CHAPTER 28

82 5 0
                                    

❝THE JOCK❞
(Chance Series 03)
written by; Leiwrites

Chapter 28

NAPABANGON ng mabilis ng higaan si Kwyn dahil sa narinig na putok na nagmumula sa labas ng kwarto niya. Bigla siyang kinabahan sa posibleng nangyayari sa labas. Kung magsisigaw sya para magtanong baka may makarinig sa kanya kung sakaling may nanloob sa bahay nila. Inatake ng kabog ang kanyang dibdib sa isiping pinasukan nga ang bahay nila.

Humakbang sya ng dahan dahan patungong pinto at sandaling sumilip sya at nagkataon naman na nakita niya ang kuya niyang paakyat at agad na nagtama ang tingin nila.

Balak na sana nyang tawagin ito ng magsign itong tumahimik sya at wag gagawa ng kahit anong ingay hanggang sa nakapasok na nga ng kwarto nya ang kuya niya.

"Anong nangyayari kuya? bakit may barilan sa bahay natin?" Agad na bulong nya.

"Kailangan munang umalis dito." Ganting bulong ng Kuya kihl nya.

"Bakit ako aalis dito? this is our house. and why should i leave here? Bakit may barilan anong nangyayari?" Kabadong tanong nya.

"Hindi ka pa magaling Sis. you should follow what i've said. Sige na, get your phone in you so i can contact you and let's talk about this matter later." Kihl said still his gaze is on the door.

Hindi na lang sya nagsalita at mabilis na kinuha nya ang cellphone sabay nilagay sa bulsa nya. Mabilis na hinawakan sya ng kapatid sa Kamay at agad na tinungo nilang magkapatid ang Gallery room niya kung saan gulat na bumukas ang malaking Painting decoration na syang nagsilbing secret door at dun sila dumaan. Gusto niya sanang magtanong kaso tumahimik na lang sya. Hanggang sa nakalabas na sila ng bahay nila. Automatic na may nakita siyang isang Kotse na nakaarangkada sa liblib na lugar na 'yun kaya takang nilingon nya ang kapatid.

"I know that look Sis. but i'll explain later. for now, drive safely and i'll call you later. the important to me now is to keep you safe so you should leave." Kihl said with a guilty sounds.

"Papaano ka? Sumama kana sakin!" Gagad nya. umiling ito.

"No sis. kailangan ko munang tignan ang bahay."

"It's lame reason kuya. Huwag mong sabihing makikipagbarilan ka sa kanila?"

tumango ito.

"Kuya?! How come that you're going to fight them?!"

"i told you that i explain later. Go sis." Hinalikam na lang sya ni Kihl sa noo bago ito mabilis na pumasok sa secret door na syang direktang labasan sa liblib na lugar na 'yun.

Napabuntong hininga sya bago inumpisahan paandarin ang sasakyan. Napangiti pa sya ng marealize na preparado na pala ng kuya niya ang lahat dahil nasa overview mirror lang nakasampay ang susi.

"Hindi lang pala si Aether ang may sekreto pati din pala si Kuya?"

- -

"Ano?! mga inutil kayo! hindi nyo pa agad tinumba! mga wala kayong silbi! mananagot ako nito kay Boss." Galit na wika ng isang leader ng mga titira sa kanya.

Kasalukuyan siyang nakikinig at nanonood sa kapalpakan ng mga tauhan ni Concia kaya naman naisipan niyang bantayan muna ang usapan ng mga ito.

"Eh siraulo kasi ang Stifiore na 'yun ng dahil sa kanya hindi nako makakabuo nito ng bata." Galit na wika ng nagflying kick sa kanya na sinadya nyang patamaan sa hinaharap nito.

Agad na nakatanggap ito ng sapak sa mukha. "tarantado! pinroblema mo pa yang hinaharap mo gago!"

"Mali po talagang kalabanin natin ang Stifiore na 'yun" sumbong ng isa.

"aba bakit? naduduwag ka ba?" tanong ng leader.

"Alagad ng batas ang Stifiore na 'yun. Kung hindi ako nagkakamali isa siyang private agent na nagpapanggap na spy satin na mga sindikito."

napangisi siya sa sinabi ng isa. Hindi nga talaga ito nagkamali ng akala kaya naman lumabas na sya sa pinagkukublian at kusang nagpakita.

Agad  na tinutukan sya ng baril ng mga sindikitao. Halos sampong mga tao ang may nakatutok sa kanya nang iba't ibang baril.

"Gusto nyo talaga akong patayin?" tanong nya sa mga ito.

"Oo! Ang katulad mo na traydor hindi na dapat hinahayaang mabuhay!" sabi ng leader at agad na pinaputukan sya pero mabilis ang galaw niya, Agad na inagawan nya ang isang lalaki na may baril at sinuntok ito bago sunod sunod pinagbabaril ang gustong bumaril sa kanya. Maging ang naunang lalaking sumipa sa kanya kanina ay agad niyang binaril. one versus ten ang nangyari pero tatlo lang ang natira sa mga ito at gustong gusto na syang katayin sa sama ng mga tingin ng mga ito.

"Using gun to kill me is a piece of cake. Why dpn't you try to combat fight?" nakangising tanong nya.

"Aaaahhh!" sigaw ng isang lalaki na agad binitawan ang baril at agad siyang sinugod ng suntok ngunit nakailag naman sya agad. Ilag lang ng ilag ang ginawa niya hanggang sa mapagod syang umilag ay sya naman ang tumirang sumuntok at agad na nakatulog ang lalaki.

napailing sya.

"Who's next?" tanong nya na siyang agad na pagkapunit ng damit nya na nasa tiyan.

What the fuck.

"Pasalamat ka nakachamba ka lang Stifiore!" singhal ng lalaki sa kanya na gigil na gigil siyang saksakin ng hawak nitong kutsilyo.

"oh edi Salamat." sabi nya na agad naman syang sinugod nito na agad din niyang sinuntok ito sa bungo.

"Gago!" sigaw nito.

"Matagal na." sabi nya at agad na inumbagan ng sunod sunod na suntok ang mukha nito hanggang sa nakatulog ito.

Pinagpag nya ang mga kamay bago nilingon ang isa pang galit na leader leaderan.

"Ano? lalaban ka pa?"

"tarantado ka! mayabang ka lang tarantado ka!"

"Tapos madaldal ka naman." pang asar nya.

"Aba't tarantado ka! itong para sayo!" Sigaw nito na balak ng barilin sya ng agad na tinapunan niya ito ng kutsilyo at saktong natamaan ito sa tiyan.

"hayop ka! ha-yop kang taran-tado ka!" Sigaw nito na nararamdaman na ang sakit na nasa tiyan nito.

"Hindi ka pa pweding mamatay. kailangan mo muna akong ihatid sa mismong lungga ng boss mo." Sabi nya at agad na sinabunutan ang buhok nito para mapatayo.

- -

Kwyn just on her way to Lock Village nang biglang may humarang sa kanyang dalawang itim na Van at agad na tinutukan sya ng baril at agad na pinababa.

Damn it!
anong nangyayari?

"Sino kayo?!" Agad na tanong nya ng sapilitan siyang hilahin ng mga armadong lalaki.

"Kampon ni Satanas. kung gusto mo pang mabuhay sumunod ka samin." demonyong wika ng lalaki na siyang nakahawak sa kanya.

"Hindi ako utouto para sumunod sa inyo!" Sigaw nya dito sabay dinuraan ang mukha ng demonyong lalaki. Balak na sana niyang kumalas sa pagkakahawak nito ng makitang tinutukan sya ng mahigit limang taong may hawak na baril.

"bastos ka! dinuraan mo pa ako. Sige, subukan mong tumakas kung ayaw mong sabog yang ulo mo." naiinis na wika ng demonyo.

"Hayop ka! hayop kayo pakawalan nyo ako!"

"Sige na isakay na yan."

"tulonggggg!"

"sumigaw ka pa kung ayaw mong isasampal ko itong baril sa maganda mong mukha!"

"Puro ka satsat dimo naman ginagawa! Isa kang malaking inutil! pweh!"

dinuraan na naman nya ang demonyo kung kaya naman pinagtawanan ito ng mga kasamahan nito at balak na sana niyang kumalas sa pagkakahawak sa kanya ng bigla siyang paluin ng matigas na bagay sa ulo dahilan ng pagkawala ng malay niya.

THE JOCK (COMPLETED)Where stories live. Discover now