Parang nawala naman lahat ng nararamdaman ko sa isang ngiti nya na iyon.. Na nag-sasabing 'ok na ang lahat, na wag na akong matakot kasi nandyan na sya' feeling.

Pag-dating namin sa gym. Pinapasok nya na ako agad sa shower room.
Maligo na daw ako at kukunin nya yung uniform na ipapahiram nya. Papahiramin nya na naman ako hays.

Aangal pa nga sana aki eh, kaso naman bigla na syang umalis.

Pag-tapos kong maligo at mag-bihis lumabas na ako. Nakita ko naman ito na nakasandal sa pader habang nag-hihintay.

"Amh... S-salamat nga pala." Panimula ko. "babalik ko na lang din ito kasama nung jersey." Nahihiyang sabi ko pa.
Hindi naman ako makatingin sa kanya, dahil nahihiya talaga ako.

"Aysus wala yun. Sabay na lang tayo palagi mag-lunch para makabawi ka sakin. Ano ayos ba?" naka-ngiti nya pang-sabi.
Nakapa-ganda nya talaga pag-nakangiti sya. naalala ko tuloy si mama sa ngiti nya, parehas kasi sila ng ngiti eh.. Ngumiti din ako sa kanya at tumango.

"So friends??" Tanong nya sabay lahad pa ng kamay para makipag-kamay.

"T-talaga??" Lumiwanag naman yung mukha ko. Oa na kung oa. Pero hindi ko talaga ineexpect na mag-kakaroon ako ng kaibigan dito!

"Oo naman! bakit hindi?" Natatawang sabi nya pa. Natawa yata sa reaction ko haha!

"Nice-nice! may kaibigan na ako." natatawa ding sabi ko pa.
Yumakap ako sa kanya sa sobrang tuwa. Pinat nya naman yung ulo ko at may sinabi pa sya pero hindi ko na narinig. "ano? hindi ko kasi narinig eh."

"W-wala haha. Tara na! pasok na tayo. Hindi pa naman ako pumasok kahapon, dahil tinatamad ako hahaha." Sasagot pa sana ako pero hinila nya na ako.

Pag-pasok namin sa room doon ko lang nakilala kung sino sya. Hindi kasi kami pinagalitan eh.
May special treatment pa din ganon..
Sya kasi yung top 2 sa class A dati. Yung member ng Fab 6 na Fab 5 na lang ngayon.

Pagka-upo namin doon lang ako nag-tanong. Burnak kasi eh, kasama ko sya kahapon hindi ko manlang natanong pangalan nya. Surname lang nya yung pag-kakakilanlan ko. -_-

"Rain." Tawag ko sa kanya pero pabulong lang. Marinig pa kami dito mayare pa. "bakit hindi mo sinabi na sa class A ka pala dati? at hindi lang yun ahh. Member ka din pala ng fab. dati." Bulong pa din yan.

"Eh nag-tanong ka ba?" Balik na bulong nya sakin. Napaismid naman ako. 'Oo nga naman chana! hindi ka kasi nag-tatanong eh!'. Hello naman! hindi ko kasi aakalain na magiging kaibigan ko sya!
At nakikipag-talo na nga ako sa inner self ko. -_-

Nanahimik na lang ako. Mamaya ko na nga lang sya tatanungin.

"Tara!" Hindi ko pa man nasusukbit yung bag ko, hinila nya na agad ako.
Muntik pa nga akong masubsob! asar na tinignan ko sya, pero tinawanan  nya lang ako -_- "libre kita!" Huminto naman sya at naka-ngiting humarap sakin.

Mag-rereklamo pa sana ako ng ilapit nya yung hintuturo nya sa lips ko, na nag-sasabing wag na akong umangal. wt?

Hindi pa man ako nakaka-react ng bigla nya na naman akong hilahin. Wala naman na akong nagawa kung hindi magpa-hila na lang. Mas malakas kaya to sakin, useless lang pag-pumalag pa ako asus!
Atsaka masarap kaya yung libre! sayang din yon no, hihi.

Pag-dating namin sa food corner.
Ayun na naman yung ingay. Ang dami na ding tao.

"Chana. Anong gusto mo?" Tanong nya sakin.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ko yung mangilan-ngilang taong nakatingin samin. Ofcourse! isang Rainielle Morente ba naman yung kasama ko, plus eto pang pag-hawak nya sa kamay namin. Nahiya tuloy ako bigla.

Heatrix Monterde (GXG)Where stories live. Discover now