Ang totoo kasi niyan, hindi talaga totoo na may kliyente ako kung saan kailangan kong mag out of town for one month. Ang totoo niyan . . .

"Let's have deal."

"What deal?"

"Makikitira ako sa inyo ng isang buwan."

"How is that a deal? See guys? She's one of those obsessed girls."

"Hoy di pa ako tapos pwede ba?" Inirapan ko siya pero inirapan niya rin ako. Puny*ta ayaw talaga mag patalo ng sungit na 'to.

"Shut up Devyn. Go on, dollface."

"Oo nga, ingay ingay mo. Continue babe."

"F*ckers."

"As I was saying, makikitira ako sa inyo ng buwan at uunahan ko na kayo, wala akong balak na masama sa inyo." Well, maybe just a little, a few pranks here and there. "Since wala talaga sa inyo ang umaamin kung sino ang ama . . . unless may gustong umamin?"

Walang nagsalita. Just as I expected. Hindi ko alam kung pinagtatakpan lang nila ang isa't isa o kung ano mang rason yan pero sigurado ako na isa talaga sa kanila. Base sa narinig ko sa kanila alam kong may koneksyon sila sa batang nasa sinapupunan ko at base rin sa aksyon nila ngayon. Malamang meron nga. Tang*nang amang yan malaman laman ko lang kung sino ka masasakal talaga kita. Pinapahirapan mo akong hay*p ka.

"Okay, as I expected. Let me stay with you for a month. Let me assess you kung karapat dapat ko bang iwan sa inyo ang bata."

"Wait."

"What?"

"What do you mean babe?"

"Iiwan mo yung bata?

"Are you crazy?" -Sungit. Sino pa ba?

"Diba ayaw niyo rin sa akin? I say that's a win-win BUT only if I can trust you with this child. Let's get to know each other for one month. I think that's enough."

"What happens if you don't trust us by then?"

"I'll keep the child."

"This woman is f*cking crazy."

"Bakit mo iiwan kung kukunin mo rin pala?"

"Kukunin ko nga," Di pa kasi ako tapos eh. "tapos ipapa ampon ko."

"Anong klase kang ina?"

There's the judgmental voice I hear. 

"Hate me, don't care." Ano bang alam nila? "Now what? Do you agree?"

Nagkatanginan silang lahat. 

"Ma! Andito na yung sundo raw ni Ate!" Sundo? Anong sundo? 

"May susundo pala sa'yo anak? Aynako buti naman at hindi mo na kailangan mag maneho ng napakalayo!" 

"Ha? Oo." Kailan pa ako nagkaroon ng sundo?

"Mag-iingat ka anak ha? Intayin ka namin sa baba." Umalis na si mama sa kwarto ko. Baka si Azen yan. Inayos ko na lahat ng damit ko. Sinuot ko yung six-inch high heels ko at saka lumabas. Hindi ko alam na may pagka-sweet pala yung Baklang 'yon.

May naririnig akong ingay sa mula sa baba at hindi ko alam kung bakit parang humahagikgik si Mama at yung kapatid ko parang imbestigador. Ang dami niya kasing tinatanong kay Azen. Eh si Azen lang naman yan, abnoy talaga.

"Jowa mo ba ate ko?"

"May plano kayong magtanan kaya siya may dalang  maleta?"

"Magpapakasal na kayo?"

It All Started With The Royal's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon