Chapter 14

4.8K 158 6
                                    

#BCTooSweetThanCakes

Third Person

"SURPRISE!!!" sigaw ni Andria na siyang ikinagulat ng sobra ni Tony. At dahil dito ay natabig niya ang cake na hawak-hawak nito at natapon ito sa mukha ni Andria.

<<< Rewind

Nang maalala ni Andria ang tungkol sa kaarawan ni Tony ay agad itong nag-isip ng kung anong pwedeng gawin nito. Gusto niya kasi i-surprise ito at bilang pasasalamat narin dahil sa pag-aalaga nito habang inaapoy siya ng lagnat kagabi.

"Mag bake na lang kaya ako?" wika niya habang natataranta sa kakaisip. Nagaalala na kasi ito na baka magising na si Tony maya-maya lang.

"Tama! Bibili na lamang ako." tapos dali-dali nitong kinuha ang kanyang wallet at umalis, "....sana naman may malapit na bakery o di kaya cake shop dito...at saka sana bukas na din sila at nakapagbake na..."

Bago siya tuluyang lumabas sa building ay dumaan muna siya sa front desk ng condo upang magtanong ng mga pwedeng mabilhan niya ng cake na malapit lamang sa area. 

"...I'm sorry ma'am wala po akong alam na malapit na bakery o di kaya cake shop dito." wika nito. "pero pwede niyo pong i-try sa Fe's Cafe jan lang sa malapit." tapos lumiwanag naman agad ang mukha nito. "Naku salamat!!" tapos dali-dali na itong lumabas upang bumili ng cake.

****

"please po Mister, hayaan niyo na po akong bilhin 'yang isang buong cake niyo cge na po....." pagmamakaawa niya.

"Miss, iseserve namin to mamaya. 1st anniversary party kasi ng cafe." wika ng Mamang nasa counter.

"Please naman po...." kulit niya.

"ano bang nangyayari jan?" biglang dumating ang manager.

"Sir, please po, kahit 'yung maliit na chocolate cake na lang po. Pumayag na kayong bilhin ko ito..." pagmamakaawa niya.

"ang kulit sir..." wika ng nakausap niya kanina.

"cge na ako na ang bahala dito.." wika ng manager. "...bakit ba gusto mong bilhin tong cake, iha?" tanong niya habang inilabas nito ang cake mula sa lalagyan.

"birthday po kasi ng .....kaibigan ko... gusto ko po sana siyang surprisahin pag gising niya..." wika niya, "cge na po sir, baka kasi magising na yun. Mapalpak pa...." tapos nagpuppy eyes ito, "pleaaaseee...."

Napatawa naman yung manager, "ang swerte naman ng kaibigan mo at talagang gagawin mo talaga ang lahat makuha lang toh..." tapos binalot nito ang cake sa isang box. "...eto na, at dahil anniversary ng cafe ko ngayon, libre na yan..." nakangiti niyang sabi habang iniabot sa akin ang box.

"naku! maraming salamat po talaga...." tapos dali-dali na itong umalis habang napailing na lamang yung manager at sinundan ng tingin ang nagmamadaling si Andria.

"Please... sana tulog ka pa..." hiling niya ng dahan-dahan niyang inikot ang door knob ng pintuan. Ng makita niyang himbing na himbing pa rin ito sa pagtulog ay agad naman siyang nakahinga ng maluwag. Inihanda niya muna ang cake bago niya inasikaso yung magiging breakfast nila. Magsisimula na sana siyang mag luto ng biglang napansin niyang magigising na si Tony. Dali-dali siyang pumunta malapit dito habang dala-dala niya ang cake.

.

.

.

At ng maidilat na nito ang mga mata niya,

"SURPRISE!!!!" at ayun na nga ang nangyari. Nagulat si Tony at natabing niya ang cake papunta sa mukha ni Andria.

>>> Back to Present

BY CHANCE (TiAom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon