ELEVEN

1 1 0
                                    




Mabuti na lang at ganito ang suot naming girls dahil ang lamig kaagad ang bumungad sa amin sa balcony, kung sa hapon ay malamig na dito, mas dumoble ngayong gabi.


Its all ready 9pm.


The boys are already there when we came. Bren is wearing a red shirt and dark blue short, Will is wearing a green shirt and also a green pajama, ang cute niya sa ganoong suot. Napatigil ang tingin ko kay Azon na nakatingin rin pala sa akin.


He's wearing a black shirt and a indigo pajama. His more cute compare to Will, sinong magaakala na nagpapajama pala tuwing gabi ang Azon Quizon. His like a child how adorable.


"Oh ano? Magtititigan na lang ba tayo dito?" Biglang singit ni Bren kaya nalipat ang tingin ko sa kaniya.


Ngayon ko lang napagtanto na nagtititigan na pala kami ni Azon. Also same to Will and Sissa.


Lumapit si Bren kay Xie.


"Hindi ka nagpajama?" Tanong nito at tumingin mula ulo hanggang paa ni Xie, nakita ko namang namula ang pisngi ng Xie.


"H-hindi ako mahilig magpajama, ikaw bakit hindi ka nakapajama?"


"Hindi ko rin trip pagpajama, tsaka wala akong dalang damit, eto lang binigay ni Azon"


Hindi ko na narinig ang pinagusapan nila ng agawin ni Azon ang atensyon ko.


"You're cute with your pajama" He said besides me. Nilingon ko naman siya. Grabe, kakaligo lang rin ata niya, ang gwapo niya lalo kapag bagong ligo ang bango den. Ano kaya body wash niya?


"So kaylangan pala lagi akong nakapajama para cute ako tignan" Pamimilosopo ko. He chuckled. Damn. Why it's like a husky chuckled? Huh?


"No need, you're still cute even your not wearing a pajama" His sexy baritone voice said. Shit!


Napatigil lang kami ng hilahin ako ni Sissa at kumapit sa akin.


"Tara na maglaro na tayo" Aya niya na sinangayunan namin, naupo na kami sa sahig sa gitna at nakapabilog kami. Nasa gitna ang mga cards.


"Mamigay ka na" Pinasa ni Sissa ang cards kay Bren after niyang ibalasa ito.


Sumunod naman si Bren. Habang namimigay siya ay napatingala ako. The stars are so bright in the sky.


Ang gandang pagmasdan nito. Kahit mapaaraw at gabi pala maganda ang tanawin dito sa Balcony nila. Pwede ko kayang bilin kahit itong part lang ng bahay nila?


"Matunaw si Luzy, Azon" Napatingin ako kay Sissa ng sabihin niya iyon.


Nagiwas naman ng tingin si Azon. Kaming girls ang magkakatabi at sa harap namin ang boys.


"Umamin nga kayo. Kayo na ba?" Sissa eyes squinted while taking a glance of me and Azon.


"Hindi sila noh.! Diba Luzy?" Tanong ni Bren kaya umiling iling kaagad ako. Bakit ba ayaw sumagot ni Azon.


"Wews? Diba sabi mo sa akin magiging kayo kapag nagbreak na kami ni Will? Break na kami so ano na?" Dere-deretsyong sabi niya, hindi ba siya aware na nakikinig si Will? Haist.


'Well, magbabalikan na kayo' I want to say that pero pinigilan ko ang sarili ko.


"Ano ka ba?! Joke lang 'yun no! Naniwala ka agad" I faked my laughed. Bakit ba ako ang topic dito?


"Sus!"


"Maglaro na nga lang tayo!" Sabi ni Bren na tapos na mamigay ng cards.


"Uno!!" Sigaw ni Bren ng isa na lang ang cards niya. Sobrang saya niya. Si Azon at siya na lang ang magkalaban, natapos na kami lahat.


"Yehey!! I won??" Sigaw ni Bren ng ilapag niya ang last card niya. "Bleh!" Pangaasar niya kay Azon. Napipikon na tumayo naman si Azon.


"Immature" Sabi ni Azon.


"Pikon" Bawi naman ni Bren.


"Tama na nga 'yan, magmovie marathon na tayo" Pagkasabi non ni Xie ay pasimple kaming nagtinginang lima except to Sissa. That's the sign. Magiistart na ang plano namin. Kaylangan naming umaktong normal lang ang lahat, dahil kapag nakatunog si Sissa, mauuwi sa wala ang lahat ng ito.


"Here, dito tayo manunuod" Pumasok na kami sa isang guestroom malaki rin ito at may malaking flat screen tv din at sofa.


"Pwede namang sa room na lang naming girls, malaki rin--" I cut Sissa's words.


"Dito na lang, wag ka nang maingay"


"Fine"


Kaniya kaniya na kaming upo pagkarating doon. Assual nasa tabi ko si Sissa. Nilabas na niya ang mga snacks na dala niya at naghati hati kami doon.


"Anong movie? Horror, comedy, o........spg?" Sumilay ang ngisi ni Bren na parang manyak.


Hinampas naman siya ni Xie. "Tumigil ka! Sira ka!"


"Horror na lang" suggest ni Sissa kaya iyon na ang pinanuod namin.


Habang nanunuod ay pasimpleng nagpapalitan kami ng tinging lima.


Kinuha ni Azon ang phone niya sa bulsa. "Excuse lang, tumatawag si Mommy" Paalam niya at lumabas na.


"Okay"


"WAHHHH!!!" sigaw ni Sissa ng may nagpakitang multo sa TV.


"Nauuhaw ako" Reklamo ni Bren. Puro nga lang pala kami chichirya. Walang tubig.


"Wait, kuha ako sa baba" Paalam ni Xie at tumayo na. Nilingon ko si Sissa, mukha namang wala siyang kaalam-alam dahil nakafocus siya sa palabas. Seryoso siyang nakayakap sa isang unan.


Kaming dalawa na lang ni bren ang nasa loob, tinanguan namin si Will at tumango rin siya pabalik.


Sabay kaming tumayo ni Bren at dali daling tumakbo palabas.


"Hey!!!Luzy--" Narinig kong tawag ni Sissa pero sinara na ni Bren ang pinto mula sa labas.


Nandoon na rin sila Xie at Azon. Kaagad na nagtulungan si Azon at Bren isara ang pinto mula sa labas.


Rinig pa ang kalampag ng pinto mula sa loob. Its probably Sissa.


Sorry. Sissa.


"Hey!!! Ano 'toh hah! Pinagkaisahan niyo ako!!! Nakakainis kayo!!!! Buksan niyo 'toh!!! Hindi nakakatawa!!! Hoy!!!!" Sigaw ni Sissa.


"Hindi namin kayo palalabasin dyan habang hindi kayo nagkakabati!"Sigaw ko.


"Luzy!!! I hate you! Pinagplanuhan niyo ako! I hate you guys!!! Please palabasin niyo na ako!!! Uuwi na ako--"


"Hey, wala silang kasalanan, ako ang may gusto nito, so stop that Sissa, mapapagod ka lang, di nila tayo pagbubuksan, please ayusin natin to! Let me explain first--" I heard Will said.


"I hate you!!! Ayokong marinig ang piwananag mo!"








Nothing would End Last Forever Province Girl Series#1Where stories live. Discover now