☢️ CHAPTER 15☢️

Start from the beginning
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at ang kamay ko lang ang inilahad ko palabas. Kinuha ko ang bathrobe na binigay niya at ni-lock ulit ang pintuan. Isa itong puting bathrobe at ang bango ng amoy halatang bagong-bago.

Napahinga ako ng malalim. Wala naman sigurong masama kung maliligo ako dito. Kahit mag-shower na lang ako.

Sinigurado kong naka-lock ang pinto bago ako naghubad at sinimulang mag-shower. Sinadya ko talagang tagalan sa pag-shower pero nang magsimula nang mangulubot ang mga kamay at paa ko, napagpasyahan ko nang huminto. Binalot ko ang sarili ko sa puting bathrobe bago lumabas ng bathroom.

Paglabas ko ay wala si Krypton sa kwarto pero may napansin akong nakapatong sa malawak na kama. Isang white sweatshirt, black cotton pants at underwear.

Hinawakan ko ang underwear at chineck ang sizes. Shems, bakit tugma ito sa size ko? Paano niya nalaman? Hindi ba siya naiilang nang binilhan niya ako ng mga ganito?

Kinuha ko ang mga damit at pumasok ulit sa bathroom para doon na magpalit. I don’t trust this bedroom. Baka mamaya, may CCTV pala.

Pagkatapos kong magpalit, lumabas na ako dala-dala ang dating damit ko. Pagkalabas ko ng kwarto, naabutan kong nakaupo sa sofa si Krypton at nakatutok sa laptop niya.

Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya. “What took you so long?”

Hindi ko pa kayang salubungin ang tingin niya kaya umiwas ako at nagkibit-balikat na lang. “Wala lang.”

Lumapit ako sa kanya since katabi niya ang bag ko pero hindi ko pa rin siya tinitignan sa mukha.

“Pwede namang iwan mo na lang dito yan.” Sabi ni Krypton nang mapansin niyang nilalagay ko sa bag ko ang ginamit kong damit kanina.

“Ayokong may balikan pa ako dito.” Direstong sabi ko sa kanya.

“Bakit? Ayaw mo nang bumalik dito?”

Nang hindi ako sumagot, naramdaman ko siyang lumapit sa tabi ko. Hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya. I directed my eyes anywhere basta hindi lang sa mata niya at mas lalong hindi sa mapulang labi niya.

“Are you feeling shy, Twilight? Dahil ba ito sa halikan natin kanina?” mahinahon niyang tanong at namula na naman ako.

Hinawi ko ang kamay niya at matapang siyang tinignan. “Oo nahihiya ako sa totoo lang. Bakit ikaw ba? Hindi ka ba naiilang?”

“Hindi.”

Kumunot ang noo ko. “Do you go around kissing women without feeling awkward?”

Napangisi si Krypton. “I don’t go around kissing women, Twilight. Trust me, ikaw pa lang ang nahalikan ko and I don’t intend to kiss anybody but you. My lips are exclusively for you only.”

Gusto kong tumawa. Hindi ako naniniwalang ako lang ang nahalikan niya. The way he moved his lips a while back, parang expert na siya nito eh.

“So first kiss mo ako ganon ba ibig mong sabihin?” natatawang tanong ko sa kanya. “Imposibble.”

“Yes, you are Twilight. Hindi yun imposible kasi ikaw lang talaga hinintay ko.”

The sarcastic laugh got caught in my throat. Napalunok ako. Eto na naman siya. Kung ano na naman pinagsasabi niya.

Tumikhim ako at umiwas ng tingin. “May pagkain ka ba dito? Nagugutom ako eh.” Bigla kong tanong sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay. “Kagagaling mo lang ng birthday pero gutom ka ulit? Hindi ka ba pinakain ng gagong yun?”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now