Umiling-iling ako. "Pero gusto ko syang makilala. She looks nice. Tingin mo?".
Hindi na sya nakasagot dahil natigilan sya nang makita namin si Ofrezhea.
"Speaking of", sabi ko at naglakad papunta sa kanya. Tinignan ko naman si Nchz para sumunod sakin.
"Ikaw yung staff kanina, right? Kamusta?", sabi ko.
Napaiwas sya ng tingin kay Nchz.
"Ok lang naman po, Maam. Nag-eenjoy po ba kayo sa stay nyo rito?", tanong nya naman.
I nodded three times. "Oum, ang ganda talaga dito. Salamat sa pagtulong sakin makuha yung promo kanina ah".
"Wala po yun, Maam", nahihiya syang bumungisngis.
"By the way, magkakilala ba kayo?", tanong ko dahilan para pareho silang magulat.
Pareho naman silang hindi umimik at mukhang nag-aantayan sa sagot ng bawat isa. Magsasalita na sana ko kaso biglang sumulpot si Khalil.
"Chuchay", pagtawag nya sa pangalan ko. "Anong ginagawa mo dito?".
"Nagpapahangin", sagot ko pero hindi parin maalis ang tingin nya sakin.
"Sinong kasama mo?", tanong nya pa.
"Sila", sabi ko naman.
Tinignan nya sina Ofrezhea at Nchz.
"Tara na, hinahanap ka na nila", sabi nya at naglakad na.
"Mauna na ko sa inyo ha?", nakangiti kong paalam kina Nchz.
Nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Khalil palapit sa kanya at lumakad na kami papalayo.
Pagdating namin sa lounge, nakita namin sila doong nagpipicture-picture.
"Bakit? Hanap nyo raw ako?", tanong ko sa kanila.
Nagtinginan naman sila.
"Sino pong may sabi, Maam?", tanong ni Julius.
Napatingin naman ako kay Khalil. Tumingin rin sila rito.
"Ah hindi ba?", sabi nya at nagkibit balikat bago umupo sa couch. Siraulo ka?!
Maya-maya pa ay nag ayos na kami para sa bonfire at boodle fight. Hindi na ko nagpalit ng damit. Mamaya na lang 'pag matutulog na, sayang labahin.
"Magandang gabi sa inyong mga guests namin. Una sa lahat, gusto naming magpasalamat sa pagpili sa Caniofle Island para sa pagbabakasyon nyo at ipinapangako naming gagawin naming memorable ang pananatili nyo sa amin", paunang salita ni Ofrezhea.
Nagpalakpakan naman kami. Nakapalibot kami ngayon sa pagsisindihan mamaya ng bonfire. Nakaupo kami sa mga kahoy na nakalapag sa buhangin.
Naalala ko tuloy nung girl scout days ko pero ngayon may kasama kaming mga lalaki.
"Bago tayo sama-samang kumain, kikilalanin muna natin ang isa't isa. Lahat tayo ay kukuha ng mga torch at kapag nakapagpakilala na ay ipapatong sa mga kahoy na nasa gitna para magsilbing bonfire natin", paliwanag ni Ofrezhea. "So, sisimulan ko na".
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
8th String
Start from the beginning
