002

2.1K 45 4
                                    

hey, guys pasensya na kung late UPDATE :) Anyways, here it is!

NOTE: LUKE HEMMINGS AT THE SIDE >

Don't forget to VOTE and COMMENT

X

...........................

RAKISTA LOVE AFFAIR 

Until now hindi pa din ako makapaniwala na 4th year na ako. Ang tulin ng panahon parang kailan lang yung iniiyakan ko si mama na wag akong iwan sa classroom nung day care pa lang ako. Madalas nga naikwekwento niya pa na panay daw ang iyak ko nung maliit ako kapag hindi siya nakikita tapos ngayon heto na graduating na ako.

I'm very happy of course but at the same time yung odd feeling na makakatapos na naman ako ng isang taon at hindi ko pa din nacoconfess ang feelings ko for him.

Until now I don't have the guts to tell him how I feel.

Ilang taon na akong one sided sa relationship na to and its very complicated.

Sobrang complicated.

I care about him alot.

I want to show him pero alam ko naman na kahit anong gawin kong 'care' para sa kanya walang mararating bakit?

He doesn't feel the same way.

But still here I'am...

Umaasa pa din na someday he will look at me na para bang ako yung pinakaprecious thing sa buong mundo.

Yeah, someday sa panaginip ko maybe.

"Honey, anak bilisan mo na baka malate ka!" Narinig ko si mama na kanina pa ako pinapaalalahanang bilisan na kilos.

Bakit ba kasi nakalimutan kong i-alarm ang phone ko ayan tuloy nagmamadali ako ngayon.

Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay ng maayos.

Argh!

"Mama wait lang po!"

Tinignan ko saglit yung itsura ko sa salamin. Mukha akong binagyo kung saan-saan nakastick ang buhok ko may side na nasuklay na at karamihan buhol-buhol pa.

Ano ba yan.

Naghahadali kong sinuklayan ang sarili ko sabay sukbit ng bagpack sa isa isa kong balikat.

Labas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.

"Mama alis na po ako."

"Hindi ka pa kumakain ha? Sumubo ka na--"

"Di na po ma bibili na lang ako sa canteen. Malalate na ako e. Bye ma."

"Baon mo honey."inabutan ako ng pera ni mama. Meron naman akong weekly allowance pero binibigyan pa din ako ni mama just incase lang daw na kailanganin ko.

I kissed her cheek at nagpaalam ulit bago lumabas ng bahay. Napasulyap ako sa kapitbahay namin sila Hemmings.

Sakto yung paglabas ni mommy Liz at ni....

"Lucio pakilagay naman to nak sa kotse."

Si Luke.

I can't stop myself to check him out. Kahit anong damit talaga ang ipasuot sa kanya nadadala niya. He looked so good in his school uniform. Ang linis-linis tignan and for sure he smells so good.

As usual his hair was styled in a quiff na nagbibigay sa kanya ng boyish look.

In short he looks so good in anything.

RAKISTA Love Affair Season 1 (5SOS)Where stories live. Discover now