Chapter 1

16.9K 275 8
                                    

Chapter 1

"Dalawang buwan na lang pala pare tapos bakasyon na ulit." sabi ni Edgar na kaibigan ni Marcus. Nag-pa-practice sila ngayon ng basketball para sa darating na laban nila.

"Makakapaglaro ka pa ba sa team sa sunod na pasukan Marcus?" tanong ni Dex.

"Hindi ko pa sigurado e, tini-train na rin kasi ako ni Daddy ngayon sa kumpanya tapos sa pasukan huling taon na natin bago grumaduate." sagot ni Marcus.

"Ang aga naman kasi 'pre na mag-train ka sa kumpanya nyo samantalang hindi pa ka nga nagtatapos ng college."

"Gusto ko rin naman para at least malaman ko na agad ang pasiku-sikot ng kumpanya saka para matulungan ko na si Dad after graduation."

"Nakakapagod yang ginagawa mo Marcus, mas maganda kasi pag i-enjoy mo muna ang life. Ano bar tayo mamaya? May bago daw chix si Dwayne." pagaaya ni Dex.

"Damn. I wanna get laid man! it's been a week!" sabay tawa ni Edgar.

"Ang hina mo kasi pre, hindi mo gayahin itong si Marcus. Hindi nauubusan ng chix, sila pa mismo ang lumalapit. Nung isang araw lang nakita ko itong kasama yung bagong transfer dito sa school." natawa naman si Marcus.

"G*go! Nagtanong lang naman sa akin yun tapos sinamahan ko lang sa scheduled room nya para di ma-late."

"Sabihin mo ninja moves ka na naman!" at natawa silang lahat. Habang naglalaro ng basketball ay napansin ni Marcus ang maiingay na mga babaeng pumasok ng gymnasium at saka umupo para panuorin sila.

Napukaw naman ang atensyon nya ang nasa likuran ng mga babae na tahimik lang na sumusunod sa mga ito at maraming dalang gamit. Simple lang yung babae at walang kaartehan sa katawan o sa mukha di tulad ng mga kasama nya. Based din sa uniform nya ay nursing student ito pero hindi nya na ito masyado pang nakilatis dahil sinigawan na sya ni Dex kaya nag-focus na lang sya sa practice nila. Ng matapos ang practice game nila ay napansin ni Marcus na nawala na rin ang mga maiingay na babae na nakita nya kanina na tumitili sa kanila pero nakita nya yung simpleng babae na naiwan sa upuan at abala sa pagliligpit ng mga gamit nya. Nilapitan nya ito para tulungan lalo na at marami pala itong dalang libro. Paglapit ni Marcus sa babae ay tumayo ito bitbit ang maraming gamit pero nalaglag din sa paghakbang nito. Dali dali naman na tinulungan ito ni Marcus.

"Let me help you Miss." sabi ni Marcus at isa-isang pinulot ang mga libro. Napatigil naman ang babae sa pagpulot ng mga gamit at napatingin sa kanya.

"T-Thank you po." magalang at nahihiyang sabi ng babae.

"You're welcome but it'll be much better if you'll remove the po because I'm not that old." ngiting sabi ni Marcus. Parang nahiya naman ang babae at yumuko.

"S-sige mauuna na ako." at nagmamadaling lumakad pala sa kanya. Nangingiting nilingon ito ni Marcus at agad na sinundan ulit ang babae. Hinawakan nya ito sa braso para huminto.

"Wait." pigil ni Marcus. Napalingon sa kanya ang babae. Niyuko naman ito ni Marcus at may binulong sa tenga nito. Agad naman namula ang pisngi ng babae at hindi nakapagsalita. Si Marcus naman ay tumakbo pababa at may kinuha sa may bench. Saka mabilis na bumalik dun sa babae at inabot ang kanyang jersey jacket.

"Gamitin mo muna ito para di nila makita."

"S-Salamat." nahihiyang sabi ng babae saka inabot ang jacket mula kay Marcus. Kinuha naman muna ni Marcus ang dala nitong mga gamit at itinali ng babae ang jacket ni Marcus sa kanyang bewang. Natagusan kasi ang babae at hindi rin nito napansin kaya sinabi nya na lang dito saka nya kinuha agad ang jacket para matakpan kahit papaano ang dugo sa palda nitong puti para hindi na rin makita ng iba pa habang naglalakad ito.

"A-ano.. Mr. Quintana, lalabahan ko na lang po yung jacket nyo saka ko po ibabalik bukas." namumulang sabi ng babae.

"It's okay. You can keep it if you want, I'm Marcus." sabay lahad ng kamay nito sa babae. Nahihiyang tinanggap ito ng babae saka nagpakilala rin.

"Annika." tipid na sagot nito. Tila nakuryente naman ang babae ng magdikit ang kanilang mga kamay kaya agad din nitong binawi iyon.

"Nice name." ngiting sabi ni Marcus. Mas lalo naman namula ang babae at hindi makatingin sa kanya.

"A-ano, mauuna na ako. May sunod na klase pa kasi ako. Salamat po ulit, isosoli ko nalang po yung jacket bukas."

"Alright. Basta huwag mo na akong i-po. I'll see you here tomorrow." then he winked at her but she just timidly walked away from him. Hindi naman maalis ang ngiti ni Marcus dahil sa nangyari at tila na-e-excite naman sya sa pagkikita ulit nila ni Annika bukas. Hindi nya alam kung anong meron ito at parang gusto na nya ulit itong makita. Bakit nga ba ngayon nya lang napansin ito? Gusto nya pang mas makilala si Annika at bukas ay sisimulan na nya iyon.

To be continue...

Vote and comment please. Thank you.

What he wants, He gets.Onde as histórias ganham vida. Descobre agora