THREE

6 1 0
                                    




"Gumawa ng cupcake ang mommy ni Azon para sayo? As in para sayo lang?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sissa pagkaalis ng Maid.



Ako rin kaya hindi makapaniwala. Pare-pareho lang kaming nagtataka at naguguluhan dito 'no!



"Aminin niyo! Kayo na ba hah!?" Gulat kami ni Azon na napalingon kay Bren. Pasalit salit pa ang turo niya sa amin.



"Gago!" Azon exclaimed and just rolled his eyes.



"Hindi mo di-neny so totoo nga?" Hataw pa rin ni Bren at umacting na nasasaktan. "Luzy? Ano 'to? Nagsinungaling ka sa akin- sa amin? You cheat on m---" Pinigilan ko na kaagad siya sa pagda-drama niya.



"Teka nga! Ano ba! Hindi kami! Porket ginawan lang ako ng cupcake ng mommy ni Azon kami na kaagad? Ang issue niyo! Malay niyo nange-echos lang si ate Maid baka sa atin lahat 'yan! Don't make an issue!" Paliwanag ko kaagad. Ayokong ma-misunderstood nila ang bagay na iyon. Geez.



"Baka nga ganoon lang, kumain na nga lang tayo! Gutom na ako" Singit ni Xie. Thanks Xie.



Kaagad silang kumuha ng tig-iisang slice ng pizza. Ako naman ay hindi ko alam kung anong kukunin ko. I need to taste the cupcakes that Azon mom's bake for me- if it's that true, but I ashamed for the thoughts that this people may teased me again. The hell I don't know what to do. Gusto ko lang naman kumain.



Nagulat ako ng iaabot sa akin ni Xie ang isang cupcake, naguguluhang tinignan ko siya.



"You should taste that, I think the maid is telling the truth, I see how Azon mom's look at you with gladness" She whispered.



She believing that? Ugh. I don't know.



"Okay, kuha ka rin" I gave her a smile. Kinagatan ko na ang cupcake and it taste good. Masarap ang ginawang cupcake ng mommy ni Azon kaya naubos ko kaagad. O nasasarapan lang ako kasi gutom ako?



Pagkaubos ko ng isa ay kumuha kaagad ako ng isa pa. Hindi naman ako mahahalata ng mga ka-groupmates ko. Sissa and Will are so busy habang sinusubuan nila ang isa't isa. Si Bren naman ay nilantakan ang mga pizza, hindi pa nga ubos yung nasa isang kamay niya meron na kaagad siyang hawak na isa pa. Si Xie ay sinasaway siya na maghinay-hinay. Napaghahalataan daw siyang patay gutom. Nagaway tuloy sila. Si Azon-- Oh.



I saw Azon staring at me, pero nagiwas rin siya kaagad at kumuha ng isang cupcake sa tray. Lumapit siya sa akin.



"How was the cupcake?" He asked.



Nilingon ko siya habang kumakagat ng cupcake. "Masarap, magaling magbake ang mommy mo. Pakisabi thank you dito"



"Here. Mukhang gutom na gutom ka, sayo na lahat" inabot niya sa akin ang cupcake na kinuha niya.



Kaagad akong umiling. "Hindi naman ako gutom na gutom" Tanggi ko kahit totoo naman.



He chuckled. "Kunin mo na" he didn't mind what I said.



I clicked my tongue. "Fine, kumain ka pa doon"



"No, I'm already full" He shook his head then go to the railings, he put his two elbow there and lean. I just starring at him.



Para siyang art doon. Five in the afternoon na rin kasi kaya palubog na ang araw. While the sunset is in front of him and the breathtaking fishpond his perfect figure in the middle is so perfect. Kasama na tuloy siya sa hindi ako magsasawang titigan kapag nandyan siya.



"Matunaw 'yan!!!" Sigaw ni Sissa sa likod ko kaya kaagad napalingon si Azon sa gawi namin.



Kaagad akong nagiwas ng tingin. Nakakahiya. Feeling ko nagba-blush ako.



Tawanan at katyawan ang narinig sa buong balcony. Nakakahiya! Bwiset na Sissa 'yon. Close na ba kami? Kapag talaga nagbreak na sila ni Will ako ang unang unang mang-aasar sa kaniya. Tatawanan ko siya at maghahanda pa ako ng party.



"Guys! Tama na 'yan 5:20pm na, tapos na ba lahat kumain? Tapusin na natin itong planner natin para bukas ay mapagusapan na natin ang mga gagamitin natin at iba pa" Xie announced.



"Yup tapos na--" Sagot ni Will pero sumabat si Bren.



"Hindi pa!!!! Wait!!!" Sigaw nito habang may hawak hawak na slice ng pizza sa kanang kamay at juice sa kaliwa. What the hell? Wala ba siyang kabusugan?



"Bro, you're gross" Saad ni Will na natatawa pa.



Napailing iling naman kami.



"Tama na 'yan! Bren! "Awat sa kaniya ni Xie.



"Wesh slang, shubushin ko langs tyuh" Sagot niya habang ngumunguya-nguya.



"Bahala ka nga!" Hinayaan na siya ni Xie at nagsimula na kami ulit sa pagbe-brainstorming.



"Sa wakas" Pagod na sumandal si Sissa sa dibdib ni Will.



"Natapos den" nahiga naman sa tiles si Bren.



"Itatabi ko na ito, dalin ko na lang ulit bukas, ido-doble check ko mamaya e" Saad ni Xie at inayos na ang mga papel.



"Sige, chat mo ko kung may kulang" Sabi ko naman. Itinaas taas ko ang braso ko para mag-inat. Nakakapagod ang araw na ito.



"Sakto mag si-six na" Sabi ni Will na tumingin sa wrist watch niya. Ganoon rin ang ginawa ko. It's already 5:50pm.



"Dito na kayo magdinner" Sabi ni Azon habang nakatukod ang dalawang braso niya sa likod para magsilbing support niya at hindi matumba.



"Nako! Wag na nakakahiya" Tanggi kaagad ni Xie.



"Oonga, sa bahay na lang kami mag di-dinner---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may nagsalita mula sa loob ng balcony. Napalingon kaming lahat doon.



"Dito na kayo magdinner, I know all of you are tired and hungry so let's go downstairs" Ngumiti ang Mom ni Azon sa amin bago nauna ng bumaba.



Nagtinginan naman kaming lahat.





Nothing would End Last Forever Province Girl Series#1Where stories live. Discover now