048

1.9K 142 58
                                    

Calling Shua ..
Call connected

[Hello ?]

' Joshua .. '

[Isang himala ata na hindi ka umiiyak ngayon]

' Wala nang luhang nalabas sa mata ko e. Pati luha ko sinukuan na ako. Lahat nalang '

[Kailan kita sinukuan ?]

' ... '

[...]

' M-May ginagawa ka ba ? '

[Wala naman. May kailangan ka ba ?]

' Kailangan ko lang siguro ng makakausap '

[Kahit nga hindi na ako umalis sa tabi mo e]

' ... '

[Oh bat ka natahimik ?]

' Wag nalang pala Joshua. Wala ka rin namang mapapala kung makikinig ka sa mga sasabihin ko. Mag-aral ka nalang siguro. May quiz pa bukas diba ? '

[Ayan ka na naman. Inuuna mo na naman ang kapakanan ng ibang tao kesa sayo. Mas importante ka naman kesa sa quiz na yon e]

' ... '

[Wala man lang ako nagawa kanina. Nasaktan ka na naman. Hindi na naman kita naipagtanggol]

' Hindi ako ang naglagay non sa locker nya Joshua. Maniwala ka '

[Kahit naman hindi mo sabihin, alam kong hinding-hindi mo magagawa yon]

' Bakit sya ganon ? Basta-basta nalang nya akong pinagbintangan ng wala naman syang ebidensya. Ganun ba talaga ako kasama sa paningin nya ? '

[...]

' Sobrang bad timing nito. Balak ko nang makipag-ayos sa kanya diba ? B-Bakit kailangang maging ganito ? Ayaw ba talaga ng tadhana na magkaayos kami ? '

[Ano nang plano mo ?]

' Sa ngayon gusto ko munang mahanap yung totoong naglagay nun sa locker ni Vanilla. Kahit na sinabihan nya ako ng masasamang salita, hindi nya deserve na mabawian ng medal at matanggalan ng pwesto sa klase para sa isang kasalanang hindi naman nya ginawa '

[...]

' Gusto ko nang bumalik tayong lahat sa dati Joshua. Kung pwede lang sanang makalimutan na natin lahat ng pinag-awayan natin edi sana masaya na ulit tayo ngayon '

[K-Kung pwede nga lang]

' Naalala mo pa ba yung madalas kaming mag-crash ni Vanilla sa dorm nyo ni Seungcheol kahit bawal ? Tapos nung nahuli tayo ng dean, mga isang buwan tayong pinaglinis ng garden haha '

[Natatandaan ko pa yon. Gago kayo talagang sa fountain nyo ako in-assign e ang hirap-hirap linisin non !]

' Hindi kasi tayo magkaklase nung Grade 8 e kaya syempre gagawa kami ng paraan para makapag-bonding tayo '

[E kaso nadamay pa kami ni Seungcheol hyung sa kalokohan nyo]

' Seungcheol hyung ? '

[Ha ?]

' Tinawag mong hyung si Seungcheol ! '

[B-Big deal ba yon ?]

' Para sakin oo ! Ibig sabihin kasi nyan, bumabalik na yung respeto mo sa kanya '

[...]

' Dahil lagi tayong nagtutulungan sa pag-aaral nung grade 8, we managed na maging top 1 sa kanya-kanyang section natin. At nung grade 9 .. '

[N-Naging magkakaklase tayong apat]

' ... '

[...]

' Pero Joshua natatandaan mo ba ? Plano nating apat na magsalitan sa pagiging top 1 para fair. First quarter si Seungcheol, second ka, third ako at fourth si Vanilla '

[...]

' Change topic na nga haha. Sorry na-bring up ko pa '

[A-Anong nangyari sayo pagkatapos nung g-ginawa ko ?]

' Nagalit sakin parents ko syempre. Isang quarter lang naman daw na magta-top 1 ako ang hinihingi nila. Bakit daw hindi ko maibigay '

[...]

' Ang tanga tanga ko daw. Nagawa ko naman nung grade 8, bakit daw hindi ko magawa nung grade 9 ? '

[...]

' Pinamukha nila sakin kung gaano ako kabobo. Lagi nila akong kinukumpara sa ate ko na laging nangunguna sa mga klase nya. Wala daw akong kwenta '

[...]

' ... '

[S-Sorry Mina. K-Kung alam ko langㅡ]

' Ayos lang Joshua. Nangyari na. Napatawad na din kita, matagal na '

[Kahit naman napatawad mo na ako at kahit ilang sorry pa yung sabihin ko sayo, hindi na mababawi yung mga masasakit na salitang sinabi nila sayo]

' ... '

[S-Sana hayaan mo akong makabawi sayo Mina. Pati na din kay Seungcheol hyung at Vanilla. Gusto kong ayusin lahat ng pagkakamali ko]

' Nandyan lang naman sila e. Ikaw lang yung hinihintay nila, Joshua '

[...]

' Ah naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ni-bring up ko pa to. Ayos ka lang ba ? '

[Ayos lang ako. Hindi mo nga dapat ako tinatanong ng ganyan kasi kung tutuusin, kayo yung nasaktan ko]

' ... '

[H-Hindi ka pa ba inaantok ?]

' Hindi pa. Hindi rin naman ako makakatulog dahil sa mga iniisip ko '

[Gusto mong maglakad-lakad muna sa campus ?]

' Sige. Kukuha lang ako ng jacket. Ikaw din. Malamig sa labas '

[Hindi na kailangan. Hahawakan ko nalang yung kamay mo]

' ... '

[A-Ang awkward pala nung sinabi ko haha]

' Joshua .. '

[Hmm ?]

' Salamat pa din sa lahat. Kahit na may mga problemang namagitan satin, marami parin akong rason para pasalamatan ka '

[Wala yun Mina. Kahit ano para sayo]

' ... '

[Babawi ako sayo. Pangako]

Call ended
00:11:13

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon