Everything happened so fast. Tanging pagpikit na lamang ang nagawa ko.

Hinintay kong makaramdam ako ng sakit ng katawan ngunit wala akong naramdaman. Agad akong nagtaka at dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Nang minulat ko ang mga mata ko ay unti-unting umawang ang bibig ko. Nagsitigilan ang mga lobo sa pag-atake sa amin at nakatingin sila sa babaeng kasama ko.

Ilang segundo ang tumagal at nagsimula silang magsiyuko upang magbigay galang kay Xena.

Kinusot ko maigi ang mga mata ko upang malaman kung totoo ba ang mga nakikita ko. Napakurap-kurap ako habang tulala.

The wolves. The wolves are bowing down to Xena.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Before I know it, I just found myself in a back of a wolf together with Xena.

Nakasakay kami rito at dinadala kami sa kung saan. "W-What the hell did just happened?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Hindi ako sinagot ni Xena bagkus ay nanatili itong pinagmamasdan ang paligid.

Dinala kami ng mga lobo sa isang camp. Kung saan ang iilan sa kanila ay nasa anyong tao.

"I can hardly believe it... you actually came back," Bungad sa amin ng isang lalaking nakasuot lang ng pulang polo at itim na pantalon. Kinamayan nito ang babaeng kasama ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito at napaawang ang bibig ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at kay Xena.What the heck is happening?

Pinapasok kami sa isang cabin. Nanatili lamang akong tahimik at nakasunod kay Xena, kahit maraming tanong ang nasa isip ko ngayon.

"Pasensya na sa mga inakto ng mga kasama ko kanina. As their Alpha, ako na ang humihingi ng tawad," pangunguna ng lalaking nagdala sa amin sa loob.

Para akong nasamid kahit wala akong iniinom na tubig. Alpha?!

"I'm Marcus," pagpapakilala ng lalaki. Lumapit ito kay Xena at nilahad ang kamay niya.

"I'm Xena," sagot ng babaeng kasama ko at kinamayan pabalik ang lalaking kaharap namin.

For a moment, I saw Marcus' expression changed. Ngunit hindi niya ito pinahalata.

"O-Oh. How about your friend?" sambit ni Marcus at napunta ang tingin nito sa akin.

Agad akong nataranta at mabilis na tumayo. "I-I'm Tristana, sir! You can call me Tana!" balisang pagpapakilala ko.

Narinig ko ang pagtawa nilang dalawa sa inakto ko. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa hiya.

"You can stay here for the night. Mahirap na at hindi lang kami ang pack na nandito. Ipahahanap ko na lang sa mga kasama ko ang kailangan niyo rito," pag-iiba ni Marcus.

Pareho kaming nagpasalamat ni Xena sa sinabi niya. Ang bilis ng mga pangyayari para sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa kong makipag-usap sa isang lobo. Not to mention na alpha pa ito.

"What are you doing here in the Northern forest?" biglaang sambit ni Xena.

Tila nagbago ang tensyon sa silid sa sinabi ng babaeng kasama ko. Nagbago ang mga ekspresyon ng mga lobo sa loob ng cabin pati na rin ang kay Marcus.

Umiwas ng tingin at yumuko si Marcus sa sinabi ni Xena.

"W-We have no choice. The humans were too scared of us. Pinaalis nila kami sa mga tirahan namin kahit wala kaming ginagawa."

Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi niya. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig ko. Wala akong kaalam-alam sa dahilan kung bakit nandito sila.

To be honest, hindi man lang sumagi sa isip ko ang posibleng dahilan. Mula pagkabata ay tinatak na sa mga isipan namin na walang halaga ang mga ibang nilalang sa amin.

Tanging mga tao lamang ang mas nakahihigit at tinuturing silang mga halimaw sa lipunan. Grocks, wolves, elves, and other creatures.

"We didn't meant to fight but we have no choice. Mga witches ang humarap sa amin. Pero sa dulo ay wala kaming nagawa. Iba na ang mga witches ngayon at dumarami ang mga bilang ng mga énas o one," muling sambit ni Marcus.

"Gusto nilang walang mga halimaw at ibang nilalang sa lipunan nila. Gusto nilang malinis ito at walang pagala-galang aso katulad namin," dagdag niya.

"They used some spells from the Grimoire of Astria, huh?" pagsingit ni Xena.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. Dahan-dahang tumango si Marcus sa sinabi niya.

Kunot noo ko silang tinignan. Naguguluhan ako. Bakit nadamay ang Grimoire ni Astria rito? At bakit masyadong masama ang tingin nila sa mga witch?

"X-Xena-" pagsingit ko.

Natigilan ako nang seryosong humarap at tumingin sa akin si Xena. Mabilis kong nabasa ang ekspresyon niya.

"I'm sorry, Tana. But the council is not as good as you think," seryosong sambit ng babaeng kasama ko.

The next words that she said was engraved in my memory. My heart skipped a beat that moment—dumbfounded and astonished.

"That's why I'm here to stop them. And my first step is to destroy the Grimoire of Astria."


Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now