"Lady Callisia, your bath is all ready."

Dress formal? "Lalabas ba kami for dinner?"

"No, Lady Callisia. Naghanda po sila ng dinner ninyo para mamaya."

Oh well. Bakit ko kailangan magsuot ng formal kung ganon? Nasa bahay lang naman kami eh at isa pa kailan pa, kailan ba ako sumunod sa utos ng iba? Duh, not me. Nanay ko nga nahihirapan ako pasunudin tapos sila pa kaya? Not today.

"Okay."

"Call us if you need us Lady Callisia."  Can they stop calling me that? Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na sa banyo. Pagkapasok ko palang, bumungad na sa akin ang amoy ng roses and vanilla. Naghubat na ako ng damit at napahinto ako saglit.

Napahawak ako sa tiyan ko.

I'm already  seven weeks into pregnancy. So far hindi pa maumbok yung tiyan ko pero di ko kaya isipin na after how many months, lalaki na rin 'to. Magmumukha akong nakalunok ng malaking pakwan. I still can't believe a life is growing inside me, too bad he or she got the worst mother-to-be of all time. 

Ipinasok ko na yung katawan ko sa bathtub at kinuskos na ang dapat kuskusin. Pagkatapos kong maligo, kinuha ko lang yung pinakamalaki kong t-shirt sa maleta at panty at saka isinuot 'yon. Hindi na ako nag-bra dahil hindi ako komportableng nag ba-bra kapag wala ako sa labas. These melons should breathe and be free! 

Tinuyo  at inayos ko yung buhok ko. Nagbukas na naman yung pinto at may maid na bumalik pero mag-isa nalang niya ngayon at pansin ko lang ha? Siya yung pinaka bata sa kanilang lahat. 

Pagkakita niya sa akin, halos humiwalay yung mata niya sa ulo niya. I know I know I'm such a beauty. No need for big reactions sanay na ako.

"A-Ano pong suot ninyo?" Oh? 

"Damit?"

"P-Pero formal dinner po ngayon Lady Callisia." Formal dinner sa loob ng bahay? Nope. Not for me. Gagawin ko kung anong gusto ko.

Napatingin ako sa hawak niya na dress na mukhang iyon sana ang isusuot ko. Napakunot noo ako, the dress is okay BUT not my style. Magmumukha akong Maria Clara sa sobrang disente eh pang hubadera ako.

"L-Lady Callisia magpalit na po ka-"

"Shush. Let's go, show me where the diner is."

"P-Pero . . ." Mukha siyang kinakabahan. Mukha ba akong nangangain ng tao? Sa ganda kong 'to? "What's your name?"

"P-Po? Claudine po."

"Then Claudiane, drop that ugly dress then let's go."

"Lady Callisia papagalitan po-"

"Ako bahala, ilapag mo na yan kung ayaw mong sunugin ko." Natakot siya bigla at sumunod na sa akin palabas. 

I feel so comfortable sa suot ko. May mga napapadaan na maid at yumuyuko sa akin pero kita ko ang panlalaki sa mga mata nila. What? Hindi naman masyadong bakat yung n*pples ko ah? Saka nagshave naman ako ng legs. Whatevs.

"Lady Callisia, ayaw niyo po ba talaga magpalit ng damit?" Mahinang bulong ni Claudine habang nakatingin sa mga maid na kanina pa nakatingin sa akin. Ba't parang siya pa 'tong naco-conscious?

"Nah. Ang chaka ng damit na hawak mo."

"S-Sorry po hindi ko po kasi alam kung anong gusto ninyo."

So siya yung personal na pumili ng damit ko? Hindi na nakakapagtaka, mukhang walang ka sense sense sa fashion 'tong babaeng 'to. Either way, malapit na kami kung nasaan ang dining area at dito palang sa banda ko kitang kita ko na silang lima na nakaupo sa hapagkainan. First time ko rito sa space na 'to pero katulad na katulad siya ng nasa imahinasyon ko.

It All Started With The Royal's BabyWhere stories live. Discover now