Napabitaw kami sa pagkakamay when we heard a man clearing his throat. Si Khalil pala.

"Hey, man! You're with Chuchay, right? Nchz", he said and extended his hand.

"Khalil", sabi naman nya at nakipagkamay.

"Buti na lang nagkita-kita tayo", Nchz smirked.

"See you around", sabi nya habang nakatingin sakin. Napangiwi naman ako.

Khalil stared at me with a puzzled face and so I shrugged.

🍃🍃🍃

Nandito kami ngayon sa communal kitchen para magluto ng kakainin namin. Kami nina Sammie ang magkakasama habang hindi ko naman alam kung nasan ang iba.

Marami ding guests ang nandito sa communal kitchen at nakakatuwang magkaron ng interaction sa kanila.

Maya-maya pa ay inayos na namin ang table at hinain ang mga pagkaing niluto namin. Tinawag na namin ang iba at nagsiupo na sila.

"Si Khalil, asan?", tanong ko.

They looked at me with their teasing eyes.

"K-kakain na tayo, dapat kumpleto tayo", I uttered. "T-tsaka si Paolo? Magkasama ba sila?".

Sammie smiled fatuously and answered. "Nagcr lang po sila. Nagpasama po kasi si Khalil eh. Parang babae".

Tumawa na lang din ako.

"By the way, anong oras na? Tatawag daw si Jenna 'pag 11 na eh", sabi ko.

"Oh eto na pala", sabi ko pa nang marinig ang pagring ng phone ko.

I answered the call and put my phone on the table para kita kaming lahat.

"Hi guys! Kamusta?", bati sa amin ni Jenna.

"Maam, Jenna! Kamusta po kayo?", sabi ni Sammie.

"Maam, salamat po sa pa-outing", sabi naman ni Jea.

"Ayos lang ako dito! Deserve nyo yan kaya mag-enjoy kayo! Miss na miss ko na kayo", Jenna said.

"We miss you too, maam", sabi naman nila.

"Oh teka, nasan yung dalawang bago? Yung Khalil ba yun?", sabi nya habang nakatingin sa akin at nagbabadyang manukso kaya lahat sila ay tumingin na rin sakin.

Magsasalita na sana ko pero biglang nagsalita si Leith.

"Ayan po maam, parating na", sabi nya sabay turo sa harap kung saan nakatalikod ang phone ko.

Di ko alam kung bakit nag-aayiee 'tong mga 'to. Nahihiya tuloy ako. Pati si Khalil hindi alam kung anong meron.

Malapit na silang makalapit pero biglang may tumawag kay Jenna.

"Nako, pinapatawag daw ako ASAP. Sa susunod ko na lang sila kikilalanin. Tatawag ako ulit. Enjoy kayo ha", sabi nya at nag flying kiss pa bago patayin ang tawag.

Green StringWhere stories live. Discover now