TWO

5 1 0
                                    




"Ayan na sila!!" Masayang sabi ni Sissa ng makita na niya kami ni Xie. Dahil sa pagsigaw niya napaharap lahat ng nasa loob ng bahay. Including Azon mom, probably.



Nilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Ganoon parin ito kagaya ng last visit ko. So elegant.



"Tuloy" Sabi ng isang maid at pumasok na kami ni Xie. Nasa baba silang lahat at nandoon na rin si Azon katabi ni Will sa kanan, nasa kaliwa si Sissa at syempre nakakakapit sa braso ni Will.



Nakita kong lalapit na sa akin si Bren ng hilahin siya ni Sissa sa likudan. Siniko naman ni Will si Azon at may sinasabi dito pero hindi ko narinig.



Lumapit sa amin ni Xie si Azon.



"Mom, si Xie at Luzy groupmates ko rin sa thesis" Pakilala niya. Napakilala na siguro niya sila Sissa at ang iba pa.



"And?..." Mukhang may iniintay pa ang Mommy niyang idugtong.



Azon brows furrowed. "And what?"



"Sino sa dalawang beautiful lady na ito ang nililigawan mo?" The teasing smile flash on our groupmates lips.



Napayuko naman kaming pareho ni Xie. Samantalang si Azon ay napakamot.



"W-wala Mommy" Inis na tanggi ni Azon. Tumawa naman ang mom niya at ang mga bwiset naming ka-groupmates.



Lumapit na kami ni Xie sa mommy niya at nagmano.



"Thank you po sa pagpayag na dito kami gumawa ng thesis" Pagkaraay sabi ko.



Azon's mom smiled at me. "It's okay, Luzy"



Medyo nagulat ako na natandaan kaagad ng mommy ni Azon ang pangalan ko pero hindi ko na lang pinahalata.



Sinamahan na kami ni Azon paakyat sa second floor patungo sa balcony. Iyon ang pinakamalaking balcony nila, kasiya kami lahat.



As i expected. Breath taking ang ganda ng tanawin mula sa balcony nila. Tumama kaagad sa akin ang malakas at sariwang hangin mula sa palaisdaan kaya hinangin ang buhok kong nakalugay lang.



"Masyado kang nagagandahan hah!" Komento ni Bren ng makita niya ang expression ko.



"Maganda naman talaga!" Sabi ko at tinarayan siya. Lumakad na ako palapit doon.



Humawak ako sa railings at mas dinama ang sariwang hangin. Kahit hapon palang ay malamig na sa pakiramdam.



"Yung dalawa do'n bantay-bantayan niyo, baka maya-maya mawala na 'yan" Sabi ni Bren. Will raised his middle finger to Bren without looking to him.



He portraying the two live birds na nasa dulo na ng balcony. Nakaakbay si Will kay Sissa habang nakayakap naman si Sissa. Kulang na lang maghalikan na sila dito.



Well, hindi ko naman sila masisisi, this place is no doubt perfect for the couples.



"Sanaol" Xie whispered tinapik lang ni Bren ang balikat nito.



Nagfocus na lang ulit ako sa napakagandang tanawin. Hindi ako magsasawang titigan ito.



"I AM THE KING OF THE WORLD!!!!" Napalingon kami lahat sa biglang pagsigaw ni Bren. Like jack in the titanic his both arms spread widely.



Tumawa naman kami. Siraulo.



"Baliw!!" Sigaw ni Will na tumatawa pa.



"Kahiya ka, bren!!" Sissa habang nakayakap pa rin kay Will.



"Wait....I need queen!!" Biglang napatigil si Bren.



Oh. Oh. Umurong kaagad ako nang marinig ko iyon pero napatigil rin ako ng sa dibdib ng lalaki ako nabangga. Shit.



Kaagad akong napalingon sa likod ko. Seryosong nakatingin sa akin si Azon.



Nasa tabi ko lang pala si Azon hindi ko manlang nalaman. Hindi naman siya nagsasalita.



"Sorry" Nginitian ko siya at akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko para pigilan. Tinignan ko naman siya.



"Stay here" He said. No. He commanded. So I stayed. Ayoko namang lumapit kay Bren kaya nagstay na lang ako sa tabi niya.



"Oy!!! Luzy my queen---" Sissa cut Bren's words.



"Hindi mo ba nakikita, kay Azon na siya, andyan naman si Xie oh!"



Nagkatinginan si Bren at Xie. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Sissa na kay Azon daw ako. What? Ke'lan pa?



"Magstart na nga tayo!!!" Pagiiba ni Xie ng usapan. Sumangayon naman kaming lahat.



Naupo si Xie sa gitna, tumabi ako sa kaniya. Sumunod si Bren sa kabilang side ko kaya napatigil si Azon. Balak rin ba niya umupo sa tabi ko? Hell no, right?



Tumawa si Will at tinapik na lang ang balikat ni Azon. Umupo na si Will sa tabi ni Azon at syempre sa kabila niya si Sissa. Nakapabilog kami, leaving a space in front of us. Nakatiles naman kaya ayos lang namaupo kami sa lapag.



"May papel ka Azon?" Tanong ni Xie.



"Yup. Wait, kuha ako" Tumayo na si Azon at pumasok sa loob para kumuha ng papel. We need to jot down notes lahat ng mapaguusapan namin.



"Ang ganda mag overnight dito, Azon Mom is so kind" Sissa said out of nowhere that's why everyone of us  look at her side.



"Sus! Over night! May plano lang kayo e!" Natatawang sabi ni Bren.



"Greenminded!" Tinarayan siya ni Sissa. "Pero seryoso, overnight tayo! Sabihin natin para lang sa thesis" Pagpipilit parin ni Sissa.



"Hindi ako papayagan kahit sabihin ko pa na thesis, sasabihin nila mommy pwede naman ipagpabukas" Sabi kaagad ni Xie.



"Me too" Sagot ko.



"Ipagpapaalam kita--" Siniko ko kaagad si Bren.



"Hindi nga 'wag ka makulit"



Maya maya lang ay nakabalik na si Azon, may dala na siyang isang pad of intermediate paper. Inabot niya iyon kay Xie at naupo sa tabi nito.



Nagsimula na kami sa thesis. Hanggang sa....



"I'm hungry----" Hindi na naituloy ni Sissa ang sasabihin niya ng may maid na nagsalita.



"Sir Azon, meryenda daw po muna kayo ng mga kaybigan niyo, eto po hinanda ng mommy niyo" Sabi nito kaya napalingon kami lahat sa isang malaking tray na bitbit bitbit niya.



Bigla na lang akong nakaramdam ng gutom ng maamoy ko ang mga pagkain.



"Naku! Saktong sakto! Pakisabi kay Tita Monica thank you sa food" masayang sabi ni Sissa.



Binaba na sa isang table ng maid ang tray kaya nagsitayuan na kami at lumapit doon.



Halos maglaway na kami sa mga pagkain na nakita namin. May pizza, ensaymada, juice and chocolate cupcake.



"Sige po" Sagot ng maid kay Sissa. "Alis na po ako--ah" Napalingon ulit ito ng may maalala.



"Sir Azon, pinapasabi po ni Ma'am Monica na busugin mo daw po sila at 'yung cupcake po na ginawa niya ay para po talaga kay Ma'am Luzy"



Napatigil ako ng marinig ko ang pangalan ko. No. Pati rin pala sila ay napatigil lahat maliban sa Maid. Nilingon nilang lahat kami ni Azon at pasalit salit na binigyan ng nagtatakang tingin.

Nothing would End Last Forever Province Girl Series#1Where stories live. Discover now