Chapter 1

17.8K 364 20
                                    

content warning: mention of blood
tw: violence

Chapter 1

Beginning

Dali-daling pumanhik sa loob ng kuwarto nila si Enrique. Agad niyang nakita ang mag-ina niyang nakaupo sa isang upuan. Hawak-hawak ni Sanya, ang asawa ni Enrique, ang anak nito sa kanyang mga bisig habang nakatitig sa kanilang bagong panganak na babae. "Sanya, kumusta ang aking bagong silang na anak?" tanong ni Enrique habang maingat na lumapit sa kanyang asawa.

"Mabuti naman si Criselda." Malawak ang ngiting nilingon ni Sanya ang asawa.

Nang makalapit si Enrique ay hinawakan niya sa pisngi ang kanyang anak at hinawi ang kakaunting hibla ng buhok sa ulo. Marahan niya itong hinalikan sa noo at pati na rin ang kaniyang asawa sa pisngi naman nito.

Umupo siya sa kamay ng upuan at sumandal sa sandalan ng upuan. He encircled his arm around his wife's shoulders and softly caressed her on the side of her arms. Sabay silang nakatingin sa kanilang anak na si Criselda.

"Hinding-hindi ko kayo pababayaang masaktan. Kahit mawala na ako sa mundong ito, huwag lamang kayo." Ito ang pangako ni Enrique sa kanyang mag-ina. Kahit anong mangyari ay hinding-hindi niya pababayaan ang kaniyang pamilya. Kahit ang kapalit pa nito ay ang sarili niyang buhay.

Isang araw ay biglaan na lamang sumigaw ang isa sa kanilang mga kasamahan na may sumusugod daw na mga kalaban sa kanilang tirahan. Nakarating ito sa buong bahay at agad namang nataranta ang lahat.

"Enrique! Anong nangyayari at napapalibutan tayo ng mga bampira?!" nag-aalalang tanong ni Sanya sa kanyang asawa. Nagkakagulo na sa paligid at unti-unti nang napapaligiran ng mga kalabang bampira ang kanilang bahay.

"K-Kunin mo si Criselda! Magtago kayo kasama si Mama. Tatawagin ko ang iba," utos ni Enrique kay Sanya. Agad inalalayan ni Sanya ang kanyang ina na hindi gaanong kalakas dahil na rin sa katandaan at sa labis na paggamit nito ng kapangyarihan sa mga nakaraan na araw. Mabagal silang pumanhik sa ilalim ng bahay, kung saan mayroonf kuwarto na hindi mabilis matutunton ng mga kalaban.

Nagmamadaling pinuntahan ni Enrique ang iba nilang kasamahan na lalaki na naghahanda na sa pagsugod sa mga kalaban. Ang iba rito ay mga kamag-anak ni Sanya, na katulad ni Sanya ay mayroon ding mga kapangyarihan at ang iba ay mga bampirang kamag-anak ni Enrique.

Pagkatapos maalalayan ni Sanya ang kanyang ina sa pinakatatago nilang silid ay agad niyang binalikan si Criselda sa silid nito. Maingat niya itong binitbit at nagmamadaling nagtungo sa silid kung saan niya iniwan ang kanyang nanay.

Habang papunta siya sa silid ay bigla niyang nakita ang mga nangyayari sa labas. Hindi bababa ng bente ang bilang ng mga bampirang sumasalakay sa bahay nila. Nang makita niyang pupugutan ng ulo ang isa sa kanilang mga kakampi ay hindi siya nagdalawang-isip na ibaba ang kanyang anak sa isang lagayan at mabilisang sinubukang takpan ng kumot.

Lumabas siya at agad ginamit ang kanyang kapangyarihan. Tinaas niya ang kanyang mga kamay at agad lumabas dito ang kulay berdeng usok. Unti-unting kumakalat sa direksyon ng kalaban ang usok na lumalabas sa kanyang mg kamay. Nang maabot ng berdeng usok ang kalabang bampira ay agad itong nanghina. Unti-unti itong napapaluhod sa lupa habang umaakyat ang kanyang mga kamay sa kanyang leeg at mariing pinipiga ang kanyang leeg na para bang nawawalan ito ng hangin na lalanghapin.

Chasing the Forbidden (Salazar Series #1)[COMPLETED]Where stories live. Discover now