Chapter 14

6.1K 140 11
                                    

Chapter 14

My mood says Marcus. Lols.

PS: The story is still ON-HOLD. I love you guys! Thanks for the patience.

****

Hapon na ng matapos silang mag-ikot at mag-snorkle sa beach. Everyone decided that instead of getting an airconditioned room, they'll do camping. Each couple has their own tent and they chose to have boodle feast. Ang nobya ni Dex at Edgar ay di ganun kasanay sa pagkamay ng pagkain kaya nag-request pa rin ang mga ito ng kutsara at tinidor samantalang ang mga boys ay ganadong-ganado kumain ng naka-kamay. Si Annika naman ay walang ka-proble-problema sa pagkamay dahil sanay sya rito, kinagulat din nito na sanay rin pala si Marcus magkamay kahit anak mayaman ito.

"Yes, sweetheart?" ng mahuli nitong nakatingin sa kanya ang nobya. She smiled at him.

"Hindi ko kasi in-expect na marunong ka pala mag-kamay." sagot ni Annika.

"Sus! Sanay kami magkamay Annika, lalo na pag wala kaming girlfriend." makahulugang sabi naman ni Edgar at tumawa naman si Dex.

"Ga*go ka talaga 'pre." sabay subo ulit ni Dex. Hindi naman naintindihan ni Annika ang gustong sabihin ni Edgar.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sweetheart, don't mind him. It's nonsense." pagiiba naman ni Marcus.

"O-Okay."

"Anyway, nung bata pa ako..si Dad ang nagturo sa akin kung paano kumain ng naka-kamay. Sabi nya mas masaya at gaganahan ka daw kasi kumain pagnaka-kamay ka. Then Mom learned it too from Dad." he explained.

"Akala ko kasi kayong mayayaman hindi sanay kumain ng naka-kamay."

"Judgmental!" sabay na sabi ni Edgar at Dex at kinatawa naman nilang lahat.

"Alam mo Annika, kahit ganito kami kayaman at kagwapo marunong naman kami kumain ng naka-kamay. We even love to eat tokneneng, isaw and tapsilog." sabi ni Dex.

"Na-miss ko bigla yung lomihan nila Aling Nena dun sa malapit sa school ng ex ko."

"Yung lomi ba talaga yung na-miss mo yung ex mo, Edgar?" pang-asar naman ni Marcus sa kaibigan.

"Pare, walang ganyanan andito yung girlfriend ko. Mahal ko kaya ito, di ba baby ko?" sabay baling ni Edgar sa nobya nito na inirapan lang sya. Tumawa naman ang lahat.

"Tikman mo itong steamed okra sweetheart, masarap sya sa bagoong." saka sinubuan ni Marcus si Annika. Parang nandiri naman yung girlfriend ni Dex sa okra.

"You like okra, Annika? It doesn't taste good to me kasi..especially that sticky thing. Yucks." maarteng sabi nito.

"Masarap naman ang okra lalo na pag sinawsaw sa bagoong tapos may mainit na kanin." sagot ni Annika.

"Eh kasi girl that sticky thing..it's like the something of the guy." dagdag pa nito.

"Ha?" Annika get confused again.

"Baby, hindi kaya ganyan yung akin." sagot naman ni Edgar.

"Shut up man! Ang baboy mo." saway naman ni Marcus sabay bato ng buto ng lechong manok sa kaibigan.

"Maka-baboy akala mo naman sya.." apila ni Edgar.

"Ano?!" Pinanlakihan naman nito ng mata ni Marcus.

"Marcus, ano ba kasi yun?" tanong naman ni Annika.

"Ha? Ano..ano kasi yun.." hindi alam ni Marcus ang isasagot.

"Girl, let's eat na lang. They're gross."

"Maka-gross akala mo hindi---" hindi na natuloy ni Dex ang sasabihin dahil bigla syang sinubuan ng inihaw na baboy sa bibig ng nobya niya.

"Let's eat na ulit." at nagpatuloy sila sa pagkain.




Pagkatapos kumain ay nag-set sila ng bonfire at naglaro ng truth or dare. Ang mga lalake naman ay umiinom ng light beer habang naglalaro. Madalas ay si Dex ang natatapatan ng bote.

"Ikaw ulit 'pre, truth or dare?"

"Syempre truth."

"Pinaka-daring mo ng nagawa with your girlfriend?" tanong ni Edgar.

"Easy! We did it in the girls comfort room nung nag-Bora kami. Exciting dude, try mo." pagmamalaking sagot nito sa kaibigan.

"Try kaya natin baby ko?" baling naman ni Edgar sa girlfriend nito.

"Siraulo." sagot naman nito at nagtawanan ang lahat. Nang pina-ikot ulit nila ang bote ay kay Annika naman ito tumapat. Nahiyawan ang girls.

"Easyhan mo lang Dex, lagot ka kay Marcus." sabi ni Edgar sa kaibigan.

"Ang daya! Eh di yung girlfriend ko na lang magtatanong. Okay lang ba, Annika?"

"Oo naman." Na-excite naman ang dalawang girls sa pagtanong kay Annika. Si Annika naman ay biglang kinabahan sa kung ano ang itatanong sa kanya ng girlfriend ni Dex.

"Hoy walang pikon ah. Promise?"

"Promise!" sagot ng lahat.

"Game! Annika, virgin ka pa ba?" Muntik naman masamid si Marcus sa iniinom nito ng marinig ang tanong. Namula naman ang pisngi ni Annika. Ilang segundong tumahimik at lahat ay naghihintay ng sagot nito.

"O-Oo." mahinang sagot ni Annika. Nagsitili naman ang dalawang girls samantalang si Dex naman ay inaasar si Marcus.

"Tangina 'pre! Jack---"

"Ano?!" Marcus dared him to finish his sentence.

"Ano..ang sabi ko. Tang*ina! Ang hina mo!" pagiiba ni Dex ng sasabihin.

"Ga*go! Paikutin mo na nga ulit yang bote."

"Weak!" pang-aasar pa ulit nito bago pina-ikot ulit ang bote. Tawa naman ng tawa ang girls at si Edgar. Pagka-stop ng ikot ay kay Marcus ito tumapat.

"Ahm..wala akong maisip na tanong kay Marcus." sabi ni Annika dito.

"Ako na lang magtatanong para sa iyo, Annika." boluntaryong sabi ni Edgar.

"Huwag kang madaya ga*go." apela ni Marcus.

"Luh?! Pumayag kaya si Annika, di ba?" baling nito kay Annika at tumango naman ito.

"Tsk." sagot ni Marcus.

"Revenge time!!" sigaw ni Dex.

"Tang*ina." bulong ni Marcus.

"Marcus pare. Tropa pa rin tayo after nito ah." paalala ni Edgar.

"Ga*go hindi na, ipapatanggal kita sa team." sagot naman ni Marcus na kinatawa ulit ng lahat.

"I love you 'pre! Forever!" at nag-flying kiss pa si Edgar sa kaibigan. Tawa naman ng tawa ang girls.

"Marcus Figueroa Quintana, MVP of the year..."

"Dude, ang daming pasakalye." singit ni Dex.

"Tsk. Syempre dapat maganda intro sa kaibigan natin. Marcus, hanggang anong base na kayo ni Annika?" and that made Annika's face all red. Ngumiti lang ng makahulugan si Marcus saka pinalibot ang braso sa bewang nito.

"Let's just base my answer on her reaction." at lahat sila tumingin kay Annika na lalong kinapula nito.

"Marcus!" mahinang saway nito sa nobyo. He chuckled.

"I think my girlfriend feels sleepy already. Good night guys." saka inakay si Annika patayo sa buhangin at naglakad patungo sa tent nila.

"'Pre! Third base di ba?"

"Ga*go! second lang!" nagtatalo pang sigaw ng dalawang kaibigan habang pinapanuod ang paglakad palayo ng mag-nobyo.

To be continue...

Voteand comment please. Thank you.    

What he wants, He gets.Where stories live. Discover now