030

1.9K 136 26
                                    

MINA's

Bwisit. Saan ba nagpunta ang apat na 'yon?

Naiwan tuloy ako dito na kasama si Joshua. Ayoko namang lumayo sa kanya kasi baka mawala ako nang tuluyan tapos magmukha pang tanga.

Nakatayo lang kaming dalawa dito sa may exit ng Timezone. Mukhang naiinip na 'to kasi kanina pa siya tingin nang tingin sa relo niya.

"Ang ganda nitong babae sa likod natin 'tol"

"Alin p're? Ang dami-daming babae dito e"

"Nakapalda na black. Tingin ka doon"

A-Ako ba 'yung sinasabi nila?

Napalingon si Joshua doon sa dalawang lalaking nag-uusap. Kitang-kita ko din na niyukom niya ang palad niya.

Um, okay?

"Ang kinis 'tol, ang ganda ng legs!"

"Lalapitan ba natin?"

Hahakbang na sana si Joshua kaya lang pinigilan ko siya.

"Joshua" madiin na sabi ko habang umiiling.

"Bitawan mo nga ako! Kita mong binabastos ka na nila e" sabi niya.

Hindi ko siya binitawan at sa halip ay mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Labag man sa loob ko pero kailangan kong gawin 'to.

Ayokong may gulo na namang mangyari dahil sa akin.

Nang makasigurado akong wala na 'yung mga lalaki ay saka ko lang binitawan ang kamay niya. Marahas niya akong hinawakan sa magkabilang balikat at iniharap sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo akong hayaan na ipagtanggol ka?!" inis na tanong niya.

"Kasi ayokong may mangyari na namang masama dahil lang sa pagtatanggol sa akin. Ayokong magaya ka kay Seungcheol" sabi ko.

Mukhang naguluhan naman siya dahil sa sinabi ko.

"I'm not worth it. Hindi niyo ako kailangang sagipin na lang palagi" sabi ko pa.

Mga ilang minuto pa kaming tumayo doon. Kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Joshua. Mukhang may gusto siyang sabihin o itanong.

Maya-maya ay tumatakbong lumabas ng Timezone si Mingyu at Vanilla. Parehas pang may bitbit na stuffed toy. Mga isip-bata talaga.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na din si Nayeon at Seungcheol kaya sumunod na lang ako sa kanila.

Pwede bang 'wag na nila akong iiwan ulit kasama si Joshua? Baka mabaliw ako.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon