EIGHT

3 1 0
                                    



"Class, I had an announcement" Sabi kaagad ni Ma'am Rosa pagkapasok niya sa aming classroom, our teacher in English. She so straight to the point.


Natahimik ang buong klase. Mukhang hindi maganda ang sasabihin ni Ma'am.



"Last time I told you that the due date of our thesis presentation is on the third week of July but I changed my mind, it will be held on the second week of this month so I hope you all be prepared. That's all, now let's start the class" dere-deretsyong sabi ni Ma'am. Walang naging kibo ang buong klase, mukhang sinasaulo pa namin ang lahat ng sinabi ni Ma'am. Sa sobrang bilis, hindi nagfunction at nagsink in sa utak ko lahat.



"Ma'am naman ....." Sa wakas nagreact na sila. Hinarap kami ng gurong nagsusulat sa white board.



"Any problem with my decision?" Taas kilay na tanong ni Ma'am.



"W-wala po" Sagot namin at tumahimik na lahat. Kapag talaga si Maam Rosa ang teacher, discipline ang mga students. Walang umaalma. Ma'am Rosa is a strict teacher.



Minsan iniisip ko kung may galit ba sa amin si Maam? Lagi kaming pinahihirapan. Hindi rin kaya madaling maging students.



"Paano iyan? Two weeks na lang ang palugid? Kaya ba?" Tanong kaagad ni Sissa na halatang na fo-frustrate na. Nagmeeting kaagad lahat ng magkaka-grupo after the dismissal.



"Si Maam Rosa talaga, favorite tayo, favorite pahirapan" Komento ni Bren.



"Guys, naplano na naman natin diba? Sakto naman na next week tapos na natin sa okay lang, right?" Sabi ko naman.



"Pero wait, may nasimulan na ba ang magpapartner?" Tanong ni Xie. "Kami kasi ni Luzy mamaya na, pupunta ako sa kanila, how about you guys?"



"Mamaya rin kami ni Sissa" Sagot ni Will.


"Hindi dapat sila ang magpartner e. Kasi imbis na thesis gawin nila baka iba magawa nila--aray!" Binatukan ni Will si Bren.



"Ulol mo! Hindi ako ganon!" Sagot ni Will. Well, halata naman sa kaniya na matino siya.



"Kayo ba ni Azon ano plano niyo?" Tanong ni Xie sa dalawa, napalingon kami kay Azon at Bren.



"Ayoko siyang partner, tayo na lang kasi Luzy" pagmamaktol ni bren.



"Wow, akala mo gusto kitang partner? Makita nga mukha mo, hindi ko na maatim" Sabi naman ni Azon.



"Woh! Suntukan na lang oh--Aww" Binatukan  naman ni Xie si Bren. "Matatanggal na talaga utak ko, isa pa!" Kumamot kamot siya.



"Umayos na nga kasi kayo, tapusin niyo kaagad ang thesis para magkahiwalay na kayo, ganon, kung ayaw niyo talaga e tatanggalin na namin kayo" Banta ni Xie.



"Oo na aayos na" Inis na sabi ni Bren.


Matapos non ay naghiwalay hiwalay na kami. Dumeretso na kami ni Xie sa amin, si Bren at Azon ay may dinaanan sa library, no choice sila, si Sissa at Will naman ay nagdate pa, baka daw may mahanap sila sa pupuntahan nila. Jusme.



"Hindi pa pala tayo, mutual?" Tanong ko kay Xie. Nasa bahay na kami at ginagawa ng part namin sa thesis.



Nilingon niya ako. "Weh? Sige, open mo na lang laptop ko ikaw na bahala para maging mutual tayo, gawin ko lang ito" Sabi niya at tinuon ang sarili sa pagsusulat. She's wearing a sunglasses but she looks cute with that. Hindi siya mukhang nerd.



Nothing would End Last Forever Province Girl Series#1Where stories live. Discover now