"Anong meron?", tanong ni Khalil paglapit.
Napatingin ako sa mga nanunuksong mata ng mga kasama namin.
"Tumawag si Maam Jenna kanina. Sayang di nyo naabutan", ani Sammie.
"Oh halina kayo, kain na tayo", sabi ko at nagmamadaling umupo.
Pagkatapos naming magligpit ay tinipon kami sa hall at sinabihan sa magaganap na bonfire at boodle fight mamaya.
Sa ngayon, naglibot-libot muna kami sa hostel. Tinanaw namin ang iba't ibang rooms kung saan nags-stay ang iba't ibang guests.
Pumasok din kami sa social common room kung saan nakasalamuha namin ang iba't ibang travelers. Syempre dahil may kadaldalan ako, marami rin akong naging friends sa maiksing oras.
Marami din doong mga books at board games. May TV at may Xbox rin. Hindi ka talaga mabobored do'n. Pero I want some fresh air kaya minabuti kong lumabas.
Nagtungo ako sa garden nila kung saan nakatanim ang iba't ibang gulay at mga bulaklak. Parang kumislap ang mga mata ko sa tuwa. Agad akong tumakbo roon at pinagmasdan ang mga halaman.
"Nature lover ka pala?", tanong ng isang boses na papalapit kaya napaayos ako ng tayo.
"Oh Nchz?", bati ko nang makilala sya. "Anong ginagawa mo dito?".
"Bakit, pagmamay-ari mo ba 'tong garden na 'to?", biro nya sabay halukipkip.
Inismeran ko lang sya kaya natawa sya.
"Hindi, nagpapahangin lang ako. Ikaw ba?", tanong naman nya.
"Nagpapahangin lang den", sagot ko naman. "Mahilig ka sa flowers?".
"Hmm.. Mahilig mamigay ng flowers", biro pa nya.
Sa totoo lang, sa unang tingin mukha syang womanizer pero ewan ko kung bakit magaan ang loob ko sa kanya.
"Ikaw?", pagbabalik nya ng tanong sa akin.
"Oum. Actually, may flower shop kami and yung mga kasama ko dito sa Caniofle, mga employees ko", paliwanag ko.
"Ow, I see", sabi nya.
Naglakad-lakad kami sa garden habang nag-uusap.
"Kami naman nagbakasyon lang. Umalis na kasi sa hotel na pinagtatrabahuhan namin si Gatchie eh, yung kausap nung staff kanina. Kumbaga parang padespedida na nya rin", kwento nya.
Biglang nag pop up sa utak ko yung scenario kanina kung saan nagkatitigan sila ni Ofrezhea sa lobby.
"Bago lang ba kayo rito sa resort?", tanong ko.
"Oo, first time namin pumunta dito. Kayo ba?", tanong nya rin.
"Oo rin hahahah", sagot ko. "Pero bakit kanina parang kilala mo yung isang babaeng staff? Yung Ofrezhea ba yun?".
Nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya at halatang iwas sya sa topic na yun.
"Bakit? Kilala mo sya?", tanong nya.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
8th String
Start from the beginning
