Maputi at medyo maliit ang babaeng staff na iyon. Naka bun ang buhok nya pero may mga baby hairs sya na mas nagpacute sa dating nya. Ofrezhea ang pangalang nakasulat sa name plate nya.
"25", sagot ko.
"Naku, maam! Sayang naman kung hindi nyo makukuha ang promo namin", aniya. "Bilang pagsalubong sa 8th anniversary ng Caniofle Island, naglabas ng promo ang resort para sa mga nais magbakasyon dito".
Inabot nya sakin ang isang brochure.
"30 persons po ang valid para makuha ang promo namin. Pwede po kayong mamili ng rooms and libre po ang pag tour dito sa buong island. Meron din po kaming iba't ibang activities day and night", she persuaded.
Binuklat ko ang brochure at nakita kong magaganda nga ang mga offers nila. Gustuhin ko man makuha yung promo eh kaso, 25 lang kami.
"Mabuhay! Maligayang Pagdating sa Caniofle Island!".
Napalingon ako sa mga bagong paparating na guests. Tatlong mga lalaki na halos mga kasing edad ko din.
Lumapit sa kanila ang isa pang staff na babae.
"Gusto sana naming mag check in. 5 days and 4 nights", sabi nung isang lalaki.
"Ilan po kayo, Sir?", tanong ng staff.
"Lima", sagot naman nito.
Biglang nagningning ang mga mata ko. Napatingin din ako kay Ofrezhea at mukhang pareho kami ng iniisip.
"We're 25 and they're 5, if we'll go together, can we avail the promo?", tanong ko.
"Opo, maam. Sandali po, kakausapin ko sila", she said at agad nagtungo sa tatlong bagong dating.
"Magandang araw, sir! Meron po kaming promo bilang pagsalubong sa 8th anniversary ng Caniofle Island. Para makuha ang promo na ito, kailangang 30 ang guests na mag-aavail. Meron po kayong kasabay na gustong mag check in at 25 lang po sila. Since lima po kayo, baka gusto nyo pong makipag collab sa kanila para makuha ang promo?", she said.
Napatango-tango naman yung lalaki at kinausap ang iba nitong kasama at sa huli ay pumayag na rin.
"Great! Uhm, pero sir, nasan po yung dalawa nyo pang kasama?", she asked.
Ofrezhea was smiling brightly until the two men showed up. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad ang dalawang lalaking iyon hanggang sa mapahinto ang isa at ganon na rin ang isa pa.
Magkatinginan sina Ofrezhea at ang isang lalaki habang yung isa naman ay nakatingin lang kay Ofrezhea. Naestatwa sila sa ganong posisyon at laking gulat ko nang makitang magkared string sina Ofrezhea at ang lalaking kaharap nya ngayon.
"We have a new mission", bulong ko kay Khalil. Napa-huh lang naman sya.
🍃🍃🍃
Kinuha namin ang promo kaya magkakatabi lang ang mga rooms namin. 6 rooms ang in-occupy namin.
Magkakasama kami nina Sammie, Jea, Leith at Beatriz sa isang room. Sa tabi naman namin ay kina Khalil, Paolo, Julius, Waldron at Dyan.
YOU ARE READING
Green String
Fantasy"Minsan naisip ko, sana naging normal na lang din ako. Sana hindi ko na lang nakita yung berdeng sinulid dyan sa daliri mo. Edi sana hindi naging ganito kasakit. Kasi alam kong una palang, hindi na 'ko sayo lalapit", nakangiti kong sabi habang nakat...
8th String
Start from the beginning
