088

1.8K 106 80
                                    

Vanilla's POV

' Inaantok pa ako '- sabi ni Mina habang nakaupo sa kaliwa ko dito sa bench sa quadrangle. Si Joshua naman na nasa tabi nya ay agad na pinatong yung ulo ni Mina sa balikat nya.

' Matulog ka muna sandali. Wala pa naman yung mga bus '- rinig kong sabi sa kanya ni Joshua.

' Nilalamig ako '- sabi ni Nayeon na nakaupo naman sa kanan ko. Nakita ko namang hinubad ni Seungcheol yung suot nyang jacket at pagkatapos ay binigay yun sa kanya.

' Thank you Cheol '- sabi ni Nayeon.

Napangiwi nalang ako dahil sa mga magjowang to. Jusko, di man lang marunong rumespeto sa single dito ?

Nagpalinga-linga ako sa paligid at wala akong ibang makita kundi yung mga estudyanteng lumalabas mula sa kanya-kanya nilang dorm at may bitbit na mga bag. May iilang teachers din na pilit kaming pinapapila ng ayos pero walang gustong sumunod dahil lahat ay inaantok pa.

Hindi ko makita si Mingyu. Saan ba nagpunta yun ? Kanina lang kasama namin sya tapos bigla nalang nawala.

' Pres naman. Mamaya na kasi tayo pumila '

' Oo nga, wala pa naman yung mga bus '

' Nakakatamad to '

' Ang kulit nyo no ? Pumila sabi kayo ng ayos e '

Napatingin ako sa kumpol ng mga estudyante di kalayuan na reklamo ng reklamo pero nakapila naman. Nahagip ng mata ko si Seulgi kaya alam kong 4F yun, ang section na handle ni Mingyu.

Nakita kong nakatayo sa unahan nila yung lalaking kanina ko pa hinahanap. Pinapagalitan nya ang section nya kasi ayaw sumunod sa kanya. Teka, tama ba tong nakikita ko ? Nagseseryoso si Mingyu sa pagiging presidente ?

Bigla kong naalala na presidente nga din pala ako. Ay letse, ano na kayang nangyayari sa section ko ?

' Hoy tama na landian ! Pumunta na kayo sa kanya-kanya nyong section ! '- sabi ko sa mga magjowang to na naglalampungan.

Lumapit na ako sa 4B at pinaayos sila ng pila. Ibinilin ko na din sila sa ibang officers kasi hindi nila ako kasama sa bus. Yung president, vice president at secretary kasi kada section ang magkakasama sa isang bus pati na rin yung mga in charge na teachers.

Sabay-sabay kaming nagpunta nila Mina sa bus namin. Hindi parin namin kasama si Mingyu na mukhang sineseryoso talagang ayusin yung section nya. Syempre, tabi-tabi sa bus yung mga mag-jowa. Ako naman ay naupo nalang sa tabi ng bintana.

Napangiti ako nang makitang umakyat na ng bus si Mingyu at nagtungo sa direksyon ko. Buong akala ko ay tatabi sya sakin kaso nagkamali ako.

Nilampasan nya yung pwesto ko. Dun syaa naupo sa may bandang likuran, sa tabi ng vice president nya na si Seulgi.

Napangiwi nalang ako. Bat ba ako umasa ? Ang sakit tuloy.

Nakita kong umakyat ang vice president kong si Baekhyun at mukhang wala na syang mapwestuhan kaya tinawag ko sya at sa tabi ko nalang pinaupo.

Napalingon sa gawi ko si Mina at parang nagtataka dahil hindi ko katabi si Mingyu. Nginitian ko lang sya bago nagkibit-balikat. Maski ako ay hindi ko alam.

Sabagay, hindi naman required na tabi kami. Isa pa, wala naman kaming relasyon.

Ulol Vanilla. Ulol.

Ayos lang, alam kong papansinin din naman ako nyan mamaya. Baka may pag-uusapan lang talaga sila ni Seulgi tungkol sa section nila. Si Baekhyun din ang daming sinasabi sakin kanina pa e, kaso wala man lang akong maintindihan kahit isa.

VANILLA / mingyuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon