treinta y uno

1.3K 49 5
                                    

Note: Hi! Notice lang na this chapter will have lots of medical jargons. xx

//

"Good morning, Tims!" Tims greeted back as he packs his bag. Inayos ko naman 'yung bag ko sa locker at tinaas 'yung buhok ko habang nakatingin sa salamin. "Daming patients kagabi?" I asked, biting my ponytail.

"Wala namang emergency cases kagabi, though may limang na-admit for surgery," he said and took a bite from his shawarma. "Kape?"

"Baka naman manginig ako. Nagkape na'ko kanina," I said as I turn on my laptop. Ang daming endorsement ni Doc kanina kaya kailangan ko ring i-update 'yung census ng patients. Dumating na rin 'yung lab reports kaya kailangan ding i-check. No'ng dumating na si Amelia, saka umalis si Tims. Ang daya-daya no'ng taong 'yun, duty pm pero mukhang hindi haggard lagi.

"Grabe, chill lang ba kagabi? Ba't mukhang fresh 'yon?"

"Fresh naman 'yun lagi, baliw," I said and chuckled, "Lima lang daw na-admit kagabi. 'Di ko na inasar baka ma-jinx pa mamaya," sabi ko. Amelia nodded at mabilis na kinuha 'yung charts no'ng ibang patients na kailangang i-check ngayon since may mga naka-sched for surgery ngayong araw.

"Hi Brianna, tapos na ba 'yung census? Paki-check naman ulit 'yung EMR ni Padayao." I slightly bowed my head no'ng lumapit 'yung senior resident na assigned sa'min. I immediately accessed CHITS at sinearch 'yung record bago pinakita kay Doc. Tinignan niya lang saglit bago tumingin sa'kin.

"Nice, okay naman na final order for discharge and monitored naman ang vital signs within 24 hours. Puntahan mo na sila sa ward for the discharge instructions, and then write the discharge summary after, okay?" Tumango naman ako at ngumiti.

"And, don't forget the surgery at 11:30. See you at the OR. Keep it up," she said, patted my shoulder and smiled before leaving. Napatingin naman ako sa relo bago kinuha 'yung steth at dumiretso sa ward.

"Good morning, po," I said.

"Ay, doc! Good morning po!"

"For discharge na po si Trevor... and may mga antibiotics pa po na need i-take. We'll also be prescribing ibuprofen for the painkiller... and 'wag niyo po muna siyang hayaan na gumalaw-galaw, or gumawa no'ng masyadong mabibigat na tasks, since kahit laparoscopic surgery lang po and it wasn't an open surgery, ay kailangan pa rin po nating mag-ingat. Normal lang din po na magkaro'n siya ng shoulder pain, and it'll go away within a few days," I said. "We already gave the prescription to the pharmacy, so after settling the bill you can proceed na po for the prescriptions. And balik po kayo after two weeks for a follow-up appointment po to check the improvements."

"Thank you, doc." I nodded my head and headed straight outside. Nakasalubong ko naman si Tims kaya sabay na kaming bumalik sa reception.

"Surgery?" Amelia nodded.

"May surgery rin si Doc Pretty?" Natawa naman ako sa sinabi niya. Lahat yata ng residents dito sa ospital may nickname siya.

"My God, last month na natin sa surgery rotation 'di ba?" I nodded. "Ano na next? Grabe, stressful! Ayaw ko ng surgery, jusko."

"OB," I said, updating the census. "Kain muna tayo?" I asked checking my clock. Parang jinx naman na biglang tumunog 'yung telephone kaya sinagot ko kaagad. Mabilis na nanlaki ang mata ko.

"Stab patient," sambit ko bago mabilis na tumakbo papuntang ER. The hospital we applied to... well, it's capable and enough for us to finish internship, pero kulang din ng manpower. They were all asking me to apply to a bigger hospital, but I didn't want that...

"What happened?" I asked as they move the patient from the stretcher to the bed. We immediately placed cardiac monitors, a blood pressure cuff and oxygen-saturation probes on the patient.

Gunita [EDITING]Where stories live. Discover now