CHAPTER 06

111 2 1
                                    

❝THE JOCK❞
(Chance Series 03)
written by; Leiwrites

Chapter 06

IT'S like a blur to Aether when he realized that he's actually one week in his job, being a service crew. And because it's him time to rest, as what the manager said it's his day off; ay inabala muna niya ang sarili na kumalkal ng mga importanteng impormasyon.

Sa kabilang Banda naman ay inis na inis si Kwyn sa kaalamang kulang sila sa tao ng araw na 'yun.

Wala si Jake na isa sa tagaluto nila dahil namatayan daw ito ng tiyuhin sa probinsya samantalang ang dalawa pang service crew member ay naatasang mag deliver  sa customers nila sa labas at ang binatang si Aether lang ang pinaka kinaiinisan niya sa lahat.

Ang kapal ng mukha nitong mag day off samantalang one week pa lang naman itong naroon. Kaya heto siya, sila--i mean. Doble doble ang trabaho. Actually siya talaga nahirapan dahil bukod sa siya pa magseserve  ng order ng customers siya din ang pabalik balik na labas masok sa kitchen para i-prepared ang ise-serve nila ni Ely. Kaya tagaktak na sa pawis ang likod niya na binalewala lang niya.

Kung bakit kasi ngayon pa dumami ang customer. Himutok ng utak niya. Sumakit tuloy ang balikat at braso niya sa pinanggagawa niya mula umaga hanggang hapon. Hapon  na nga nung maaalala niyang maglunch kung Hindi pa tumunog ang tiyan niya.

"Salamat sa Diyos dahil wala ng gaanong customers." Nawika na lang ni Ely na nasa tabi niya.

"Salamat talaga." mabilis na tugon niya.

"Ngayon ka lang kumain no?" Usisa ni Ely.

"Oo bakit?"

"Halata kasing PG ka. Bakit kasi dika kumain kaninang tanghali?" Wika nito.

"You think I can afford to eat my lunch in the middle of our customers?"

"Yes naman. Pano kung magkasakit ka pa kung lagi kang nagpapa late sa pagkain? At wag moko iniinglish Kwyn. Konte na lang iisipin ko talagang anak mayaman kang babaita ka."

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan.

"Anong nakakatuwa? Alam mong magkakasakit ka sa routine mong yan Kwyn bahala ka diyan mamamatay kang virgin pa. Sige ka." Pananakot nito na ikinailing niya.

"Hindi pa ako mamamatay. Isa pa, mukha ba akong anak mayaman talaga?" Nangingiting tanong niya dito. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakatayo kasi siya habang kumakain sa likod ng Kitchen window.

"Kutis mo palang pangmayaman na. Sa katawan mo naman, konteng pakita lang ng katawan mo halatang mayaman sa kaseksihan. 'Yung totoo hindi ka ba talaga mayaman?" Usisa nito.

"Hindi ako mayaman. Kaya nga nagtrabaho ako dito diba?"

"Sabagay. Matagal ka na nga dito eh. Si Aether lang talaga ang alam kong mayaman talaga." Biglang wika nito. Napatingin sya sa kaibigan.

"Pano mo naman nasabing mayaman siya?"

"Ang gwapo niya kasi!" Napalo pa siya nito sa braso niya na ikinangiwi niya. Pero hindi niya pinahalata ditong nasaktan siya.

"Porque gwapo mayaman na agad?"

"Oo hehehe ang gwapo niya kasi. Lagi siyang nakangiti sa customers natin. Crush ko na talaga siya." Kinikilig na wika nito.

"Tss yang crush mo walang kwenta. Mas pinili pa ang day off niya kesa sa trabaho niya dito."

"Grabe ka naman Kwyn. Bakit ba against na against ka kay Aether? Noong una pa lang sya dumating ayaw mo na talaga sa kanya. Kapag hindi kanya kinukulit saka ka naman manakaw nakaw na sumusulyap sa kanya tapos kapag nasa tabi mo na siya, tinatarayan at sinusupladahan mo siya. Magtapat ka nga sakin Kwyn, MAY GUSTO KA BA KAY AETHER?" Diretsang tanong ni Ely na siyang pagsunod sunod ng pag ubo niya kasabay ang biglang pagpasok ni Aether na bigla na lang sumulpot doon. Mabilis nitong binigyan siya ng isang basong tubig bago nito hinimas ang likod niya.

THE JOCK (COMPLETED)Where stories live. Discover now