"Pinaglalaru-an mo ba ako, babae ka ha? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo" Suplado na sabi ni Argon.

Malapad lang na ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Napakurap-kurap si Argon at hindi siya makapag-salita sa ginawa ng dalaga!

Pinagsiklop nito ang mga kamay nila. Ano ba ang ginagawa nang babae na ito?!

"Dahil tayo na, kailangan mong ngumiti. Okay? Dapat malambing ka rin pero sa akin lang Hart. Naintindihan mo ba-"

"Anong sabi mo? Tayo na?" Hindi makapaniwala na tumingin si Argon sa dalaga.

Paano naging kasintahan niya ito? Napakurap -kurap siya. 'Yun ba ang ibig sabihin nang sinabi nito kanina sa kaniya tapos tumango siya?

Anong gagawin niya sa baliw na babae na ito?

"Tumango kana, diba? Kaya tayo na !"

"Hindi-" Bago pa si Argon makapag-salita. Tiningnan siya nito nang masama. Bakit ba napatigil si Argon kapag galit ito? Parang naging alipin siya sa baliw na babae na ito!

"Yehey! Tawagin mo akong Hart. Please. Please." Mga mata nitong nakiki-usap na tumingin sa kaniya. Kung pwede lang mag-mura sa harap nito kanina pa ni Argon ginawa. Ayaw niyang gawin 'yon dahil nakakawalan 'yun nang respeto.

Respeto?

Respeto?

Kailan pa niya naisip 'yan sa babae?Lumaki si Argon na walang respeto sa mga paligid niya. Ngayon lang siya naging ganito. Sa babaeng baliw na ito!

Napaatras si Argon nang lumapit ito sa kaniya. Ano naman ang gagawin nito?

"Hart!"

"Wag kang lumapit !" Umalis si Arhon sa harap nito at iniwan ang dalaga.

Napasabunot si Argon nang buhok niya sa makita ang malungkot na mukha nito bago siya umalis. Gusto niya lang naman lumayo saglit. Parang hihimatayin siya sa sobrang kabog ng dibdib ni Argon sa dalaga!

Nababaliw narin ba si Argon katulad nang babae?

Bakit ba hindi niya matiis ang dalaga?!

Hindi ikaw ito, Argon!

Bumalik si Argon kung saan si Louisa.

Nakayuko lang ito habang mahinang humihikbi! Tangina anong ginawa niya? Anong gagawin ni Argon?

Kahit labag sa kalooban niya. Tinawag niya ito. "H-hart"

Bakit ba nahihiya ako dito?

Mabilis na lumingon ito sa kaniya. Umiiyak talaga ito? Hindi alam ni Argon. Hindi niya maintindihan. Umangat nalang ang kamay ni Argon at pinunasan ang luha nasa pisnge ng dalaga.

SOBRA yata ang reaction ngayon nang dibdib ni Louis. Hindi niya ito naramdaman sa iba. Sa lalaking pangalan Argon lang. Nawawala siya sa sarili dahil sa ginawa ni Argon. Mainit ang palad ng daliri habang pinunasan ang pisnge niya. Ang nagawa lang ni Louis ay tingnan ang binata at pagmasdan ito.

Fudge heart, relax!

Kung wala ito sa harapan niya ngayon. Baka tumili na si Louisa dahil sa kilig! Totoo kinikilig siya sa pag-tawag sa kaniya ni Argon.

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now