Sinubukan kong gawing magaan ang boses ko upang pahupain ang hindi ko maintindihang tensyon na nararamdaman niya. "Why are you pretending not to want me back, Clade? And what do you mean save me from you? I know you would never hurt me-"


"You don't know me yet, Ariadne!" Tumaas ang kanyang boses nang lingunin ako. "You don't know what I was capable of doing to you!"


Natigilan at natahimik ako. Nakatitig lang ako sa pagsabog ng kanyang emosyon. He looked pained and frustrated. Mahigpit rin ang pagkakakuyom ng mga kamao niya.


"If you stayed here longer, then I would've hurt you already!" Pagpapatuloy niya.


"And why would you do that?" Hindi ko na rin napigilang sumigaw. Nakuha niya pang magulat sa pagsigaw ko. "What did I do, huh? Why would you hurt me? All I did was to look after you and care for you, so why would you do that-"


"Because I am that evil!"


Iniwas niyang muli ang tingin sa akin at mariing pumikit. Bahagya niyang sinabunutan ang sarili dahil sa galit na nararamdaman habang nakasandal sa railing.


Natahimik ako, pilit na pinoproseso ang kanyang sinabi at ang nakikita kong reaksyon niya ngayon. Hindi ko maintindihan ang kanyang tinuran. Hindi ko makita kung saan banda siya naging masama sa akin. Maaaring noong una ay masama siya sa paningin ko ngunit sa paglipas ng mga buwan, napalitan iyon ng kabutihan niya. 


Pinahid ko ang luhang lumandas sa aking mata bago nagsalita muli. 


"You're not evil," mariing tugon ko.


"I am-"


"No, you're not, Clade!" Muling tumaas ang boses ko. Nagkatitigan kami nang bumaling siya ulit sa akin. "You're not evil to me. Please stop saying that."


Nagpakawala lang siya ng mabigat na paghinga at itinuon muli ang pansin sa kawalan.


Kinuha ko ang pagkakataon na iyon upang umiwas rin ng tingin sa kanya habang pinapakalma ang sarili. Patuloy lang ako sa pagpunas ng mga luha kong agresibo na sa pagtulo.


Bigla akong nakaramdam ng inis sa kanya, sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko talaga makuha kung saan niya hinuhugot ang mga sinasabi niya ngayon. Kung tutuusin ay halos ibigay na niya ang lahat sa akin sa tatlong buwan na nanatili ako dito. 


Lumakas lamang ang pakiramdam ko na may hindi siya sinasabi sa akin, isang bagay na nalaman niya o nangyari nang hindi ko batid habang nandidito pa ako noon. 


Natigilan ako nang may panyong lumapat sa pisngi ko. Tumama ang mga mata ko sa kanya. Tiningnan ko siya na seryosong nagpupunas ng mga luha ko. Hinigit niya ang braso ko upang iharap ako sa kanya nang sa gayon ay mapunasan niya ng maayos ang mga luha ko.


"Don't cry anymore," he gently said as he continued wiping the tears he caused away.


Russian Roulette (Book 1 of RR Trilogy)Место, где живут истории. Откройте их для себя