling araw na

Vanilla: Goblin na naman?

Mingyu: Last episode na ako pero ipagpapabukas ko na lang 'to

Vanilla: Tama 'yan at may pasok pa bukas

Vanilla: Matulog ka naman ng maaga at 'wag kang gumaya sa akin

Mingyu: Wala kasi tayong pasok bukas

Mingyu: NAT ng Grade 9 at ang classrooms ng Grade 10 ang gagamitin

Mingyu: Halatang hindi nakikinig kanina

Vanilla: Talaga? Lutang lang siguro ako

Mingyu: Tungkol pa rin ba 'yan sa sinabi ni Joshua hyung?

Vanilla: Hindi

Mingyu: Sus

Mingyu: Pero bakit ba late ka lagi natutulog?

Vanilla: I write poems

Vanilla: Mas nakakapag-isip ako ng maayos kapag madaling araw

Mingyu: Talaga? Pabasa!

Vanilla: Ayoko

Vanilla: Matulog ka na

Mingyu: Ayoko rin

Mingyu: Kaya nga ipagpapabukas ko na lang ang panonood kasi makikipag-kwentuhan ako sa'yo

Vanilla: Ano namang ike-kwento ko?

Mingyu: Hindi ba sabi mo hindi naman ikaw ang nag-sabotage ng gown ni Mina?

Mingyu: E bakit sinasabi ni Joshua hyung na ikaw daw?

Mingyu: Ano ba talagang nangyari?

1:11AM

Vanilla: JS Prom noon tama? Kaming tatlo na lang nila Seungcheol at Mina ang natira sa squad noong mga panahong 'yron

Mingyu: Anong nangyari kay Joshua?

Vanilla: That's another story to tell pero hindi muna ngayon

Mingyu: Bakit ang daming cliffhangers?!

Vanilla: Masyado kasing maraming happenings okay? Baka mabigla ka

Vanilla: Let's have it one at a time

Mingyu: Sige na nga

Vanilla: As I was saying, JS Prom noon

Vanilla: . . .

Vanilla: Magkakatabi kaming tatlo sa isang table. Seungcheol and Mina are too engrossed talking to each other kaya hindi niya namalayan na inaayos ko ang strap ng gown niya

Vanilla: Napansin ko kasing parang lumuwag na ang pagkakatali. Naka-ribbon lang kasi 'yon

Vanilla: Ayon siguro ang nakita ni Joshua. Baka inisip niya na niluluwagan ko talaga 'yon on purpose

Mingyu: Tapos?

Vanilla: Sakto namang ni-announce kung sino ang Queen of the Night. Syempre, gulat si Mina pero agad din naman siyang tumayo. That time hindi ko pa tapos ibuhol ang strap niya

Vanilla: I tried calling her attention pero dahil sa palakpakan ng mga tao, hindi niya ako narinig at nagsimula na siyang maglakad papunta sa stage

Mingyu: Anong nangyari pagkatapos?

Vanilla: Kinabukasan nangyari ang pag-aaway naming tatlo kaya we never had the chance para pag-usapan ang nangyari noong prom

Vanilla: Pero malamang iniisip na ni Mina ngayon na kasalanan ko nga talaga dahil sa sinabi ni Joshua

1:26AM

Mingyu: Hindi mo rin ba sasabihin sa akin ang dahilan ng away niyong tatlo?

Vanilla: Soon

Vanilla: Ayoko kasing 'yung side ko lang ang marinig mo

Vanilla: Kasi magiging biased ka sa paghusga kung sino ang nasa tama

Mingyu: Sabagay

Mingyu: Pero ang angas 'no?

Mingyu: Ang tahimik ng dorm dahil sa alitan kanina sa groupchat

Vanilla: Ngayon lang 'yan

Vanilla: Pustahan mag-aaway na naman kami bukas

Mingyu: . . .

Mingyu: Sana hindi na :)

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon