"elefthérosi," muling sambit ni Aferis, kusang bumukas ulit ang bibig ni Zairah.

"Ngayong alam mo na ang ipinagkaiba ng kakayahan niyo ay wag ka sanang manlaban pa, Miss Zairah. Even though you're a tría, alam nating pareho na wala kang laban sa isang énas," muling sambit ni Richel.

I can see the shame in Zairah's face after being humiliated. Nalipat ang tingin sa amin ni Richel. Pinagmasdan niya kami mula ulo hanggang paa.

"And I also told you to stay away from commoners. Dumi lang ang mapapala mo sa kanila," dagdag niya.

Napaismid si Raze sa narinig at akmang lalapit na sa kanila nang agad ko siyang pinigilan. Walang ekspresyon lang akong nanonood. It's none of our business. Hindi kami nandito para gumawa ng gulo.

Si Zairah lang ang kailangan niya at hindi kami. Wala kaming dahilan para lumaban.

Nanatili lang akong nanood kina Lei at Zairah. Kahit may pinagsamahan kami pa paano ni Lei ay wala akong karapatan na makisali sa kani-kaniya nilang buhay. Kailangan ko lang isipin ang dahilan kung bakit ako nandito.

Balak ko na sanang tumalikod upang lumayo na nang matigilan ako sa nakita ko. Kahit tumutulo ang mga luha sa mga mata ni Zairah ay hindi nawawala ang dedikasyon nito sa mga mata niya.

"I told you, hindi ako babalik! No one's gonna stop me from chasing my dreams!"

I was taken aback by what she said, as if I felt something hit my chest. Unti-unting himigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Kasunod ng pagbigkas niya ay ang paghampas ng malakas na hangin.

I suddenly saw myself when I was a kid.

I was also a dreamer. And my dream... was too far to reach. Pero kahit pinagtatawanan nila ako kapag naririnig ang pangarap ko ay may isang taong naniwala sa akin. That's why I'm here right now.

Nagsimula ng dukutin si Zairah ng mga lalaking kasama ni Richel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalapit sa kanila.

Maybe meeting Zairah and Lei here was not a coincidence at all.

Maybe... it was fate.

Agad na napunta ang tingin ni Richel at Aferis sa akin. Pinagtaasan ako nito ng kanang kilay nang tuluyan na 'kong nakalapit sa kanila.

"Let them be," walang kaemo-emosyong sambit ko.

Tinignan ako ni Richel na para bang nandidiri. Hindi man lang ito nag-aksaya ng laway na sagutin ako at tinalikuran lamang ako nito.

Nagsimula na silang maglakad papaalis nang matigilan sila sa sinabi ko.

"Kapag ba natalo ko ang énas na kasama mo gamit ang isang spell ay hahayaan mo sila?"

Nakakunot noong humarap sa akin si Richel at Aferis. Nabigla rin sina Raze at Zairah sa sinabi ko.

Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Richel. "Nasisiraan ka na ata ng bait. Isa tría nga ay hindi kayang talunin si Aferis. Ikaw pa kayang éxi lang?" natatawang sambit niya.

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya at matalim siyang tinignan.

"Kung hindi ka witch ay manahimik ka. Hindi ikaw ang kalalabanin ko."

Bakas ang pagkairita ni Richel sa sinabi ko. Akmang susugurin na sana niya ako nang hawakan ni Aferis ang balikat niya. Imbis na si Richel ang lumapit sa akin ay unti-unting naglakad papunta sa akin si Aferis na may ngisi sa labi.

"Bata, ayokong pumapatol sa mga katulad niyo. Trabaho ko lang naman ito. Wag sanang sumama ang loob mo sa akin," nakangising sambit niya. "Kaya umalis na lang kayo ng kasama mo at mag-aral na lang ng spells ha?"

Natatakpan niya ang sinag ng araw nang mapunta siya sa harapan ko. There's a big gap between our height difference.Walang kaemo-emosyong umangat ang tingin ko sa kaniya.

"Takot ka bang matalo ng bata?"

Nawala ang ngisi sa labi ni Aferis at napalitan ito ng pagkairita. "Kaya ayoko sa mga batang katulad mo. Makikitid ang utak."

Pinagmasdan ako nito at muling kumurba ang labi sa isang ngisi.

"Sige, tignan natin kung anong klaseng Rank F spell ang gagamitin mo," natatawang sambit niya.

I remained expressionless. Dahan-dahan akong mas lumapit dito habang hindi nawawala ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Parang bumagal ang oras at tumahimik ang paligid matapos humampas ang hangin.

"midén."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hinintay ng mga kasama ko na may mangyari ngunit wala. Walang lumabas na apoy o kahit anong mahika.

Pero sa kabila n'on, unti-unting nawala ang ngisi ng lalaking kaharap ko sa sinabi ko. I can see the terror in his face when he slowly realized what I've just said.

Hindi isang spell ang binanggit ko.

Bagkus ay isang salita lamang.

Just like what I've said before. Everyone has their own rank. An éxi or six as the lowest, and énas or one as the highest or strongest. Mas maliit na numero ay mas maraming kaalaman pagdating sa mahika.

Ngunit meron pang mas nakatataas sa isang énas o one. At mga énas lang din ang nakakaalam n'on dahil sa oras na banggitin ng isang indibidual ang salitang 'yon ay kusang magiging abo ang katawan nila.

It's a taboo and only those who are in that rank can be able to pronounce it.

We call them midén.

Or zeroes.

Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now