017

1.1K 28 4
                                    

MERRY CHRISTMAS EVERYONE!

Hope you guys will have a great time with your loved ones :)

Here's a short update.

X

..............

RAKISTA LOVE AFFAIR

"Excited na akong ibigay yung copy natin."

"Same." Nakacomplete na namin ni Kris yung kulang na requirements sa article namin.

Napasa na din namin yung i-aattached na picture. All in all confident kami sa kalalabasan ng article naming dalawa.

Ilang araw din naming pinagpuyatan yon and I'm sure worth it naman kapag nakita na namin yung finish product.

Hindi na rin ako makapaghintay sa Monday. I'm so excited and thrilled at the same time.

Hihingi kami ng soft copy ng printed layout para meron kaming remembrance.

Iniipon din kasi naming dalawa ni Kris.

Madalas kasi don kami nakakakuha ng idea para sa blog site namin.

"Gusto ko na ding marinig yung feedback nila..."

" Sa monday for sure meron na yon." Sabi ko kay Kris.

Naglalakad kami ngayon as per usual. Kakalabas lang namin ng room para maglunch break.

"Mas excited ako sa inyo kasi makikita ko kung mukha ko don." Hirit ni Brad sa tabi ko kaya kami napangiti ni Kris.

Nakalimutam naming may kasama pala kami.

"Oo nga noh? Sikat ka na Brad." Nangingiting sinabi ni Kris.

"Naku pano ba yan..." Napakamot siya sa ulo na parang namromroblema.

"Don't worry kaming bahala sayo Brad. Kaming dalawa ni Gabby yung bodyguard mo."

Napangiti na lang siya sa sinabi ni Kris. Sa paglalakad naming tatlo hindi syempre maiwasan na mapansin ko yung nga 'tingin' na binabato sa direction namin.

Lalo na yung nga babae.

Hindi na ako magtataka kung bakit kasi kasama lang naman namin ni Kris yung isa sa 'popular/musician/hearthrob' dito sa campus.

Yung iba lumapit at naggreet pa kay Brad. Hindi na rin samin bago yung scene na tulad nito.

Saglit na nakipagusap si Brad sa kanila at nagexcuse na din after a few minutes buti na lang hindi na sila sumunod sa amin.

"Brad!" napaginto kami sa paglalakad ng may marinig kaming sumigaw.

Hindi pa kami nakakalayo don sa grupo ng mga 'fan girls' kanina meron na naman yatang hahabol.

Napalingon din ako out of my curiousity kung sino yung taong sumigaw sa pangalan ni Brad.

Si James.

"Hey..." He greeted at nginitian ako. Nakita ko yung ginawang pagsulyap ni James sa kaibigan ko.

"Oh pare bakit?" Tanong ni Brad.

Nabaling na yung attention ni James sa bandmate niya.

"Nagaaya kasi sila Connor na sabay-sabay tayong maglunch. May pwesto na daw tayo don..." Sabi niya kay Brad.

RAKISTA Love Affair Season 1 (5SOS)Where stories live. Discover now