Nasa third floor kami ng hostel at sa baba naman namin ang iba pa naming kasama pati yung limang lalaking kahati namin sa promo.

Inayos na namin yung mga gamit namin at nagpahinga. Maya-maya ay bababa na kami para kumain ng brunch.

Tulog kaya si Khalil? Malamang napagod yun sa pagmamaneho kanina. Silipin ko kaya?

Inilibot ko ang mga mata ko sa room namin at mukha namang busy 'tong mga kasama ko kaya lumabas na 'ko ng kwarto.

Katabi lang namin yung room nila pero sobrang kinakabahan akong lumapit. Kakatok na sana ko kaso biglang bumukas yung pinto.

"Oh, Maam Chuchay, kayo po pala?", bungad ni Paolo.

Napainat ako bigla. "Ah, oo. N-nag-nag-iikot-ikot lang ako, hehe".

"Ahh..", mukha namang naniwala sya. "Tulog po ba si Sammie, Maam?".

"Ah hindi, nag-aayos ata sya ng gamit", sabi ko sabay turo sa room namin.

Kakatok na sana sya do'n nang magsalita ako.

"Si Khalil?", sabi ko. "T-tulog ba sya?".

"Ah, bumaba po sya kanina eh", sagot nya naman.

"Ah ganon ba".

"Bakit po, maam?", tanong nya pa.

"Ha? Ah, wala naman", sabi ko at nagpaalam na. Andami mo namang tanong Paolo, huhu.

Pumasok sya kwarto namin at tinulungan si Sammie mag-ayos ng gamit. 'Tong dalawang 'to talaga.

Bumaba na ako at sinubukang hanapin si Khalil pero imbes, iba ang nakita ko.

"Kamusta?", tanong ng babaeng nakatalikod sa akin. Mukhang kausap nya yung lalaki kanina. Teka, si Ofrezhea ba 'to?

"Ayos naman", tipid na sagot nung lalaki.

"Nchz--".

Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin nya nang magsalita yung lalaki.

"Oh, ikaw pala!", bati nya. Napatingin pa ko sa paligid pero mukhang ako ang tinatawag nya.

Naglakad sya papalapit sakin at naiwang mag isa si Ofrezhea.

"Diba ikaw yung kahati namin sa promo? Kamusta?", tanong nya.

Napakunot naman ang noo ko.

"I'm Nchz Estrabella", sabi nya at inabot ang kamay sakin.

Napatingin naman ako kay Ofrezhea na napaiwas ng tingin at nagsimulang maglakad papalayo. Napansin ko rin ang isa pang lalaki na kasama nitong Nchz na 'to kanina.

"Ah, Miss, nangangawit ako", sabi nya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Mona Freya Patrice dela Torre", sabi ko at nakipagkamay.

Napangisi naman sya.

"Call me Chuchay, instead", sabi ko naman.

Green StringWhere stories live. Discover now