SEVEN

4 1 0
                                    


Naupo ako sa mahabang upuan para magpahinga. Nagiimprovise lang naman kami kaunti lang ang gagawin namin ngayon, may kaunting paalala lang din si Xie, siya ang tumatayong leader namin kahit hindi kailangan sa thesis iyon, kaylangan naman namin iyon dahil magugulo kami.

Nang matapos namin iyon ay may natira pa kaming two hours. Saktong dumating ang maid para sa meryenda nagmamadali kaming lumapit sa pagkain.

May sandwich at juice.

"Walang cupcakes si Tita Monica para kay Luzy?" Tanong ni Sissa. Gulat na nilingon ko siya. Nginitian niya lang ako.

"Wala pong sinabi e." Sagot ng Maid.

"Ah.. okay lang, salamat dito" Sabi ko kaagad. Ang Sissa na 'to talaga.

Pagkakuha ng pagkain, kaniya kaniya na kaagad kaming pwesto naupo ako sa isang mahabang sofa sa loob nang tumabi si Azon sa akin.

"Hey" Bati ko para hindi maging awkward.

Nilabas ko ang phone ko at tinipa ang password ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa cellphone ko.

"I saw your password" He said.

"Wews? Nakabisado mo?" Taas noong tanong ko alam ko namang hindi niya nakabisado iyon, mabilis kong tinype at mahaba ang passwords ko. Containing a words and numbers yun.

"Yeah, nakabisado ko" Sagot niya kaya agad akong napalingon sa kaniya.

"Talaga lang huh?, Try mo nga?" Mayabang na hamon ko at inabot ang phone ko sa kaniya. Competitive ako na hindi niya mabubuksan iyon but I'm wrong.

Halos malaglag ang panga ko ng mabuksan niya iyon.

Agad kong hinablot ang phone ko. "Halah!!! Wag kang maingay!! Tayong dalawa lang nakakaalam non!"

Tumawa naman siya. "Okay"

"Wag mo pagkakalat hah! Hindi ko iniiba password ko e, baka kasi makalimutan ko kaya wag mo na lang sabihin hah!"

"Oo na" Tumatawang sabi niya. Probably his laughing for my reaction.

"Hey! Hey! Nagsosolo kayo dyan! Ah" biglang dumating si Will at Sissa. Dinaganan ni Will si Azon kaya umurong ako.

Tumabi naman sa akin si Sissa. "Nanliligaw na ba?" Bulong niya. Kaagad naman akong umiling. Napaka issue niya.

"Ke'lan pa kaya, ang bagal ng progress niyo?" Wow lang hah? Iniintay niya pala magkaprogress kami ni Azon?

"Kapag siguro nagbreak na kayo ni Will" biro ko na kinainis niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Well, hindi kami magbe-break ni Will, duh we're loyal to each other, Xie oh!" Dumating si Xie at Bren tumabi si Xie sa amin.

Si Bren naman ay dumagdag sa pagkakadagan kay Azon. Kawawa naman siya.

"Get the fuck off!" Inis na turan ni Azon.

"Para kayong sandwich" natatawang sabi ni Sissa sa tatlong lalaki. Oonga noh?

"No, mas masarap kami sa sandwich" Natatawang sabi ni Will. Napairap ako. What the fuck? Ang hangin niya.

Mabuti at mahaba ang sofa kaya kasiya kaming anim.

Maya maya ay naglaro na ng ml ang boys at kaming girls ay sinamahan ni Tita Monica para ilibot sa buong bahay.

Matapos magdinner ay umuwi na kami, assual ang mga sabay sabay kahapon iyon pa rin ngayon, hinatid rin ako ni Azon ng motorbike niya.

Habang nasa byahe ay nagsalita siya.

"Silvanna" He said.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko, bigla na lang siyang nagsasalita.

"That's my password on my phone" He said.

"Ahh, name ng girlfriend mo?"

"Silly, I don't have girlfriend, that's my favourite hero on ml, ikaw lang din ang nakakaalam" Sabi niya. I nodded as if he saw it.

"Wait? Why are you telling me that?"

"So we're fair, I know your password and you know mine, if I spread to anyone your password spread mine too" He said. I nodded again he had a point.

"Wews, Paaano ako nakakasiguro na iyon ang password mo?"

"You can get my phone in my packet and try it"

Tumawa naman ako. "Joke lang, maniniwala ako"

Pagkarating sa tapat ng bahay namin ay nagulat ako ng makitang nasa labas si Daddy he's talking to someone on the other person on phone.

"Omg" Bulong ko. "Dito mo na lang ako ibaba, baka makita ka pa ni daddy" Kinalabit-kalabit ko siya at tinuro si Dad.

"So what kung makita ako ng Dad mo?" Walang pakeng sabi niya at nagtuloy tuloy sa paglapit hanggang sa huminto na kami sa tapat ng bahay. Dad immediately turn his gaze to us. Sandali siyang natigilan ng makita ako, lumipat ang tingin niya kay Azon.

Bumaba na ako sa motorbike at nagulat ako ng bumaba rin si Azon.

"Wait for a second" Rinig kong paalam ni dad sa kausap niya sa cellphone at binaba ito. Seryosong tinignan niya kami ni Azon. I swallowed the lump on my throat.

"Good evening, Sir" Lumapit si Azon at nagmano kay Daddy ganoon na rin ang ginawa ko with matching kiss on his chick.

"Ah...dad....si Azon one of my groupmate in thesis, Azon, daddy ko" Pagpapakilala ko. Grabe, bakit ba ako kinakabahan samantalang, parang pachill-chill lang si Azon? Ang seryoso namin dito?

"Is he the friend you talking about that always take you home?" He asked. Oonga pala, sabi ko may friend akong kasabay umuwi. Haist.

"Y-yup, Dad" Hindi ako makatingin. Gosh. Bakit nga ba ulit ako kinakabahan? E hindi naman kami magjowa na nahuling may ginagawang masama o naabutang gabi umuwi mula sa galaan at hindi ko rin naman siya boyfriend na ipinapakilala. Haist. Ang gulo.

Dad slowly nodded. "Thanks for taking my daughter home, safely" Hinarap ni dad si Azon.

"No problem, Sir" Azon formally said.

Sunod akong hinarap ni Dad. "Papasok na ko, pumasok ka na din" Pagkasabi ni Dad non ay nilingon niya mula si Azon bago pumasok na sa loob.

Hay. Salamat. Nakahinga na ako ng maluwag. Nilingon ko na si Azon, tinititigan na pala niya ako.

"Your dad is nice" He said.

"Well, yeah" Nasabi ko na lang, minsan kasi kapag may topak hindi nice si Dad.

"Okay, so see you tomorrow na lang sa school" Sabi niya at sumakay na sa Motorbike niya.

I nodded then smiled at him. "Yeah. See you tomorrow, bye, night" Sabi ko at kumaway kaway. His brows furrowed.

"Night?"

"Yup, short for good night" I said then he nodded like that's the first time he knew about that. Wait? First time ba niya talaga?

"Then, night" He said then start the engine of his motorbike. Kumaway kaway ako hanggang sa nakalayo layo na siya tsaka ako pumasok sa loob.

Nothing would End Last Forever Province Girl Series#1Where stories live. Discover now