"Ako si Ofrezhea Casas, Zhea for short. 24 years old. Obviously, ako ang naka assign para sa grupo nyo at nais kong magampanan ng maayos ang trabaho kong mapasaya kayo", pagpapakilala nya saka kinuha ang torch at pinatong sa mga kahoy sa gitna.

Sumunod na nagpakilala yung Gatchie na tinutukoy ni Nchz kanina.

"I'm Gatchie, Gatchalian Gatchalian to be exact", aniya. Natawa naman kami.

"27 years old na 'ko at malapit nang ikasal", sabi nya pa at tinaas ang kaliwang kamay upang ipakita ang singsing. Napa-wow naman kaming lahat.

"Actually, padespedida ko na 'tong bakasyon namin ng mga tropa ko kasi sa New York na kami ikakasal at titira ng fiancée ko. Yun lang", sabi nya at kinuha na ang torch.

Sumunod sa kanya ang lalaking kasama ni Nchz kanina papasok sa lobby.

"Hi, I'm Reston Sunico. 25 years old. Nagtatrabaho bilang concierge sa Teheran Hotel", nahihiya nitong sabi. Pansin kong napapatingin-tingin sya kay Zhea. Hmmm.

"Sa totoo lang, ang pagdating dito ang isa sa magagandang nangyari sa buhay ko", sabi nya at ngumiti bago kinuha ang torch. Napatingin naman sa kanya si Zhea. At si Nchz naman ay napatingin sa kanilang dalawa.

Hmmm.. I see something talaga eh.

"Nchz, ikaw na", sabi ng katabi nito sabay siko sa kanya.

Wala sa sarili namang tumayo si Nchz at pumunta sa harap.

"Uhm.. Hi. Nchz Estrabella. Spelled as N-C-H-Z, pronounced as Niks. Nung elem ako kala ng teachers ko pinagtitripan ko lang yung pangalan ko sa test paper ko pero naniwala din sila nung makita yung birth certificate ko", biro nya dahilan para matawa kami. Ang lakas talaga ng sense of humor nito.

"Kagaya nila, nagtatrabaho din ako sa Teheran Hotel at marami akong naranasan sa lugar na yun na hindi ko inakalang mararanasan ko. Pero kung maibabalik ko yung panahon...", sabi nya at mapait na ngumiti. "Hindi ko hahayaang mangyari yun".

From humorous to serious ang peg nito. Pero ang lalim talaga non ah? At feeling ko, may kinalaman kay Zhea yun.

"Kaso hindi naman ako superhero eh kaya wag na lang", dagdag nya at tumawa kaya natawa na lang din kami. May saltik ba 'to?

Matapos magpakilala nung lima ay kami naman at syempre kanino pa ba mag-uumpisa?

"Mona Freya Patrice dela Torre is my name but you can call me Chuchay", panimula ko.

Natawa agad sila sa haba ng pangalan ko.

"I'm an owner of a flower shop at sila ang mga employees/pamilya ko. Uhmmm.. Masaya kong makilala kayo", sabi ko at bumungisngis. Madaldal akong tao pero bakit wala kong masabi ngayon? Ano ba yan!

"Khalil Agosto Alfarajo, PA nya", sabi nya sabay turo sakin. Napatingin naman ako sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

"Hindi ko akalaing magtitiwala ako sa isang taong hindi ko alam kung may sira ba sa ulo", biro nya. Teka, ako ba tinutukoy nito? Suntukin ko kaya toh sa-- ok bad yun.

Green StringWhere stories live. Discover now