"Nag-momol kayo? Diba 'make-out make-out lang' meaning 'non? Akala ko ba break na kayo?!" Bwelta ko pa dahil napakagulo naman talaga ng love life ni Annica ngayon. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o sadyang malandi lang talaga siya! Annica ipagpra-pray talaga kita!

"Oh? Alam mo? Wow, congratulations! Nag-momol na kayo ni Ibrahim, no?!" Agad akong umiling dahil sa sinabi niya. Nagtawanan naman sila ni Aryanna dahil sa biglaang pag-asim ng reaksyon ko.

Jesus! These two girls and their experience!

"Gago ka, Nica. Bibig mo pasmado! Shut up! 'Di sila magbre-break, Monique. 'Di naman naging sila." Sigaw ni Aryanna kaya naman agad na nag peace sign si Annica sa akin pero sinamaan 'din ng tingin si Aryanna. I appreciate her jolly side like this. Siguro ay mas madalas dapat naming siyang kasama so she won't feel so lonely after everything.

Lumipat naman ang utak ko sa isang scenario... oh shoot! I can't even imagine it! Nope! I'm not really into sexual contact or even allowing anyone with the opposite sex to occupy my personal space. Hindi ko yata kaya!

Rahim and I are close pero alam kong sinusubukan niya pa ring i-maintain ang boundaries ko when it comes to proximity. The closest he can get is when we eat, take a selfie or when he tries to kiss me on my forehead sometimes. Bukod doon ay tinatantya na pa 'rin ako.

Pakiramdam ko ay nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa kung anong sensasyon. My intestines become tangled for unknown reasons.

"Hoy, Monique! Joke lang, a. Hindi mo kailangan ma-experience pa lahat ng iyon. Baby ka namin, so better be ready when the right time comes. No pressure!" Natatawang saad ni Annica habang tumatayo sa kinauupuan namin.

"Kung ako kasi sayo, hindi ako babalik ng babalik sa nang-iiwan sa akin ng paulit-ulit. Uminom lang ako saglit sa Drew's, 'di pa ko nagtatagal ng limang minuto. Makikita na kitang may ka-momol?!" Si Aryanna na galit na galit.

"Ah, nagsalita! Nagsalita ang isa pang tanga. Congrats, to me. I welcome mo naman ako sa club ng mga 'Obob sa Pag-ibig'. Sana sa Tortuga ko na lang pala dinala." Bulong niya pa sa mga huling salita niya. See the amount of bars she knows near Katipunan kahit ang school naming ay nasa Taft. This girl talaga and her kalandian!

We went off that day after eating samgyupsal sa may SM Manila. Annica even ask if we should go drinking sa bagong condo ni Aryanna para mabinyagan naman daw but it's Ark's birthday so kailangan niyang umuwi sa bahay nila.

Nang nasa bahay na ako ay agad kong sinilip ang phone ko at nakitang may dalawang text galing kay Rahim.

From: Rahim
Are you home already?
Text me when you're home. I'll be out early tonight. No prof.

Agad akong nagtipa ng reply ko sa kanya ng makapa-ligo na ako at makapag-palit ng damit.

To: Rahim
I'm home
You have your sched na?

Matapos ang dinner with my parents ay hinayaan na nila akong manatili sa living area para antayin si Rahim.

"Ah, nak. Pasabi naman kay Rahim na dumaan sa shop bago tumuloy dito sa bahay para makapag-uwi siya ng cinnamon rolls o kaya cakes. Kuwawa naman iyong bata dahil mag-isa lang sa condo niya." I immediately frown at my mother ng sabihin niya iyon matapos humalik sa pisnge ko.

"Ma?! Ini-interview pa rin ba si Rahim?!" Angil ko sa kanya.

"Tinanong ko lamang kung saan iyong condo niya at kung hindi ba siya pinagagalitan ng mga magulang niya na lagi siyang inaabot ng madaling araw rito sa atin."

Hindi ko napigilan ang mapailing at buntong hininga sa sinabi ng mama ko. Para akong napalitan sa puso ng parents ko dahil mukhang favorite anak na nila si Rahim, lalo na si mama!

How Do We Live?Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα