SIX

3 1 0
                                    

Simpleng green na shirt na may logo ng De la Salle ang suot ko at short na hanggang tuhod ulit. My cousin is a LaSallian. Luma na ang shirt na ito.

Kinuha ko na ang phone ko, hindi ko na dinala ang wallet ko dahil doon rin naman kami magmemeryenda at maghahapunan.

I get my phone to check if nandoon na sila.

Thesis-sais

Bren: Nandito na kami ni Xie.

Luzy: Magkasama kayo?

Bren: Oo, kaylangan kong bumawi e.

Luzy: Mabuti naman.

Bren: Ikaw, sino kasabay mo? Saan ka na?

Azon: I'm outside.

Naguluhan ako sa chat na iyon ni Azon. Pero nanlaki ang mata ko ng malaman ang ibig niyang sabihin agad akong nagpaalam kina mommy at dere-deretsyong lumabas.

Their, I saw Azon outside. Nakagreen din siya pero plain na shirt lang. Then black short. Nasa likod niya ang motorbike niya.

Mukhang kakaligo lang niya at ang gwapo niya tignan. Haist.

"Hey!" Tawag ko at lumabas na, nilingon naman niya ako. "Kanina ka pa dyan?"

"Ngayon ngayon lang" Sagot niya. "You're also wearing a green huh?" He smirked while looking at me from head to toe. I became concious with my look today. Geez.

"Hindi ba halata? Tara na nga baka nandon na sila" sumakay na ako sa likuran niya. Naamoy ko kaagad ang mabango niyang pabango, wait pabango pa iyon o natural scent lang niya?

"Kinuhanan pala tayo ng picture nila Will kahapon" Sabi ko kahit alam naman niya. Bakit ba? Nagoopen up lang ako ng topic kasi baka mahaba na naman ang byahe. Sa totoo lang mas mabilis pa pag-naglalakad.

"Yeah. Kapag talaga nagbreak ang mga iyon tatawanan ko sila" Aniya.

"True! Magpapaparty pa ako" Tumatawang sagot ko. I saw that his arm moved so I think tumawa rin siya hindi ko lang kita kasi nakatalikod siya sa akin at walang sound ang tawa niya.

Pagdating namin doon ay sinalubong kaagad kami ng mga ka-groupmates namin. Iba iba ang mga reaction nila.

May naguguluhan kung bakit magkasama kami at sinundo ako ni Azon, may kinikilig, natutuwa, nangaasar, nagulat.

Bumaba na ako ng huminto ito.

"Kaya pala wala, may sinundo pa" Pangaasar ni Will assual Sissa inclined to his arm.

My brows furrowed when I saw our shirts.

"Omg, color coding ba? Depende sa ka partner?" Natutuwang sabi ni Sissa, napansin rin pala niya. Nagsitinginan sila sa mga damit nila.

Bren and Xie wearing a white shirt, Sissa and Will wearing a red shirt and Me and Azon is wearing a green shirt. What the?

"Pinagplanuhan ba ninyo 'yan?" Napalingon kami sa loob ng biglang dumating si Tita Monica.

Nagmano kami sa kaniya.

"H-hindi po, coincidence lang" Sagot ni Xie.

"You all look cute, pasok na kayo, bakit nadyan kayo sa labas?"

"Hinintay lang po namin 'yung dalawa" Sissa answered portraying to Me and Azon.

Napalingon naman sa amin si Tita Monica at nginitian ako. "Tara na"

Nasa balcony na kami at katulad kahapon napahinto na naman ako ng makita ko ang napakagandang tanawin doon. Shit talaga! Pwede bang tumira na lang ako dito? Kahit dito lang ako sa balcony, okay na.

Katulad ng mga ibang istudyanteng kapag nagpupunta sa bahay para gumawa ng groupworks, puro inatupag muna ang pagtulala at daldalan, ganoon rin kami.

Katulad ng pwesto namin kahapon ganoon parin ang pwesto ngayon, sa kanan sila Sissa at Will sa gitna si Bren at Xie at kaliwa kami ni Azon.

"Hey!!! Fans!!!" Sigaw ni Bren ng may makita kaming mga nangingisda.

Tumingala naman ang dalawang lalaki sa amin at kumaway kaway pa, kumaway rin kami.

Nililibot ko ang tingin sa buong palaisdaan ng may maramdaman akong tao sa gilid ko.

I leaning to the railings and he also lean besides me. He so close to me.

"I like the view" He said in his sweet boritone voice.

"You do?" Napangiti na ako habang nakatingin pa rin sa tanawin, same as him. Parang alam ko na ang idudugtong niya.

"Your my best view" Aniya kaya pareho kaming napatawa.

Napatigil lang kami ng makitang tinitignan na kami ng mga ka-groupmates namin.

"Aray! Sa sobrang sweet niyo nilalanggam na kami" Arte ni Will at kunyari pa'y nangangati. Tumawa naman si Sissa.

"Hoy ano yan!! Nagtataksil ka sa akin Luzy, habang nakatalikod ako?" Umarte namang nasasaktan si Bren with matching hawak sa dibdib. Napailing iling na lang si Xie.

"Magstart na nga tayo" Sabi ko at lumapit kay Xie.

"Mabuti pa nga" Nilabas na ni Xie ang mga papel kahapon. "Na-finalise ko na 'yan"

Nagumpisa na kami, pinagparte parte namin ang dapat na gawin. Dahil sa topic namin kaylangan namin ng tatlong sypnosis kaya nagdesisyon kaming maghati hati sa dalawa.

"Kami ni Will" Sabi kaagad ni Sissa at kumapit pa kay Will. As if namang aagawin namin.

"Kami ni Lu--" Azon cut Bren's off.

"Luzy is my partner" Seryosong sagot niya.

"Ayieee! Edi sayo na" Pangaasar ni Will.

"Haba hair, pinagaagawan" Sabi naman ni Sissa. Hindi na sila naubusan ng comment.

"Hey! No! Luzy is my partner kayo na lang ni Xie" Giit ni Bren. Sinamaan siya ng tingin ni Azon.

"Tama na nga yan! Hayaan niyong mamili si Luzy between the two of you" Suggest ni Sissa.

Napalingon sila sa akin lahat. Bakit ako? Magpapartner partner lang papipiliin pa ako?

"Fine. Si Xie ang partner ko, kayong dalawa ang magsama" Saad ko at kumapit kay Xie. I think I choose I right chose.

Bumuntong hinihinga ang dalawa. Tatanggi pa sana sila pero wala na rin silang nasabi.

"Okay, ngayong naparte parte na natin ang part natin, may one week tayo para ayusin iyon, then next Saturday, aayusin na natin then sa Sunday ay ipi-print na natin" Sabi ni Xie.

"So two weeks lang pala ang thesis natin ,pero tatlong linggo ang palugid sa atin?" Tanong ko.

"Edi spend na lang nating ng bonding natin. Overnight tayo dito" Masayang suggest ni Sissa. Kahapon pa siya d'yan sa overnight niya a.

"Hindi nga kami papayagan" Sabi kaagad namin ni Xie "kahit magpaalam"

And by that Sissa can't do anything.

Nothing would End Last Forever Province Girl Series#1Where stories live. Discover now