Jazz POV
Nakaupo ako ngayon at taimtim akong nakikinik sa Prof. sa Chemistry.
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa mga nangyayare.
Flashback
Patakbo akong pumunta sa office ng mga Proffesors. Pagkarating ko dun, lahat ng Prof. nakatitig saken. Yumuko muna ako para makabwelo sa sasabihin ko.
"Sorry po kung hindi po ako naka..."
"It's okay Ms. Remington, someone excuse you from my class" Tumingin yung Prof. namen sa Algebra at ngumiti saken.
"Same here"
"Dont worry Ms. Remington" sabi pa ng dalawang prof. ko na iniskip ko yung subject kanina.
"Diba may klase ka pa, baka malate ka pa, bilisan mo pasok ka na" kahit nagtataka eh minabuti ko nalang na tumango at lumakad palabas.
Weird 0.o
End of flashback
Nakatingin pa rin ako sa pwestong nasa tabi ko. Mula nung nilibre nya ko, hindi pa sya nagpapakita sa aken.
"Daryll Zero Maestro, Miss Weirdo?"
"Daryll Zero Maestro, Miss Weirdo?"
"Daryll Zero Maestro, Miss Weirdo?"
Pft. Natatawa naman ako sa pangalan nya. Zero ampupu (○゚ε゚○). Para naman ginawang nyang numbers yung pangalan nya.
"HAHAHAHAHAHAHA" napatakip ako sa bibig ko nung na-realize ko na napalakas tawa ko. Lahat ngayon sila nakatitig saken. Kahit si Prof huhu.
Ang bobo mo naman Jazz T_T lupa kainin mo na ko.
"Is there any problem Ms. Remington" tanong ng Prof. namen saken ng mahinahon pero halatang nag-titimpi.
"Ahhh wala nama..."
"Whuuuuu salamat, akala ko di na ko papapasukin nung guard na yun" dali-dali namang nalipat ang atensyon ng lahat sa bagong dating na babae na hindi naman namin kilala.
OMYGhulay, hulog sya ng langit 〒_〒 . Anghel ata sya.
Kita mo yung habol-hininga nya na parang kabayong galing sa karera. Kita mo rin yung pawis nya na tumatagaktak. Gusgusin rin yung damit nya at lukot lukot na.
Okay di sya anghel, pero hulog pa rin sya ng langit (◐∇◐*)
Napansin nya ata na ako lang yung nakatayo sa mga kaklase ko kaya tumingin sya saken at nginitian ako.
Tumingin naman ako sa ibang direksyon. Ayoko nga maging assumera noh, baka mamaya sa likod pala sya nakangiti.
Ambobo mo Jazz, walang tao sa likod mo, nasa pinakalikod ka na remember.
Napatampal ako dahil sa sinabi ng taksil na utak ko. Oo nga noh. Eh malay ko bang sa taong nasa harap ko sya nakangiti.
Wala ring tao sa upuang nasa harap mo dahil ayaw nilang tumab...
Shad up ka nga munang utak ka, tatanggalin kita dyan.
"Please introduce yourself Ms. Heartmiller" buang rin ata tong Prof. namen sa Chemistry. Gusto nya syang mag-introduce yourself eh sinabi na nya yung pangalan nya.
So weird -.-
Minabuti ko nalang na maupo at kunin yung bag ko. Ayokong ma-stress utak ko kay Prof.
![](https://img.wattpad.com/cover/233439730-288-k187223.jpg)
YOU ARE READING
Guess Who: ITS ME
Humor"Even you throw a thousand knives, even you pull the trigger a thousand times, I still love you a thousand more." Si Dar Zero Maestro, ay isang high school detective na mula sa Matriollca Academy. Sa buong buhay nya bilang detective, wala man isang...