Roulette #41

648 9 0
                                    

Chapter 41 

(Last)


Matapos umuwi ni Michaela, hinatid na ako ni Clade sa dati kong kwarto sa mansyon niya. Siya naman daw ay tutulungan ang mga tauhan niyang abala sa pag-ayos ng kwarto niyang dinaanan na naman ng delubyo. Isa pa, may kailangan daw silang pag-usapan ni Alek. 


Pinaliwanag niya rin ang dahilan ng pagwawala niya bago ako dumating at sinabing dahil lang iyon sa pagsisisi niyang pinakawalan niya ako.


Gusto ko na talaga siyang kurutin kanina sa mga pinagsasabi niya. Who would've thought that Clade Schartner has a sweet side like this?


Pumayag na rin ako sa gusto niyang mangyari kahit pa gusto ko pa siyang makausap ng matagal. Kailangan ko ring gumising ng maaga bukas para pumasok sa trabaho. 


Kaya naman kasalukuyan na akong naghahanda sa pagtulog. Katatapos ko lang uminom ng gatas at nagpapahinga na lang ng saglit bago matulog.


Pinalitan ko ng bagong bili na dark blue terno pajama ang suot ko. Alam kong bagong bili ito dahil bago ako umalis dito ay pawang bestida ang mga damit ko. 


Bakit parang nahulaan nilang babalik ako? Ganoon ba sila kasigurado na tatakbo ako pabalik sa mansyong ito?


Napailing na lang ako sa naiisip. Literal naman nga kasi akong tumakbo pabalik sa bahay na ito at kay Clade. Uminit na naman tuloy ang pisngi ko nang ma-realize iyon. Pagdating sa kanya, hindi ako magkandaugaga sa gagawin.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa paanan ng kama upang patayin ang mga ilaw sa walk-in closet at banyo ng kwarto. Lumapit din ako sa dingding na nasa tabi ng pinto kung nasaan ang mga switch ng ibang ilaw sa kisame at tsaka pinatay ang iba at ginawa namang dim ang iilang natitira. Iniwan ko ring bukas ang hindi kaliwanagang lampshade sa bedside table.


Muli akong umupo sa gilid ng kama, hinubad ang tsinelas na suot at tuluyang naihaga sa kanang bahagi nito. Nanatili lang akong nakatagilid ng higa habang nakabalot sa kumot. Nakapikit lang ako pero gising na gising pa rin ang diwa ko.


Sabi na eh! Hindi na naman ako makakatulog nito! Kung sa ilang nagdaang gabi hindi ako nakatulog dahil sa lungkot at dami ng naiisip, ngayon naman hindi ako makatulog dahil pakiramdam ko ay para akong nakalutang.


Kinuha ko ang cp ko sa bedside table para maghanap sana ng music na makakapagpatulog sa akin. Ngunit natawa ako nang mabasa ang message ni Ela.


Bitchela: 

Remind me to sakal you tomorrow when I see you at work.


Ako: 

kskskskskksksksksk


Ako: 

At bakit?


Wala pang isang minuto, nakapagreply na siya agad.


Bitchela: 

Pakshit ka! Nang dahil sa'yo nalaman na ng bruhong iyon ang bahay ko! Tuloy ang sabi sa akin bibisita na lang daw siya ulit bukas... Tangina?

Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Where stories live. Discover now