"Yheura-" Winaksi ni Yheura ang kamay nito.

"Kung ayaw mo. Ako ang gagawa nang paraan para makaalis sa kaharian na ito!"

Mariin na pumikit si Luxe. Nahihirapan siya ngayon lalo na at kasama niya ang kapatid.

Mabigat na bumuntong hininga siya.

"Sumama ka sa akin. Aalis tayo dito"

Nakangiti na tumango ang kapatid niya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.

"Pasensiya kana, Luxe. Ayoko bigu-in si Marg. Nangako akong magkikita kami ulit." Mahinang bulong nito sa kaniya.

Nangako rin si Luxe na hihintayin siya ng dalaga. Paano kung matatagalan sila maka-alis dito? Paano kung hindi na sila mag-kikita? Paano kung hindi niya matupad ang pangako niya kay Yubie? Ilang minuto palang ang naka-lipas pero hindi na siya mapakali kapag hindi ito nakita o nasilayan.

Nahihirapan si Luxe! Hirap na hirap siya ngayon. Kahit gusto niya kalabanin ang Ama, kahit punong-puno na siya ngayon. Anong magagawa niya? Isang hamak na Anak lang siya ng Hari at wala siyang ibang magawa kundi tumakas. Lumayo sa kaharian na ito.

"Matutupad ang pangako na 'yan, Yheura. Pangako. Itutupad ko 'yan" Pangako ni Luxe sa kapatid niya.

"Kapag matutupad 'yun, Luxe. Hindi na ako aalis sa tabi ni Louis kahit anong mangyari. Pangako 'yan" Ang binitawan na salita ni Yheura. Ang mas lalong napabigat sa dibdib ni Luxe.

Paano kung hindi niya matupad ang pangako niya sa dalawa. Anong gagawin niya? Bakit kapag mas nanatili siya dito, mas lalong kinukulong siya? Hindi na niya nakita ang kasiyahan na gusto ni Luxe. Para siyang sinasakal. Walang kalayaan at ang lungkot.

"Gusto ko si Hiriku, Luxe" Bulong lang 'yun pero rinig na rinig 'yun ni Luxe.

Napahiwalay sa pag-yakap si Luxe sa kapatid niya. Gusto ng kapatid niya si Hiriku?! Kailan pa? Yumuko ang kapatid niya at nilalaruan ang kamay dahil sa pinagtapat nito sa kaniya.

Bumagsak ang ilang butil na luha sa pisnge ng kapatid niya at ayaw ni Luxe sa nakikita! Hindi niya matiis na makita ang kapatid na nasasaktan. Gagawin ni Luxe ang lahat para sa kasiyahan ng kapatid niya.

"Ayoko na ipakasal ako ni Ama sa isang Princepe, Luxe. Pwede bang isang taga-bantay ko nalang ang para sa akin? Pwede bang si Hiriku nalang ?" Nahihirapan si Yheura na tumingin sa kaniya.

"Yheura"

"Gusto ko siya. Gusto na gusto ko siya, Luxe!" Pag-amin nito ulit.

Hinawakan ni Luxe ang balikat ni Yheura at niyakap ulit ito. Ngayon lang ni Luxe nakita ang mabigat na pag-iyak ni Yheura. Masiyahin ang kapatid pero ngayon hindi na niya makita ang saya sa mga mata nito. Puno 'yun ng lungkot at takot.

"Wag kang mag-alala. Hindi aalis si Hiriku sa tabi mo. Hindi kayo maghihiwalay. Tandaan mo, kahit anong mangyari nasa tabi mo lang si Hiriku" Hinaplos ni Luxe ang likod ng kapatid at hinalikan ito sa noo. Alam ni Luxe na nasasakal narin ito sa kaharian katulad niya pero hindi nito magawa umalis dahil sa ina nila.

"Nandiyan si ina, wag ka nang umiyak"

Mabilis na pinunasan ni Luxe ang pisnge ng kapatid niya.

Bakit hindi kasama ni Ina si Ama?

“Ina”

Sa sobrang sarimot-saring emosyon ng kapatid, agad na dinambahan ng yakap ang Ina. Nag-aalala ang mukha ng Ina habang nakatingin sa kanila.

“Alam kung hindi kayong dalawa na masaya. Pasensiya na kayo ha, wala akong magawa” Malungkot na sabi ni Ina.

Umiling sila ni Yheura.

Walang kasalanan ang Ina nila. Lahat binigay nito sa kanila. Masaya sila noon, hindi ganito ang Ama ngunit dahil lang sa Elundreno na 'yun. Nag-bago na ito at hindi na nila ito maintindihan. Ito pa nga ang nagsabi sa kanila ni Yheura na 'ipaglaban namin kung sino man ang gusto namin' pero bakit ganito ang nangyari?

“Hindi ko kayo pipigilan, Kydeous. Tumakas kayo at lumayo kayo sa kaharian . Alam kung mangyayari ito. Kapag nanatili kayo rito, hindi kayo magiging masaya. Lalo kana, Luxe. Ayoko na pilitin ka sa babaeng hindi mo naman gusto.” Matiim na sabi ng Ina nila.

Bakit ganito ang kahihitnan ng buhay nila?
Ayaw niyang iwan ang Ina ngunit ayaw rin ni Luxe na ikulong ang kapatid sa ganitong pamamaraan ng Ama!

“Ina, ayoko na iwan kayo ngunit ayoko sa desisyon ng Ama”

“Wag kang mag-alala, anak. Okay lamang ako dito kasama ko naman ang 'yung Ama. Ang mahalaga ay ang kaligayahan niyong dalawa. Alam kung hindi kayo pababayaan ni Argara at Argon. Tumakas kayo at pumunta sa magka-patid, Luxe. Wag na wag kayong magtitiwala kahit sino. Si Argon at Argara lamang ang pagkatiwalaan niyo. Naintindihan niyo ba? Sana kapag nagkita kayo ni Argon, hingian niyo kami ng paumanhin sa dalawa. Humihingi kami ng paumanhin sa ginawa ng Ama mo, Luxe.” Paliwanag ng Ina sa kanila.

“Salamat, Ina”

Buong pagmamahal na niyakap sila ng Ina. 

“Tandaan niyong mahal na mahal ko kayong dalawa” Bulong nito.

“Mahal ka rin namin, Ina” sabay na sabi nila ni Luxe at Yheura.

Napahiwalay ang dalawa sa Ina ng sumulpot ang mga kawal. Kawal 'yun ng ibang bahagi na Dreamaniya, ang kawal ni Haring Elundreno.

“Paumanhin, Mahal na Reyna, pinapatawag po kayo nang Hari ganun rin po ang Princepe at Princesa.” Naka-yuko na sabi ng kawal.

Napatingin sa kanila ang Ina.

“Wag kayong mag-aalala. Nandito lang ako para sa inyo”

Magkabilang Mundo (BOOK1)Where stories live. Discover now