Chapter 26

4.8K 141 5
                                    

#BCMeetingTheDAD

Andria's POV

Nakangiti akong gumising habang piniplayback ko lahat ng mga nangyari kagabi, doon sa arcade. Ang romantic lang naman kasi, pakiramdam ko talaga parang nawala lahat ng mga tao sa paligid at tanging si Tony at Ako na lang yung nandodoon.

Pero teka,

.

.

.

.

.

.

ano ba kami? Ano ba talaga kami?

Hindi pa naman niya inaaming gusto niya ako. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya yung totoong nararamdaman ko, ngunit parang yung actions namin both speaks louder than our words. So... is it safe to say na.... M.U Kami? xD hahaha

Napatingin ako sa tabi ng higaan ko at nagulat akong wala na si Tony. Simula kasi noong araw na nandidito ako, nagshashare kami dito sa bed niya. Pero, wag madumi ang isip n'yo ah, wala kaming ginagawang masama. (Defensive lang ehh xD)

Napaupo naman ako sa kama at inikot ng tingin ang buong paligid ng kwarto, 'Nasaan na ba yung mokong na yun, hmmm.... baka nasa kusina lang yun o di kaya sa banyo' Tumayo ako at inayos ang higaan. Tinungo ko yung banyo at kumatok, "Tony, andjan kaba?" ngunit walang sumagot. "hmm.. baka nasa kusina siya.." binuksan ko ang banyo ang there's no sign of her. Kaya ginawa ko nalang muna yung morning rituals ko bago ako mangungulit sa kanya doon sa labas. Nagugutom pa naman ako. 

Natapos ko na ang lahat at lalabas na ako ng biglang may narinig akong nagsasalita. 

".... so son, girlfriend mo na ba siya?" narinig kong tanong ng isang boses lalaki. Base on his voice, mukhang matanda na ito.

"no, dad.....but soon, I guess?.." si Tony yun, nasisisgurado ko. Ano ba 'tong pinaguusapan nila. By the way, binanggit niyang 'dad' so it means dad niya ang kausap niya sa labas. Ehhh... nagaalangan na tuloy akong lumabas. Babalik na lang sana ako doon sa kama ng biglang bumukas ang pinto. 

"Oh? Andria? Gising kana?" ehhh... tinawag na naman niya akong Andria. Ansarap pakinggan sa tenga. Minsan lang naman niya kasi akong tawagin sa pangalan ko. Pero may napansin ako, yung facial expression niya parang gulat na gulat. 'Anyare naman sa isang toh?'

"Ahhmm..." magsasalita pa sana ako ng biglang lumapit yung dad ni Tony. Phew! Buti na lang talaga at nagawa ko na yung morning rituals ko kundi magaamoy laway pa ako nito sa harap ng father-in-law ko? Hahahaha, feeling eh.

"Good Morning, iha.." bati sa akin ni Mr. Gonzales.

"G-Good Morning Po, Sir" tapos nag bow ako as a sign of respect.

"Masyado ka namang pormal iha, just call me Tito Or Dad" sabay ngiti ng nakakaloko. 'Hala, Dad daw xD hahahaha'

"Dad!" suway sa kanya ni Tony na tila nahihiya pa. Napatawa na lamang si 'Dad' habang ako naman ay napangiti.

***

Masayang nag kwentuhan ang mag ama. Ang kulit lang naman kasi nitong si 'Dad' (hahaha , kina-career ko na) at inaasar-asar niya si Tony lalo na yung nangyari doon sa summit. Habang ako ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. Pakiramdam ko ding magkasingpula na kami ng kamatis, ang awkward naman kasi nitong mga sinasabi ni 'Dad'. Nagulat naman ako ng malamang, alam na pala ni 'Dad' yung tungkol sa naging relasyon ko kay Timmy. Hindi naman daw siya tutol sa issue na kung sakaling magiging kami ni Tony kasi wala na rin naman daw si Timmy, and he knows, Timmy would be glad to see na nakapag move on na ako. 

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon