Chapter 28

8.3K 162 23
                                    

Chapter 28

Happy New Year! Please stay safe and have a wonderful new year celebration. =)

*****

Nababagot si Annika sa bahay nila habang naka-upo at nanunuod ng telebisyon. She let out a deep sigh.

"Apo, may problema ba? Bakit napakalalim naman ng buntong hininga mo?" at tumabi ito kay Annika.

"Wala naman lola. Nabobored lang po ako."

"Dapat pala ay sumama ka muna kay Marcus kahapon paluwas ng Maynila." umiling naman si Annika.

"Ayaw ko pa po bumalik dun lola."

"Hindi pa rin ba kayo ayos ng asawa mo?" tanong nito at hindi naman nakasagot si Annika.

"Huwag mo ng tikisin pa ang asawa mo, Annika. Alam ko na alam mo na nagsisisi na sya sa nagawa nya at ginagawa nya ang lahat para sa iyo at sa magiging anak nyo. Mahal ka nya." pangaral nito sa apo.

"Mahal ko rin naman po sya lola, hindi naman po nawala yun."

"Kung gayon ay pagusapan nyo na kung ano man ang kailangan nyo ayusin. Bukas pagbalik ni Marcus dito ay yayain mo sya sa bayan para maaliw ka naman at makapag-usap kayong dalawa. Sakto at piyesta bukas sa bayan." Natuwa naman si Annika at na-excite ng malaman na piyesta bukas sa bayan.

"Sige po lola. Aayain ko po si Marcus bukas." masayang sagot ni Annika. Sa sobrang excited ni Annika ay inabangan nya talaga ang pagdating ni Marcus ng madaling araw. Sa may sala sya natulog para marinig nya agad ang pagdating ng asawa, pero dahil sa pagbubuntis nya ay malalim ang tulog nya at di nya napansin ang pagdating ni Marcus.


Nagulat pa si Marcus ng pagbukas nya ng pinto ay madadatnan nya ang asawa na natutulog sa may sala. Nilapitan nya at pinagmasdan saglit bago marahan na binuhat papasok sa kwarto nila. Maingat nya itong nilapag sa kama pero nagising pa rin si Annika.

"Sorry sweetheart. Did I wake you up?" saka ito kinumutan. Agad naman nawala ang antok ni Annika ng ma-realize nyang binuhat sya ni Marcus sa kwarto nila.

"Marcus." marahan tawag nito saka hinawakan ang kanang kamay. Bahagya naman nabigla si Marcus sa pag-akto ng asawa.

"Y-Yes, sweetheart?" and holds her hand too.

"Kanina pa kita hinihintay." mabilis na sagot ni Annika na kinangiti naman ni Marcus. Di maiwasan na makaramdam ng kilig si Marcus sa sinabi ni Annika.

"Really? Thank you for waiting me." and kissed the back of her hand.

"Okay lang...ano..fiesta sa bayan mamaya." sabi ni Annika.

"Punta tayo sa bayan mamaya?" tanong nito sa asawa.

"Is this why you're waiting for me to come home?" nakangiti naman tumango si Annika. He smiled back at her.

"Okay. We'll go to the fiesta later. But--"

"But?"

"But you have to go back to sleep first. Bawal sa iyo ang mapuyat. Saka dapat tinext or tinawagan mo na lang ako kagabi para di ka na naghintay sa sala, baka nahirapan ka pa matulog dun." then she touches her cheeks.

"N-Nakalimutan ko, pero hindi naman ako nahirapan matulog sa sala."

"But next time, just text me or call me okay? or you can wait for me here in our room para mas kumportable ka sa pagtulog." and lightly squeezed her hand.

"Sige, next time I'll do that."

"Good. Go back to sleep, I'll just change my clothes." and kissed her forehead. Tumango naman si Annika at umayos ng higa. Pagkatapos magpalit ng damit ni Marcus ay tinabihan nya ang asawa sa pagtulog, backhugging her.

What he wants, He gets.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon