Chapter 32

2.7K 100 8
                                    

content warning: mention of blood
tw: violence

Chapter 32

Stabbed

When my consiousness finally came back, the first thing that came to mind was what happened earlier. My brows furrowed as I let out a low groan. Unti-unti 'kong binuksan ang talukap ng aking mga mata ngunit agad ko rin itong ipinikit nang salubungin ako ng napakaliwanag na ilaw na nagmumula sa nag-iisang bumbilyang nasa taas.

I tried my best to let my eyes adjust with the bright light illuminating inside the room. Iniikot ko ang aking paningin sa buong paligid ng kuwarto. Ito pa rin ang kuwartong kinalalagyan ko simula noong una akong makapunta rito.

Kunot-noo 'kong sinubukang igalaw ang aking kamay ngunit agad akong napatingin sa mga ito nang mayroong pumigil sa aking mga galaw. Nakaluhod ang aking mga tuhod sa sahig habang nakagapos ang aking mga kamay.

Binaling ko ang aking tingin sa kananh gawi at nakita roon si Drake na wala pa ring malay. Ilang oras na kaming nandito? Bakit wala pa rin siyang malay?

Napangiwi ako nang makaramdam ng mapahding pakiramdam sa aking tiyan. Agad akong napatingin sa baba at nadatnan ang aking damit na basang-basa sa aking sariling dugo. Halos tumulo na ito sa sobrang daming dugong lumabas mula sa hiwa sa aking tiyan.

Bakit hindi ako gumagaling? Why is the wound not healing? Is my vampire side not working?

"Oh, you're finally awake. Good. Inaantok na rin ako rito kakahintay sa inyong magising," dinig 'kong banggit ng boses ng isang babae.

Napakunot anh aking noo at tinignan ang gawi ng taong nagsalita. Nang balingan ko ito ng tingin ay unti-unting bumababa ang kniyang mata sa aking sugat. She raised her eyebrows as she covered her opened mouth with her right hand.

"Oh, sorry, did you know? You don't heal that fast like normal vampires. You're only half vampire, your body can't heal as fast as a full vampire can. It's probably five times slower than a normal vampire," she said.

Napairap na lamang ako sa kaniyang sinabi. A smirk appeared on my lips as it was followed by a scoff. "Tinatanong kita?" maldita 'kong tugon.

Her eyes widened in excitement when she heard my response. "Ooh... I like the sass," she said and stood up from the chair she was seating on.

Rinig na rinig mo ang bawat tunog na ginagawa ng kaniyang matangkad na sapatos sa loob ng maliit at tahimik na kuwarto. Unti-unti at mabagal itong naglakad papunta sa aking gawi. "You're probably confused on what's happening, huh? Well, let me enlighten you," she said.

Her long, slender fingers reached for my chin and lifted it up to make me look into her eyes.

"I'm the one who's behind all of this. How your parents' act towards you. I'm the one who's in control of them the past few weeks. The guards, the puzzle you solved on the other room, every single thing that happened to you, it was all planned by me," she said, emphasizing every single word.

Walang pahintulot niyang binitiwan ang aking baba at hinayaang bumagsak ang aking ulo. "Huh? Paano mo nagawa 'yan? Paano mo nagawa 'yon?" she said, as if she's mocking me. "My mother is a witch, while my father is a vampire. Sounds like I can do magic, right?" pagpapaliwanag pa nito.

"Did I ask?" muli 'kong sagot.

"No, honey. It's just an additional information that you might need in the future," she said.

Magsasalita na sana akong muli nang biglaan kaming makarinig ng pagbukas ng pintuan. Unti-unti itong bumumas kasabay ng pagpasok ng dalawang pamilyar na tao. Nanlaki ang aking mga mata nng makita ang mga walang emosyon nitong mga mukha.

Chasing the Forbidden (Salazar Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now