CHAPTER 02

173 4 0
                                    

❝THE JOCK❞
(Chance Series 03)
written by; Leiwrites

Chapter 02

Paggising pa lang kanina ni Kwyn sa tinutuluyan niyang boarding house ay sobrang badtrip na ang inabot niya.

First,

May katabi siyang grabe kung himilik daig pa ang nakikipagsex sa ungol nito.

Second,

Noong maliligo na naman siya ay bigla pang nagkaroon ng brownout sa tubig kaya hindi na siya nakapagshampoo pa.

Third,

Magkakape na nga lang siya para sa pang umaga niya'y hiningi pa ng walang hiyang ka-boardmate niya.

Wala ng itinirang maganda sa araw ng lunes ni Kwyn ng umagang 'yun. Kaya kahit naiinis sa nangyari ay no choice pa rin na kailangan niyang pumasok sa McDo.

Siya lang naman ang active na cashier niyon, isa pa kailangan niya ng malaking pera para sa Lola niya.

Palakad lang siya noon patungong McDo ng makita siya ng katrabahong si Marco kaya ng makita siya ay hindi na ito nagdalawang isip na isabay siya sa motor nito. Sino naman siya para tanggian ito?

Grasya 'yun at bawal tanggian.

Medyo gumaan gaan ang loob niya ng mga oras na 'yun hanggang sa napawi 'yung ngiti niya ng may isang lalaking kausap ng manager nila sa office nito. Narinig niyang nakipag usap si Marco sa mga staff screw.

"May bagong crew member?"

"Oo siguro. Kanina pa sila nag uusap ni boss. Ang gwapo niya ano?"

"Gwapo nga pero mas gwapo pa din ako."

"Ew! Mas gwapo kaya 'yung kausap ni boss. Walang wala ka ni kalingkingan wala kang kagwapuhan na maikukumpara sa kanya."

"Crush mo siya ano?"

"Oo, crush at first sight ata ito."

"Naloko na."

Hindi na lang niya pinakinggan ang usapan dalawa niyang kaibigan na ang topic ay ang bagong crew member daw. Ang balak Sana niyang pagpunta ng locker room para magpalit ng uniform ay nauwi sa biglang pagtawag sa kanya ng cashier three na si Ely.

"Mukhang may bago na tayong cashier, sis Kwyn." Agad na wika ng kaibigang si Ely na kagaya niya ay isang cashier din.

"Tinawag moko dahil lang sa chismis mong to?"

"Oo hehe ang gwapo niya kasi sis. Hindi mo napansin?" Kinikilig na wika nito.

"Gwapo? Ang alam ko lang tao siya."

"Kwyn naman.."

"Ikaw Ely tigilan mo ko. Diyan kana nga magpapalit pako ng uniform ko." Sabi na lang niya bago tinungo ang locker room.

Kaso

Napang abutan niyang nakipagkilala sina Jake at Marco sa lalaking sabi ng kasamahan ay gwapo daw.

Nakasimangot na lumakad siya para lagpasan ang tatlong lalaki. Dahil sa nakasando din naman siya ay mabilis na inalis niya ang suot na checkered bago isinuot ang uniform at itinatali na niya ang buhok.

Masyadong nag iisip si Kwyn ng kakainin niya para sa umagahan niya ng biglang may lumapit sa kanya at inayos ang uniform niyang bahagya pang nakabukas ang butones.

Natigilan siya.

Nabigla.

Nagulat.

At nang marealize ang ginawa ng lalaking MISMONG NAG AYOS NG NAKABUKAS NA UNIFORM SA BANDANG MAY DIBDIB NIYA ay saka pa niya narealize na isang LALAKI ang gumawa niyon sa kanya, INDERECT TOUCHING na nasilip pa siguro ng lalaki ang boobs niya.

at dahil sa gulat ay bigla na lang niya nasampal ang lalaking ngayon ay gimbal na gimbal sa pagsampal niya.

"What the!" Biglang wika nito ng makarecover sa sampal niya.

"Ayos ka lang pare?" Tanong ni Jake na nasa likuran nito.

Sinamaan niya ng tingin ang lalaki. Siya na nga itong namanyakan, siya pa tong naging kontrabida sa harap ni Jake na kaibigan niya.

"Wala Kang karapatang gawin 'yun dahil hindi kita Kilala!"

Singhal niya dito bago nilagpasan ang dalawa at lumabas ng locker room.

Imbes na sa counter area ang destinasyon niya ay nasa restroom ang pinasukan niya.

___

AETHER didn't expect that someone can effortless slap him. Unang araw niya pa lang sa pagiging service crew, unang pagkakataon din na may sumampal sa kanyang isang tigreng babae. Ano bang ginawa niya at nasampal siya nito? Mali ba? Mali ba ang pagtulong niya ditong siya ang magbutones ng damit nito?
Siya na nga itong tumulong, siya pa itong nasaktan. First time in his life history that someone slapped him because he helped.
"Pare, ayos lang ba ang pisngi mo?" Biglang tanong ni Marco na nasa tabi niya na ngayon at nakita ang buong pangyayari.
Umiling siya na parang di makapaniwala.
"She slapped me." Sumbong niya na ikinatawa ni Jake.
"Natural lang naman na ka niya dahil sa ginawa mo, pare." Saad ni Jake.
"Tinulungan ko lang naman siya." Giit niya.
"Pero Mali ang paraan ng pagtulong mo." Correction naman sa kanya ni Marco.

Mukhang wala siyang magagawa kungdi tanggapin sa sarili na nasampal ang kanyang kagwapuhan.
"Next time kana lang makipagkaibigan kay Kwyn." Ani Jake

"bakit?" Biglang tanong niya.

"Dahil obviously namang ayaw sayo ni Kwyn." Sinamaan pa ng tawang nang aasar na wika ni Marco.

Tumahimik siya. Only his friends can laugh at him. At itong Marco na ito? Tsk. Humanda ito kapag nakilala siya. Ngayon, magpapakabait na muna siya.

"OK. Kung ayaw niya sakin gagawa ako ng paraan para makapag sorry." Nangingiting wika niya.

"Goodluck sa plano mong yan. Hindi mo pa talaga kilala ang kwyn namin." Anang Marco.

Bigla siyang natigilan.

Kwyn namin?!?

Fuck.

Bakit may pakiramdam siyang pagkadisgusto sa sinabi nitong si Marco?

"Boys, need na kayo sa labas." Biglang tawag sa kanila ng isang babaeng may hawak na map.

"Siya naman si Keit." Bulong ni Jake.

"Ah."

Maganda 'yung Keit pero mas maganda pa din ang tigreng 'yun.

Napailing siya. Ano bang nangyayari sa kanya at bigla na lang sumusulpot sa isip niya ang babaeng 'yun? And the end of the day, He realize that he's fucking smiling like an idiot. Which everyone their stared at him ridiculous.

THE JOCK (COMPLETED)Where stories live. Discover now