021

1.2K 26 4
                                    

Asdfghjkl LUKE and GABBY at the side :) <3 this is heart!

VOTE/COMMENT

x

RAKISTA LOVE AFFAIR

Naghahanap ako ng magandang gawin na centerpiece ngayon. Kanina pa ako tumitingin sa paligid ko.

Karamihan kasi sa nakuha kong shots kundi butterflies yung mga flowers dito sa mini forest ang naging model ko.

Finocus ko yung lense ng dslr ko don sa butterfly na kakadapo lang sa gumamela hindi kalayuan sakin.

Sakto naman na pagkatapos kong i-click lumipad siya.

Chineck ko agad yung nakuha kong shot and I smiled at the result.

It looks really nice.

Actually, isa sa favourite shot na nakuha ko ngayong araw.

Lumingon ako at nakita yung taong mag-isang nakaupo sa bench kasama yung gitara niya.

Si Brad.

Lumapit ako agad sa kanya at ngumiti ng makita kong matuon ang attention niya sakin.

Huminto siya sa pagstrustrum ng gitara niya at nakita kong may sinulat siya saglit sa scratch paper.

"Oh,ano princess marami ka na bang nakuhanan?"

Nagnod ako sa kanya.

"Yap."

"Patingin nga ako."

Lumapit ako sa kanya para ipakita yung mga previews shots na nakuha ko kanina.

Base sa expression ng mukha niya he looked impressed.

Nakakaproud tuloy.

Naupo ako sa tabi niya.

"Niceeee." Hawak-hawak niya pa din yung camera ko at tinignan niya pa yung ibang shots.

Sinulyapan niya ako.

"You know what? Someday... You'll be a great photographer. Siguro 4 or 5 years from makikilala ka na sa field ng photography."

"Thanks." Nakakaoverwhelemed na marinig yung ganong words medyo naiilang lang ako when it comes to that topic.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin sa malayo.

I sighed deeply.

Gustong-gusto kong maging isang professional photographer 'someday' na makagawa ako ng pangalan sa industry pero alam kong hanggang pangarap na lang siguro yon.

Nakaplan na kasi yung course na kukunin ko sa college.

At hindi yung gusto ko yung masusunod.

Nakakalungkot syempre pero tinitignan ko na lang yung 'bright side' na ang gusto lang nila mama ay yung magandang future ko and they know 'what's best for me'.

Ng sulyapan ko si Brad sa tabi ko nakita kong nakafocus yung lens ng camera sakin.

At nakita ko din na nagclick siya....

Which means kinuhana niya ako ng picture.

"Brad!"

Tumawa siya at nagsign ng isa pang shot.

"Tama na... Ayoko na."

"Isa pa... Sige na princess."

Pilit kong inaabot yung camera ko sa kanya pero imbis na iaabot na sakin nilalayo niya.

RAKISTA Love Affair Season 1 (5SOS)Where stories live. Discover now