086

1.6K 90 31
                                    

Vanilla's POV

' MGA HAMPASLUPA GISING NAAAAAA '- magkakasabay na sigaw naming tatlo nila Nayeon at Mina pagkapasok namin sa kwarto ng boys.

' Ang aga-aga pa e '- sabi ni Joshua bago nagtalukbong ng kumot.

' Bakit ba ang ingay '- reklamo ni Mingyu na parang nagsi-sleeptalk.

' Walang pasok ! '- sabi ni Seungcheol sabay takip ng unan sa mukha.

Natawa kaming tatlong babae habang pinagmamasdan sila. Okay, ang cute nila.

Yup, back to normal na. Pasukan na ulit kaya sa ayaw at sa gusto namin, kailangan na namang bumangon ng maaga. Pero ayos lang, at least magkakasama na ulit kaming anim.

After ilang years ng pagpilit ay bumangon na din naman yung mga lalaki. Sabay-sabay kaming nagpunta sa kusina kung saan nakahain yung mga pagkain na hinanda naming mga girls.

' Tada ! '- sabi Mina pagkadating namin sa kusina.

' Wow kayo nagluto nyan ? '- manghang tanong ni Joshua habang nakatingin dun sa mga pagkain. Si Seungcheol at Mingyu ay halatang gulat rin.

' Syempre hindi. Binili lang namin yan sa canteen '- sabi ako bago naupo sabay kuha ng pinggan.

' Corny nyo. Hindi talaga kayo wife material '- sabi ni Seungcheol. Batuhin ko kaya sya ng hotdog dyan ? Ay wag pala, masarap to.

Habang kumakain ay pinag-usapan namin yung mga kanya-kanya naming bakasyon. Natatandaan nyo ba ? Ayaw samin ng parents ni Joshua. Pero binalita nya samin na nagkausap na daw sila at nagkaayos. Salamat naman. Balak na din daw nya kaming ipakilala sa kanila sa susunod.

Si Mina, gaya ng binalita nya samin ay pumayag na ang mama nya na hindi sya mag-medicine. Nakakatuwang malaman na susuportahan na sya ni tita sa pangarap nya. May potential naman kasi talaga sa modelling tong best friend ko, balita ko nga e unti-unti ng sumisikat yung blog nya.

Si Seungcheol naman ay pinakilala na si Nayeon sa parents nya nung bakasyon. Tuwang-tuwa naman ang pamilya nya kay Nayeon lalo na ang kapatid nyang si Yeri. Si Nayeon naman, nakatanggap ng apology mula sa section nya sa pangunguna ng tropahan nila Jeonghan. Akalain nyo yun ? Pwede naman palang magbago ang mga tao kung gugustuhin lang nila.

At syempre, kinwento namin sa kanila ni Mingyu yung mga ganap samin nung bakasyon at syempre, hindi kami nakaligtas sa mga pang-aasar nila. May nakita pa nga silang pang-ipit ng buhok ko dun sa kama ni Mingyu kaya nalaman nilang madalas akong matulog dun. Hays.

' Ay hala may balita nga pala ko ! '- nakangiting sabi samin ni Nayeon kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

' Bago daw mag-umpisa ang klase this 2018, magkakaroon daw muna tayo ng retreat '- sabi ni Seungcheol kaya nahampas sya ni Nayeon. Sya nga naman dapat ang magsasabi. Minsan bida-bida din tong Seungcheol na to e.

Hmm, retreat ? You mean, more bonding time kasama tong mga makukulit at maiingay kong kaibigan ? Yes please.

' Retreat ?! May retreat tayo ?! '- tuwang-tuwang sabi ni Mingyu. Kakasabi lang diba ?

' Ano yung retreat ? '- biglang tanong nya kaya napa-facepalm naman kaming lahat. Tingnan mo, hindi naman pala nya alam.

' Ano bang ginagawa sa mga retreat ? Never pa akong naka-experience nyan '- tanong ni Joshua.

' Syempre yung mga religious things and the likes tapos group sharing at open forum. May mga team building activities at competitions din para tumibay ang samahan per section. Basta ang pinaka-objective ay ang makilala pa natin ang isa't-isa at mas lumalim ang bond ng batch natin '- sabi ni Seungcheol.

Hala exciting nga.

' Kailan daw ? '- tanong ko.

' This week ! Excited na nga ako e. Ngayon nalang daw kasi ulit magkakaroon ng retreat ang school natin after ilang years kaya for sure bongga to '- sabi ni Nayeon.

' Eto na naman tayo sa labanan per section. Pero syempre kung may cooking contest, talo na kayo sa 4A. Nasa amin si Jin '- sabi ni Mina.

' Kung by section ang labanan ay walang tatalo sa 4E. Nasa amin si Jihoon at Jeonghan, magaling yun sa mga logic at strategic games '- mayabang na sabi ni Nayeon.

' Luh ano naman ? Sa mga obstacle course ay madaling makakalusot ang 4D lalong-lalo na si Momo at Sana. Baka nakakalimutan nyong mga sexy at flexible ang mga nasa section ko '- sabi ni Seungcheol.

' May eating contest ba ? Kami ni Xiumin ang pambato ng 4B if ever '- natatawang sabi ko sa kanila.

' Ah basta, chill lang kami ng 4C sa mga larong yan. Mahirap na at baka pag nagseryoso kami ay matalo pa kayo kaya eenjoyin nalang namin. Kakantahan nalang kayo nila Tiffany at Jessica '- sabi ni Joshua.

' Wala, 4D talaga ang mananalo. Papadalhan nalang namin kayo ng cinnamon rolls sa libing nyo '

' Sige nga, spell cinnamon rolls  ? '

' Bingi ka ba ? Ang sabi ko monay '

Nagtawanan kaming lahat dahil sa kalokohan namin pero agad din naman kaming napatigil nang mapansing tahimik si Mingyu. Seryoso lang syang kumakain ng almusal.

' Uy Mingyu, wala ka bang sasabihin ? '- tanong ni Nayeon.

' Oo nga ! Ano bang asset ng section 4F ? '- tanong ni Mina.

Ako naman ay nakatingin lang kay Mingyu habang hinihintay ng sagot nya. Tumingin lang sya samin sandali bago tumayo.

' Ako muna ang maliligo '- sabi nya bago naglakad palayo.

Nagkatinginan lang kaming mga natira sa lamesa. Anong problema nun ?

--

Nung uwian ay lumapit samin si Mingyu na parang walang nangyari. Nakikipag-usap sya at nakikipag-tawanan sa amin na parang walang nangyari kaninang umaga kaya naisip ko na baka wala lang yun.

' Ayos ka lang ba ? '- tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng kwek-kwek dito sa stall sa harap ng school.

' Oo naman. Bakit mo natanong ? '- nagtatakang sabi ni Mingyu.

Ngumiti nalang ako at umiling. Wala nga lang siguro yung nangyari kaninang umaga.

Humiwalay samin si Mina at Joshua kasi gusto nilang bumili ng french fries tapos si Nayeon at Seungcheol naman ay gusto ng calamares. Kaya in the end, kami ni Mingyu ang naiwan dito sa stall ng kwek-kwek.

Tuwang-tuwa ako habang kumakain kasi ang tagal na din simula nung kumain ako street food kaso napansin kong parang hindi kumikibo si Mingyu sa tabi ko.

' Huy ang tahimik mo. May problema ka ata e '- tanong ko sa kanya.

' Ha ? W-Wala lang to. May iniisip lang ako. May amos ka pa '- sabi nya bago nya pinunasan yung gilid ng labi ko.

Pabalik na kaming dalawa sa dorm nang bigla nyang hawakan yung kamay ko kaya nagtataka akong napalingon sa kanya.

' Vanilla, yung about sa retreat pala . . . dapat ba talagang makipag-kumpitensya ? '- tanong nya sakin.

Yan lang ba yung iniisip nya mula kanina ?

' Friendly competition lang naman siguro yun. Syempre ang pinaka importante parin ay ang enjoyment batch natin. Dagdag thrill lang yung mga activities. Bakit mo naitanong ? '- sagot ko.

Ngumiti lang sya at umiling. Ginulo nya yung buhok ko bago naunang maglakad.

Weird.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon