Chapter 25

4.4K 104 11
                                    

Chapter 25


Marcus doesn't even know how to continue with his life without his wife beside him. Pinilit nya kayanin ang lahat. He tried his best to understand her and give her what she wants...space. But things are really difficult for him, lalo na at nasanay sya sa bawat galaw nya mula pagkagising nya at pagtulog sa gabi ay nariyan ang asawa nya.

He tried to act normal, especially at work. He doesn't even want his parents to know of what is happening in his marriage. Pero napakahirap nito kay Marcus, hirap na hirap sya na hindi nya nakikita at nakakausap ang asawa. 

Kinaya nya sa loob ng isang linggo pero pagkatapos nun ay hindi na nya napigil ang sarili at imbes na pumasok sa trabaho ay dumiretso ito ng Quezon para makita ang asawa. He missed her so damn much. Hindi sya makatulog at makakain ng maayos ng dahil sa nangyayari sa kanilang mag-asawa.

He was very excited and full hope when he reached Quezon province. Halos di sya mag-stop over para lang makapunta agad sa asawa, pero pagkarating nya sa bahay ng lolo at lola ni Annika ay di sya nito nilabas.

"'la, gusto ko lang kahit makita sya, please? Sabihin mo kahit lumabas lang sya ng kwarto. Kahit di sya lumapit. Kahit di nya ako kausapin. Gusto ko lang na makita sya at ang baby namin." pagmamaka-awa ni Marcus kay Isidora, ang lola ni Annika.

"Apo, sinubukan ko na sya kausapin pero napakatigas ng ulo. Sabi nya ay nag-usap na raw kayo tungkol dito. Ano ba ang nangyari? Nagulat na lang ako at umuwi sya dito at nalaman ko na nagdadalang tao na sya." sabi nito kay Marcus.

"I'm really sorry'la. Nagkaroon lang kami ng misunderstanding but I promise that I will fix this. Hindi po ako susuko. Mahal na mahal ko po si Annika." may halong lungkot na sabi nito at di nya napigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mata. Isidora holds his hand.

"Intindihin mo na lang muna ang apo ko. Baka dahil na rin sa pagbubuntis nya kaya ganyan. Bumalik ka na lang siguro sa sunod." at tahimik lang si Marcus.

"Kumain ka na ba apo? Ang lolo Wilfredo mo ay nasa bukid pa pero pauwi na rin yun siguro. Dito ka na mag-hapunan ha, at malayu-layo ang binyahe mo." sabi ni Isidora kay Marcus.

"Lola, okay lang ba puntahan ko si Annika sa kwarto nya? Kahit sa labas lang ako ng kwarto. I just don't want to give up, even if there's just 1% of chance that she'll open the door for me." pakiusap ni Marcus.

"Sige apo. Ikaw ng bahala. Ipaghahanda lang kita ng pagkain."

"Okay po." saka dumirecho si Marcus sa kwarto ng asawa.


"A-Annika...sweetheart." tawag nito sa asawa at kumatok sa pinto.

"Annika, I'm sorry. I'm so sorry. I miss you so much." at nagsimulang tumulo na naman ang mga luha sa mata ni Marcus. He knows that she can hear him. He just missed her so much that it hurts like hell.

"Can we please go back to the way we used to before? Sobrang miss ko na yung dati. Miss ko ng makita at mayakap ka pagkagising ko sa umaga. Miss ko na kasabay ka kumain ng almusal..ng hapunan. Miss ko na yung luto mo. Miss ko na katabi ka sa pagtulog. Miss ko na makita ka sa bahay natin. I miss us. Please, patawarin mo na ako...isang linggo pa lang kita hindi nakikita at nakakausap pero parang di ko na kaya." at napaupo na lang si Marcus at sumandal sa pinto.

"I love you much, sweetheart. Mali ako...I realized that now. I was so selfish...that I didn't notice that I am already hurting you. I'm so sorry for not respecting your decision. Please forgive me, sweetheart." nakatungo at umiiyak na sabi ni Marcus. There was no response from Annika.

What he wants, He gets.Where stories live. Discover now