Chapter 4

9.5K 200 7
                                    

Chapter 4

"Isn't obvious? I like you and to make it official, I am courting you." diretsong sagot ni Marcus. Hindi naman makapaniwala si Annika sa narinig.

"Sweetheart, don't be too shocked about it. I'm really serious of making you my girlfriend."

"P-pero mahirap lang ako saka hindi naman ako bagay sa'yo." sagot ni Annika saka binawi ang kamay mula kay Marcus.

"At sino naman ang may sabi nyan? I don't care if you're not as rich as my family. Hindi naman yaman ang batayan para maging girlfriend ko. I like you and that's what really matters. I already told you so many times, don't mind those people who thinks that you can't fit into my world, they're just jealous." and he holds her hand again.

"Per---"

"And no more buts. Bakit? ayaw mo ba sa akin?"

"Hindi!---"

"Then we're good. I like you and you like me. I'm courting you and I'll wait for you to say yes to me but please make it quick. I'm impatient sometimes." and he kissed the back of her hand. Her cheeks become crimson red again.

"I'm excited for you to be fully mine." he said while looking at her, making her feel awkward, she avoided his stare.

"K-Kailangan ko ng pumasok sa trabaho." iwas ni Annika at binawi na ang kanyang kamay.

"Alright. I'll just call you later." he said then she went out of the car. Hindi makapaniwala si Annika sa sinabi ni Marcus sa kanya. Isa lang naman kasi syang simpleng estudyante ng eskwelahan nila, hindi naman sya ganun katalino, hindi rin sila mayaman para mapansin ng isang Marcus Figueroa Quintana. Lalo rin naman na hindi sya kagandahan di tulad ng madalas na makita at mapagusapan sa school na kasama at dini-date ni Marcus. Halos wala syang makitang rason kung bakit ang isang katulad nya ang magugustuhan ni Marcus. Di kaya pinaglalaruan lang sya nito? Pinagpupustahan ng mga barkada nya? Pero bakit sya pa sa dami ng estudyante ng eskwelahan? Wala naman syang natatandaan na naka away sa school. Hindi rin naman sya mahilig makihalubilo sa mga mayayaman na tulad ni Marcus at lalong wala rin naman syang kaibigan na mga babae sa school na yaman ng mga ito. Sanay sya na hindi napapansin sa klase at sa eskwelahan pero simula ng lagi syang kinukulit ni Marcus ay pakiramdam nya lagi na lang nakatingin sa kanya ang mga tao at lagi syang pinaguusapan. Natatakot sya na baka isipin nila na ginamit lang nya si Marcus o di kaya ay nagpapagamit sya dito kapalit ng pera. Hindi sya ganun pinalaki ng kanyang lolo at lola. Natatakot din sya na baka malaman ng mga ito na nanliligaw sa kanya si Marcus. Mahigpit na bilin ng kanyang lolo at lola na huwag magpapaligaw o magbo-boyfriend habang nag-aaral pa, kailangan daw na makapagtapos muna sya ng pag-aaral at makapagtrabaho bago magisip ng tungkol sa pag-bo-boyfriend. Hindi rin naman sya nakatanggi kanina kay Marcus dahil sa loob ng maikling panahon ay bahagya nya na itong nakilala at nalaman nyang hindi ito talaga titigil hangga't hindi nya nakukuha ang kanyang gusto. Natatakot din syang malaman ng mga magulang ni Marcus ang mga nangyayari dahil baka isipin ng mga ito na manggagamit sya, lalo na at mahirap lang sya at kung hindi dahil sa scholar ay hindi sya makakapag aral sa eskwelahan na yun. Baka bigla na lang syang tanggalan ng scholarship dahil malapit sya kay Marcus. Magagalit at malulungkot ang lolo at lola nya pagnagkataon. Ano ng gagawin ko? Sumasakit ang ulo ko sa pagiisip tuloy.

"Hi sweetheart!" bati sa kanya ni Marcus ng tumawag ito sa kanya, kaka-out lang nya sa trabaho at pauwi na.

"Ha? Marcus namali ka yata ng tawag, si Annika ito." natawa naman si Marcus.

"Alam ko, si Annika Mallari ang kausap ko, at ang kausap mo ngayon ang future boyfriend mo." namula naman si Annika ng marinig nya ang sinabi ni Marcus.

"B-Bakit ka napatawag?" pagiiba ni Annika.

"I was just checking you, nakauwi ka na ba?"

"Hindi pa, pero pauwi na ako."

"Do you want me to fetch you?" sinabihan nya kasi si Marcus na huwag na syang sunduin.

"Hindi! Okay na ako, nakasakay na ako ng jeep pauwi sa amin." mabilis na sagot ng dalaga.

"Are you sure?"

"Oo."

"Okay, take care of yourself for me." hindi naman nakasagot si Annika dahil hindi nya mapigilan na kiligin din sa mga sinasabi ni Marcus sa kanya.

"And please if you can control yourself, don't show your blushed face to others. I should only be the one seeing that reaction of yours." seryosong sabi nito.

"Hindi naman ako nag-ba-blush." tanggi ni Annika.

"You do. I can sense that."

"Hindi nga." ulit ni Annika at natawa na si Marcus.

"Ahhm, Marcus..."

"Yes?" malambing na sagot ng binata.

"Seryoso ka ba sa sinabi mo kanina?"

"Tungkol saan?" tumigil na ito sa pagtawa.

"Sa panliligaw mo sa akin, kasi kung pustahan lang ito ng mga barkada nyo o kaya trip mo lang, pwede bang ihinto mo na?"

"Seryoso ako na nangliligaw sa'yo, if you want I can ask your grandparents permission to court you."

"Ha? Huwag! h-hindi naman na kailangan.. pero kasi.." nagaalalang sabi ni Annika.

"Annika, tanggalin mo sa isip mo na hindi ako seryoso sa panliligaw sa'yo dahil kaya kong humarap sa lolo at lola mo at manligaw mapasagot ka lang." natahimik si Annika.

"Sige na, tatawagan na lang kita ulit pag nasa bahay ka na. Ingat ka."

"O-okay. Thank you." saka nito binaba ang telepono. At napagtanto ni Annika na seryoso nga si Marcus sa panliligaw sa kanya.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

What he wants, He gets.Where stories live. Discover now