Chapter 33

438 12 19
                                    


Last time

He proved his point every single day. Pero yung payo ko sa kanyang "slow" hindi niya ginagawa. He's persistent. Naging busy siya trabaho niya pero hindi niya ako kinalimutan.

"Anong oras ka uuwi ngayon?" tanong ko. Hindi na kasi on time ang pag-uwi niya. Minsan alas siyete pero kadalasan mas late.

Inayos ko ang necktie niya at tumingala sa kanya. His well tailored suit fits perfectly to his physique, broad shoulders and bulging muscles and all.

"Mauna ka nang kumain. I-f-finalize namin ang project sa Taiwan, matatagalan ako roon."

"Sabi ko anong oras?"

Mariin niyang itinikom ang kanyang labi. He's suppressing his smile and I saw amusement in his face. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"You shaved today." Tumingkayad ako para amuyin siya. I always love his aftershave scent. Idinirekta niya ang mukha ko sa kanya at siniil ng halik ang aking labi. I answered his kisses because if I won't he will be aggressive. Both of his hand went to my waist and he pulled me closer.

After the breathless kiss he finally put me down. His lips are red, I love his lips, soft but firm, domineering and possessive.

"Eight p.m nandito na ako." aniya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Kanina sinabi--"

"There you go again. Hindi ka ba mabubuhay 'pag hindi mo ako inaaway?"

"Kas--" tinikom ko ang aking bibig. May katwiran naman ako ah?

May binunot siya sa kanyang bulsa. Ibinigay niya sa akin ang isang bagong cellphone.

Hindi siya nagsalita kaya hindi rin ako umimik. Lagi kong sinasabi kay Axon na baka tinantanan na niya ako, at sa tuwing sinasabi ko ito nagagalit siya. He kept me outdated when it comes to Mr. Du and Mamina. Lagi niya akong hinahalikan sa tuwing tinatanong ko siya. Sometimes he's tensed when I asked something, reason why my suspicions grew.

"I doubled the security." he hesitated and I heard the cautious to his tone.

Tumingin ako sa mga guwardiya sa labas, they indeed doubled. Nakita ko si Gary na naglilibot at may hawak na baril. Bumalik ang mata ko kay Axon.

"Baka.. b-baka tinantanan na niya ako."

Axon's eyes darkened. Umiling siya sa aking sinabi. Bumuntong hininga ako. My life became peaceful because of him. Noong araw na tumapak ako sa bahay niya ay nagbago lahat sa akin. Kaya nasabi ko iyon... baka nga tinantanan na niya ako.

He cupped my face and gave me chaste kiss.

"I'll be back at 8:00."

Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng kanyang bahay. Nang makarating na kami sa tapat ng sasakyan ay hinalikan niya ang aking noo.

"Pupunta akong bahay ngayon, bibisitahin ko sila Mama, pati na rin sila Fran at Liqui."

Naramdaman kong nanigas si Axon sa aking sinabi. Hinawakan ko ang kanyang braso at tumingala.

"Kasama ko naman si Gary at Edwin diba?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. He told me I'm not his prisoner, that I can go wherever I want to go, basta magpapaalam ako sa kanya. Don't tell it's not applicable anymore?

"It's not safe." he finally look down at me. He looks so serious and worried at the same time.

"Si Gary at Edwin kasama ko. Atsaka wala na mang mangyayari sa akin Axon!" pangangatwiran ko.

Shackles of Melancholia (Completed)Where stories live. Discover now