Chapter 17

5.4K 153 4
                                    

#BCNotTheOne?

Andria's POV

Ilang araw ang nakalipas matapos ang birthday ni Tony ay palagi na niya akong iniiwasan. Bigla din itong umuwi sa mismong gabing iyon matapos nilang mag usap ni Joe. Sa tingin ko ay nagkatampuhan sila o kung ano man, eh kasi simula ng gabing iyon ay di ko na sila nakikitang naguusap o magkasama. Ng makita ko uli si Tony matapos ang araw na iyon  ay may nakita akong pasa sa gilid ng labi nito.

Hindi kaya'y nagkasuntukan 'tong dalawang toh? Ngunit wala namang pasa si Joe. At saka ano naman kaya ang pagaawayan nila?

Sinubukan kong tanongin si Joe tungkol dito ngunit palagi niyang iniiba yung topic namin. Para bang iniiwasan niya itong sagutin.

Gusto ko rin sanang tanongin si Tony ngunit panay naman ang iwas nito sa akin.

Kung hindi dahil sa project namin, nasisigurado kong hindi na talaga siya magpapakita sa akin. Hindi na din niya ako kinakausap o kahit inaasar man lang. Kung kakausapin niya naman ako ay yun ay kung tungkol sa project namin pagkatapos ay hindi na ito iimik at tatahimik lang buong maghapon. Hindi ko na rin ito nakikitang ngumingiti at palaging magkasalubong ang mga kilay nito. Di ko na din ito napapansing pumupunta ng sementeryo upang bisitahin si Timmy. Para siyang naging anti-social at loner.

Ano bang nangyayari sa kanya?

may nagawa ba akong mali?

Bakit niya ako iniiwasan?

Nagaway ba sila ni Joe?

May kinalaman kaya ako sa naging away nila?

Kung meron man, bakit?

Iilan lang yan sa mga tanong na nakapaloob sa aking isipan. Mga tanong na hanggang ngayon ay wala pa rin kasagutan.

Ilang linggo na lang at semestral break na. Busying-busy na ang lahat para sa darating na finals. As usually mag-isa na naman akong naglalakad papuntang classroom. Minsan ko na lamang kasing mahagilap yung sina stephanie at robi. Alam na, may iba silang mundo. Eto namang si Tony, haist....di ko na talaga halos makita. Sa classroom ko lang kasi ito nakikita simula ng matapos na namin yung business project namin at nung naibigay ko na sa kanya ang bahagi ng thesis draft ko. 

Hindi ko alam kung ano ba 'tong nararamdaman ko, pero namimiss ko na talaga siya. Yung pangaasar niya't mga pangaalaska. Yung pagiging masungit niya't pagiging pilosopo. Sana nga ganoon na lamang kami palagi, kasi atleast diba nakakasama at pinapansin niya ako. -__-

Back-to-earth naman ang isip ko ng biglang may nag text.

From: Joe

Hi Cutie :* Nakarating ka na ba sa University? Ingat ka! Love you <3

Napabuntong-hininga naman ako.

"Hay naku Joe, sweet ka nga at caring. Nasa'yo na ang lahat, kumbaga...ngunit yung puso ko hindi talaga tumitibok para sa'yo eh. Nasasayang lang yung effort mo." bulong ko sa sarili habang binabasa ko 'yong naging text sa akin ni Joe.

To: Joe

nasa university na ako. Salamat :)

Ng makarating na ako sa room ay wala pang tao. Lagi naman ehh... early bird ata ako :')

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon